Chapter 138

Depuis le début
                                        

Bigla na lang akong kinotongan ni Kio ng tatlong beses. Halos lumubog na 'ko sa kinauupuan ko dahil sa lakas ng mga 'yon. King inang 'to, nilabas ata ang lahat ng galit niya sa pamamagitan ng kotong. Inaano ko nananaman 'tong lalaking 'to at bigla na lang siya nananakit?

"Ikaw! Napakarami mo kasing kaaway kaya ngayon binabalikan ka!"

"Aray naman ha! Bakit ba gigil na gigil ka r'yan! Hindi ko naman sila kilala e!"

"Malamang! Hindi mo na sila maaalala dahil hindi mo na nabilang kung ilan ang mga inaway mo!"

"Bakit ka ba nagagalit d'yan?!"

"Hindi ako galit! Gusto ko lang ipaalala sayo ang mga kalokohan mo!"

"E bakit ka pa sumisigaw?!"

"Hindi ako sumisigaw." Malumanay na sabi niya at huminga ng malalim.

Sumeryoso ako. "Wala naman akong napatay na tao para gumanti sila ng ganito katindi."

"Wala naman kaming sinabing nakapatay ka... baka dahil sa ginawa mo ay na-trauma siya." Sabi ni Jharylle.

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko at pinalobo ang magkabilang pisngi ko bago ko ibinuga ng malakas 'yon sa hangin. Nakakabaliw pala ang ganito, hindi ko alam na bigla-bigla na lang palang lumalabas na gumaganti sa 'kin.

Ito na ata ang karma ko sa mga kalokohan ko na ginawa ko noong nasa Sta. Luiciana pa kami. Hanggang sapakan lang naman ako ah, wala naman akong ginawang may higit pa ro'n.

"...Ako ang magpapahirap sayo... gaya ng ginawa mo sa 'kin."

"WHAT?!" Sabay-sabay nilang sigaw nung bigla akong magsalita sa gitna ng katahimikan. Hindi na kasi kami umimik kanina, parang pinapakiramdaman na lang namin ang bawat isa.

"‘Yon ang sabi niya sa 'kin kanina, kaya raw niya ako binabalikan dahil sa mga ginawa ko sa kaniya dati."

"Baka isa siya mga nakaalitan mo dati sa Sta...?"

"Sta. Luiciana." Pagdurugtong ko sa sinasabi ni Timber.

"Pero, Yakie, hindi mo ba siya namumukhaan?"

"Hindi ka ba nakikinig sa 'kin kanina, Ji?!" Inis na sabi ko. "Nakamaskara nga siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya!"

"Yung style ng katawan niya, hindi mo ba nakikilala?"

"Hindi e, malay ko ba kung nagpalaki siya ng katawan."

"Eyes." Sambit ni Kayden kaya naman nagkaroon ako kaagad ng clue.

"Yes! Oo! Yung mata, pamilyar siya sa 'kin pero hindi ko talaga masabi kung sino siya. Parang anino lang siya sa utak ko. Gano'n."

"Maybe... he's your enemy from your past. Take care of yourself. 'Wag kang tatanga-tanga." Seryosong sabi niya tsaka lumabas na.

Tignan mo nga naman ang lalaking 'to 'no, maghahabilin pero parang nananakot. Daig niya pa si daddy kung mapagsalita e. Parang kapag hindi mo sinunod ang sinasabi niya, hindi ka niya titigilan.

-

"Diyos miyo! Mahabagin! Anong nangyari sa inyo?!"

Bagsak balikat kaming pumasok ni Kio sa loob ng bahay. Sabay kaming pabagsak na umupo sa sofa. Sumandal siya, ako naman ay inihilig ko ang batok ko sa sandalan. Ngayon ko ata ulit naramdaman ang pagod.

Nanatili muna kami sa apartment ni Aiden matapos magwalk-out si Kayden kanina. Nagkwentuhan lang muna kami saglit tungkol sa mga nangyari. Pinaliwanag ko ng buo ang lahat ng mga pinag-usapan ni Boss Ipis para hindi na lang putol-putol ang nga tanong nila.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant