"Anong gangs dati?! Hoy! Sa liit mong 'yan, nakikisali ka sa away ng gangs?!" Panenermon ko sa kaniya.

"Oo!" Taas noong sabi niya. "Palagi akong sumasama sa kanila kapag may gang fights!"

"Kailan ha?! Kailan pa? Hindi ko alam na close pala kayo ng mga 'yan." Turo ko sa mga hudlong.

"Matagal na hehehe."

"Stop that non sense chitchats. Just keep telling us about  what you and boss D talked about." Pagsabat ni Kayden sa 'min.

Ang epal naman nito. Hindi ba talaga sila makapaghintay?!

"Kung mga nakaaway nating mga gangs 'yon... imposible dahil hindi ko sila namumukhaan." Sabi ni Timber.

"Ito pala 'yon, may atraso raw ako sa kaniya tapos nung tinanong ko kung ano 'yon... sabi niya, 'marami. Maraming marami. Hindi ko na nga mabilang. Sinira mo ang buhay ko. Sinira mo ang mga pangarap namin!'” Panggagaya ko sa tono ng pananalita ni Boss Ipis kanina.

Dahil nga masyadong madiin ang lahat ng sinasabi niya kanina, namemorize ko na ang bawat litanya niya. Sa sobrang gigil niya ay halos tumalsik na sa 'kin ang laway niya kung hindi lang siya nakamaskara.

"'Yon lang? Wala na bang iba?" Naiinip na sabi ni Mavi, humikab pa talaga siya bago mangulangot. Ang sagwa naman ng lalaking 'to, bibilugin niya pa ang nakuha niya sa ilong niya tsaka ipipitik kung saan.

"Teka lang ha, isipin ko muna. maghintay lang kayo kasi mahina ang kalaban."

"Malakas kaya sila! Muntik na nga tayong matalo kanina, buti na lang magaling ako!"

"Oo na, Ji. Ulit-ulit lang? Tsaka kung hindi dahil sa 'kin baka durog na 'yang likod mo."

"Edi thank you! Sa uulitin!"

"Wala ng uulitin!" Sabay naming sabi ni Kio. Nagkatinginan pa kami bago namin inirapan ang isa't isa.

Pagkatingin ko ulit sa mga hudlong ay nagulat ako ng biglang may pumitik sa noo ko. Hinimas ko kaagad 'yon at sinamaan ng tingin si Vance.

"Magkuwento ka na lang, baka sakaling matulungan ka namin kay Boss Doraemon."

Anong Boss Doraemon naman ang sinasabi nito? Ako nga ay hindi ko alam ang pangalan nung Boss Ipis na 'yon. Porke Boss D, ginawang Boss Doraemon na kaagad 'no? Hindi ko na lang pinansin ang pagbansag niya.

"Sabi niya may warning siya. Yung una at pangalawa ay binigay niya na sa 'kin dati tapos 'yon ang pangatlo. May sinabi siyang... 'Ibibigay ko sayo ang pangatlong warning ko. Pangatlo pero hindi pa ito ang huli. Asahan mong mayroon pang susunod.' Yon! 'Yun yung sinabi niya."

"Ang daldal mo pala 'no, parang ikaw din si Trina."

"Hoy! Mas maingay si Trina sa 'kin, Vance, minsan lang ako mag-ingay."

"Minsan daw..." Parinig ni Kio.

"So, is he sending you death threats?"

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. "Hindi naman siguro, baka tinatakot na niya lang ako."

Napatingin kaming lahat kay Kayden ng tumayo siya at nakapamulsang humarap sa 'ming lahat. As usual, nakasando nananaman siya, kahit saan ata siya magpunta ay gano'n ang suot niya. Wala bang t-shirt ang lalaking 'to?

"We do not know the enemy so we will have a hard time with him." Sabi niya. "Hindi natin malalaman kung kailan siya manggugulo ulit."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now