"Sumuko ka na."

"Sa'n ba nanggagaling ang talino mo? Walang magagawa ang talino mo sa 'min!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko nananaman ang mga misteryosong boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magpa-apekto ngayon dahil ayaw kong mawala sa sarili... baka kung anong magawa ko sa mga taong nasa paligid ko.

"Kenji!"

Tumakbo ang ng mabilis nang makita ko ang isang lalaki na akmang hahampasin sa likod si Kenji ng tabla. Ang mga kamay ko ay umabot at hinawakan siya sa kwelyo. Hinarap ko siya sa 'kin at tinira sa leeg gamit ang gilid ng mga palad ko.

Bumilis ang paghinga ko. I feel like I’m outside myself. Tinapik ko siya sa balikat bago ko harapin ang mga tao sa likod niya. Puro harap lang ba ang nakikita at nararamdaman ng batang hapon na 'to? Muntik na siyang matamaan sa likod.

Pinapanood ko ang aking sarili na hinihila ang isang lalaki sa gilid at binugbog siya sa sahig, sa alikabok at sa mga nahulog na mga papel at karton. Kinuyom ko ang kamao ko at kaagad na pinalipad sa sikmura niya.

"‘Wag mo 'kong patayin." Hirap na pakiusap niya. Ngisian ko lang siya at hindi na pinakinggan.

Kanina ba na nakikiusap ako na pakawalan nila ako, nakinig ba sila? Nung tinanong ko kung sino ang amo nila, nakinig ba sila? Ngayon, nakikiusap siya sa 'kin?! Hindi ko naman siya papatayin.

Kailangan kong tiyakin na hindi siya makakilos sa oras na tapos na ako sa kanya. Naaamoy ko kung gaano siya takot.

Nakikita ko ang kanyang mga mata at tinitiyak na hindi makasalubong ang mga ito, at inilagay ko ang aking kamao sa kanyang ilong para matanggal ang anumang pangitain na maaaring meron siya. Nasasaktan siya, pero nagpapatuloy ako. Pasensya na.

Nang makita kong umiiyak na siya ay saka ko siya binitawan. Napahiga na lang siya ng tuluyan sa sahig. Iniwan ko na lang siya ro'n at tinulungan ang iba. Siraulong Boss Ipis na 'yun, iniwan ang mga alipores niya rito. Gusto atang mabawasan ang mga 'to.

Lumapit ako sa iba at tinulungan sila. Ilang hampas at sapak ang nakuha ko pero mas marami naman ang binigay ko sa mga alipores ni Boss Ipis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala hindi ko na lang nilapitan si Calista, siya na lang sana ang pinalapit ko sa 'kin.

Si Kenji ang sinubaybayan ko dahil siya ang pinakamaliit sa 'ming lahat. Ang ibang hudlong ay mabilis at maagap na nakakaiwas sa mga atake ng mga nakaitim, habang 'tong batang hapon na 'to ay puro nasa harap at gilid lang ang inaagapan.

Nasa likod niya 'ko kasi akala ko ay hindi niya kaya ang mga kalaban dahil malalaki ang katawan ng mga 'to tapos si Kenji, parang palito lang sa kanila. Pero akala ko lang 'yon dahil nakalimutan kong may lahi pala siyang ninja.

Ang bilis niyang kumilos. Takbo rito, takbo roon, sipa rito, sipa roon. Panay din ang paglundag niya tapos magbibigay ng flying kick sa kalaban. Halos lahat ng sinisipa ay nawawalan ng malay. Nagpopogi sign pa siya kapag napapatulog niya ang kalaban.

Nginiwian ko lang siya dahil hindi niya naman bagay ang ginagawa niya. Siya kaya ang sipain ko? Enjoy na enjoy pa talaga siya habang nakikipagbakbakan sa mga nakaitim na 'to. Mga baby ni Boss Ipis. Mga baby ipis.

Hindi niya ata alam na ako lahat ang sumasalo sa mga hampas na dapat ang likod niya ang sumasalo. Ay isa pa ngang nakaumpog sa ulo ko dahil sa pagkakatilapon. Kung hindi ko lang siguro binalanse ang katawan ko, sigurado akong matutumba kami pareho ni Kenji.

-

"Oh, ilagay mo sa matigas mong ulo!"

Kinuha ko naman ang cold compress at inilagay sa mga pasa ko malapit sa bibig ko. Nasa apartment kami ni Aiden ngayon. Lahat kami, halos mapuno na ang sala niya. Nakaupo na nga sa sahig yung iba dahil hindi na kami kasya sa mga upuan.

Natapos ang laban na kami lang ang nagtutulungan. Walang dumating na pulis o ibang tulong man lang. Sa dami nila... halos sumuko na rin kaming lahat dahil napapagod na ang katawan namin sa kakasalag at kakasuntok.

Kinaya namin lahat sila kahit na may mga armas silang dala. Armas bang matatawang ang mga tubo at dos por dos na hawak nila? Sa tuwing tatama ang mga 'yon ay pakiramdam ko ay nalulusaw ang kalamnan ko.

May minsan pa ngang muntikan na 'kong masaksak sa hawak na kutsilyo nung isa, buti na lang at nahampas siya ni Adriel sa likod. Wooh! Akala ko, katapusan ko na.

Tiniis namin lahat ng 'yon. Gamit lang ang kamao ay tinapos namin ang laban. Nang makita namin na halos tumba na ang lahat, pati kami ay bumagsak na lang sa sahig. Nakaupo kami at nagtatawanan na para bang walang nangyari.

Nang nakakahinga na kami ng maayos ay pumunta kami sa apartment ni Aiden dahil malapit lang 'yon sa abandoned factory na kinaroroonan namin kanina. Para kaming mga zombie'ng naglalakad at nag-aalalayan sa daan.

Muntik na kasi kaming magcollapse sa panghihina. Wala silang dalang sasakyan, sumabit lang raw sila sa jeep kanina para mapabilis ang pagpunta nila.

Ang ending, naglakad kami ng ilang metro para makapagpahinga.

"Pa'no ka napunta ro'n, Yakie?" Tanong ni Vance habang ginagamot ang sariling sugat.

Nagkibit balikat lang ako sa kaniya. "Ewan ko, basta na lang nila akong hinila tapos may nilagay silang panyo sa ilong ko tapos nawalan na 'ko ng malay. Pagkagising ko, nando'n na 'ko."

Napangiwi na lang ako ng matamaan ko ang sugat ko sa noo gamit ang cold compress na hawak ko. Tinatampal-tampal ko ang bawat pasa na nasa braso at mukha ko. Buti na lang at may salamit sa gilid ko kaya nakikita ko ang mga sugat ko.

Ayaw ko na lang mag-umpisang magsalita dahil sa nararamdaman kong tensyon sa paligid. Parang may paparating na dilubyo ngayon dahil sa kabi-kabilang mga masasamang tingin.

Si Kio ay nasa tabi ko habang ginagamot ang mga gasgas ko sa isa kong braso. Masyado siyang seryoso, magkasalubong ang mga kilay niya at namumula ang tenga. Parang malalim din ang iniisip.

Isa pa, sina Adriel at Kayden na nasa harapan namin. Nakasandal silang pareho habang nakakrus ang mga braso, nagbubulungan at ang sama ng tingin sa 'kin, parang gusto na 'kong katayin ngayon din. Inismiran ko lang sila.

Tapos tumingin ako sa iba, sakto namang tumama 'yon sa paningin ni Asher. Nag-aalala ang mga mata niya pero hindi ko maipaliwanag ang timpla ng itsura niya. Parang gusto niya 'kong lapitan pero dahil ginagamot ni Xavier ang binti niya, hindi niya magawa.

"Kilala mo ba ang mga 'yon?" Tanong ni Alexis maya-maya.

Umiling ako kaagad. "Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero alam ko ang mga mukha nila." Bumaling ako kay Asher at Kenji. "Ji, Ash. Sila yung mga nasa park."

"Ha?!" Kaagad na sabi ni Kenji. "Sila yung mga lalaking nasipa ko? Bakit wala si Goliath?"

"Ewan ko. Baka hindi pa siya nagigising nung iba. Kalaban niya pa si David."

"Sinong David?" Tanong naman ni Timber.

"Ay, hindi mo sila kilala?" Tanong ko, umiling naman siya. "Panoorin mo na lang, mahirap ipaliwanag."

"Back to the topic. May alam ka ba kung bakit ka nila ginano'n?" Tanong ni Alexis sa 'kin.

"Sabi nila Boss D daw pero hindi ko alam kung ano talagang pangalan no'n— Aray!"

King inang, Kio 'to! Bigla na lang diniinan ang bulak na hawak sa sugat ko malapit sa kamay. Tapos malamig 'yon, alcohol ata ang nilagay e! Galit ba talaga sa 'kin 'to? Pati sugat ko, pinagdidiskitahan.

"Nakausap mo ba siya?"

Tumango ako kay Vance. Napalunok naman ako ng marinig ang pagtikhim ni Kayden. Naalala ko ang sinabi niya kanina. Bakit ba kasi gano'n pa ang sinabi niya?! Susme!

"...I am her husband."

"...I am her husband."

"...I am her husband."

Kailan pa 'ko nagkaroon ng asawa? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa 'ko kinakasal.

Arrrrgggh!

Gagong hudlong na kulapo talaga!!!!

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now