Sabay-sabay silang lumapit sa 'kin kaya naman inihanda ko na ang katawan ko sa panibagong mga sugat, pasa at sakit. Sa ngayon, walang lugar ang mga 'yon sa utak ko dahil ang gusto ko lang ay makalabas kami rito ng buhay.

Yumuko ako ng akma akong susuntukin ako nung isa, kaagad 'ko naman siyang sinipa sa tyan. Tumilapon siya sa isang gilid. Akala mo ha! Maagap ata 'to.

Sinunod ko ang dalawa. Kinuha ko ang parehong ulo nila matapos kong maiwasan ang mga hampas nila. May mga hawak pa silang tubo pero hindi ko hinayaan na saktan ako ng mga 'yon, pinag-umpugan ko ang mga ulo nila. Dahil sa pagkabigla, pareho silang nawalan ng malay.

Dalawa na lang. Kaya pa 'to. Mapapatumba mo pa ang mga 'yan, Heira. Tiisin mo muna ang mga sugat mo sa ngayon, saka mo na lang indahin ang mga 'yan.

Bumuga ako ng malakas sa hangin bago harapin ang dalawa. Lumapit ang isa sa 'kin at parehas na naglaban ang mga kamao namin. 'Aray!' Napadaing na lang ako ng matamaan niya 'ko sa sikmura. Parang bumaligtad lahat ng mga kinain ko.

Nang makakuha ako ng tyempo ay kaagad kong hinila ang buhok niya at dali-daling umupo at inumpog  ko ang ulo... ilong niya sa tuhod ko. Kahit ako ay nasaktan sa ginawa ko pero atleast hindi ako nakatulog, hindi gaya niya na knock out na.

One left.

Isa na lang. Tumingin ako sa kaniya. Parang tanga siya sa ginagawa niya. Kinuyom niya ang kamao, gumagawa ng isang fighting stance at pinandilatan ako. Ginaya ko naman siya at mas pinandilatan ko rin siya ng mas malaki.

"Akala mo ba matatalo mo 'ko gaya ng ginawa mo sa mga kasama ko?!" Sigaw niya, parehas umiikot ng gano'n ang posisyon. Hinihintay lang namin kung sino ang susugod sa 'ming dalawa.

Hindi ko siya sinagot pa. Basta ko na lang siya nginiwian. Nagtapon siya ng isang suntok peronahuli ko ang kanyang kamao, pinipigilan ang paghampas sa akin saka ko ito buong pwersa na pilipit. Napadaing siya pero hindi ko siya binitawan pa.

"A-aray! Gago! Bitawan mo 'ko! Masakit!" Pagdaing niya at pumapayagpag sa ere.

"Masakit?" Sarcastic na sabi ko. "Sabi mo sa 'kin kanina 'akala mo ba matatalo mo 'ko gaya ng ginawa mo sa mga kasama ko?!' Ang sagot ko sayo, oo!"

"Hindi mo 'ko matatalo!"

"Ah, talaga ba?"

"Oo— Araaaay!" Mas hinigpitan ko pa ang pagkakapalipit ng kamay niya. Ilang beses siyang napadaing ng lumagutok ang mga buto niya.

Pasensya na ha. Ako kasi ang dadaing kung papakawalan kita ngayon. Masakit na ang katawan ko pero pinilit ko pa rin na labanan ka ngayon. Nang ilang dumaing na siya ng malakas ay pabagsak ko na siyang binitawan pero bago 'yon, hinarap ko muna siya sa 'kin at sinapak ko ang panga niya ng malakas.

Uppercut!

Tumilapon siya sa sahig at walang malay. Lima sila, isa lang ako pero ako pa ang may malay ngayon, sila... halos lahat knocked out na. Iisa na lang ang gising pero napapadaing pa rin at umuubo-ubo sa may sahig.

Lumapit ako sa iba dahil marami-rami pa ang mga kinakalaban nila. Iilan lang kami pero ang mga kalaban namin ay parang isang batalyon, parang nadagdagan pa sila ulit ngayon. Hindi naman ako pwedeng tumakas na lang ng hindi kasama ang mga tumulong sa 'kin. Mas hindi ako pwedeng tumunganga ngayon.

Nabuhay ulit ang galit sa katawan ko ng muli kong makita ang mga punit na piraso ng family pictures namin. Kinuha ko ang mga 'yon at nilayumos ng mariin. Hinayupak ka... Boss Ipis!

"Mahina ka, Sylivia."

"Takbo, Heya."

"Sundin mo ang gusto namin, kung hindi ay masasaktan ka talaga!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now