"H-hoy! Wala pa 'kong asawa! Aaaah!" Napasigaw na lang ako ng may lumipad na bote patungo sa direksyon ko.

Napapikit na lang at yumuko. Buti na lang at hindi ako natamaan dahil sa pagyuko ko pero naramdaman ko ang pagkabasag no'n. Nang imulat ko ang mata ko ay nasa harapan ko na si Kayden.

"Kayden..." Tawag ko sa kaniya.

Umiling lang siya at hindi na nagsalita. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya. Naglabas siya ng maliit na kutsilyo at dahan-dahang lumapit sa 'kin. A-anong gagawin niya?

Biglang lumakas ang kaba sa dibdib ko. Walang emosyon ang mukha niya kaya hindi ko mabasa ang takbo ng utak niya ngayon. H-hindi naman siguro siya gagawa ng kung anong hindi maganda, 'diba?

Alam kong galit siya... naiinis siya palagi dahil sa mga pinaggagawa ko sa kaniya sa tuwing may klase kami. Hindi naman siguro gano'n kalaki ang galit niya sa 'kin. Hanggang pambubully lang naman siya... 'diba? Hindi naman siguro niya 'ko sasaksakin.

"Kayden... 'wag."

Lumapit siya sa 'kin at umupo. Kapantay ko na siya. Kumikinang ang kutsilyong hawak niya. Sigurado akong matalim 'yon pero sana... sana ay hindi niya gagamitin 'yon sa 'kin.

"Aaaaah!" Pumikit na lang ako ng bigla niyang itaas ang hawak niyang kampit.

Siguro ito na talaga ang katapusan ko. Kung hindi man ako mapatawad nung mga nakaaway ko... patawad. Hinintay kong lumapat sa balat at laman ko ang kutsilyo pero wala akong naramdaman na kahit na anong sakit. Patay na ba 'ko?

Yung isang mata ko lang ang binuksan ko para tignan ang ginagawa nitong gagong hudlong na kulapo. Buong akala ko ay papatayin niya 'ko... 'yon pala ay kinalag niya ang mga lubid na nakatali sa katawan ko.

"You screamed out loud. Masakit sa tenga." Aniya.

Dahan-dahan kong minulat ang isa pa. Kabi-kabila ang mga lagabag, pagsuntok, mga pagsigaw at kung ano-ano pang tunog. Basta ang alam ko... nagkakagulo na.

"Kayden..."

"What? Kanina mo pa tinatawag ang pangalan ko." Inis na sabi niya bago tumayo.

Sa wakas! Nakahinga ako ng maluwang ng maalis sa katawan ko ang mga pesteng lubid na 'to. Namumula ang mga kamay ko, palapulsuan at mga binti ko. Sumabay ang paghapdi no'n sa hapdi ng mukha ko.

"Salamat." Sabi ko bago tumayo.

Mabagal ang mga naging pagkilos ko kasi masakit ang paa ko dahil sa paghampas na natamo ko kanina sa lalaking 'yon. Walang hiya ka, Boss Ipis. Kapag nakita kita ulit, ipapakain ko sayo ang sandamakdak na ipis.

"Can you walk?"

Tumango lang ako at dahan-dahang humakbang ng hindi nililingon ang likod. Hindi ako nagmamadali dahil kapag ginawa ko iyon ay baka makita ako nung mga nakajacket na black.

Kapag talaga nalaman ko kung sino ka, Boss Ipis. Nagtatago ka sa maskara... naduduwag ka, natatakot ka. Kung natalo na kita dati hindi na 'ko magtataka kung matatalo kita ulit. Kaya nga galit na galit ka, e.

"Hoy! Mga gunggong! Yung babae tumatakas! Siya ang puntirya natin dito, hindi ang mga gagong 'to."

"Mas gago ka!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang pagsigaw nila. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko na magagawa dahil pinalilibutan na nila ako. Lima ang mga nakapalibot sa 'kin at yung iba... kalaban nung mga hudlong.

"At saan ka naman pupunta?"

Hindi ako sumagot sa kaniya. Magbabanyo lang ako tapos babalik na rin ako rito kasi nga tanga ako 'diba? Itatanong pa kung saan ako pupunta, malamang tatakas ako, bobo lang?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now