"Bakit hindi mo sabihin sa 'kin ang mga ginawa ko sayo, hindi yung bigla ka na lang nananampal."

"Marami. Maraming marami. Hindi ko na nga mabilang. Sinira mo ang buhay ko. Sinira mo ang mga pangarap namin!"

"Namin?"

"Ha! Akala mo ba, ako lang ang may galit sayo?! Sasabihin ko lang sayo. Tanginamo!"

"Tangina mo rin!"

Akala mo hindi kita papatusin? Kahit sa salitaan lang kaya kitang labanan. Kung mura-mura lang pala ang gusto mo, edi ibibigay ko sayo. Hindi ka patas lumaban.

"Asahan mo na, na hindi ka makakaligtas ngayon."

"Bakit hindi mo ipakita ang mukha mo?"

"Sa susunod na pagkikita natin ay makikita mo na."

May susunod pa pala?! Ano nananaman bang balak nitong lalaking 'to sa 'kin. May kasalanan daw ako sa kaniya pero ayaw niyang sabihin. Ang daming paligoy-ligoy na sinabi.

"Ayaw mong tanggalin ang maskara mo dahil naduduwag ka?!"

"Anong sinabi mo?! Ulitin mo nga ang sinabi mo?!"

"Ang alin?! Yung duwag ka? Oo! Ikaw duwag ka dahil ayaw mong ipakita ang mukha mo!"

Natatakot ka na makilala kita. Natatakot ka gantihan din kita. Hindi ako ganoong tao. Hindi ako gumaganti sa mga taong may galit sa 'kin. Aksaya lang naman sa oras ang paghihiganti.

Hindi matatapos ang away kung maggagantihan lang naman. Hindi matatapos ang away kung hindi ka marunong magparaya at kung hindi ka marunong tumigil. Ang pagtigil at pagsuko ay hindi senyales ng pagkatalo. Senyales 'yon na may laman ang ulo mo.

"Hindi ako naduduwag sayo! Hindi na ulit ako aatras sa isang katulad mo!"

"Ah, talaga?! Bakit hindi ka patas lumaban? Bakit hindi mo 'ko pakawalan at ako ang labanan mo?"

"Ha!" Hindi makapaniwalang sambit niya tsaka tumayo ng maayos sa harapan ko at nagpamewang. Nakatingala ako sa kaniya at ngumisi.
Sa ganitong paraan man lang ay makalaban ako.

"...Ano sa tingin mo sa 'kin?! Tanga?! Na pagkatapos kitang kuhanin at itali ay papakawalan kita?"

"Oo. Malay ko ba kung tanga ka."

"Animal ka!" Sigaw niya at dali-daling kumuha ng tabla at hinampas sa mga binti ko.

"Aaah!" Kahit na may lubid na nakaharang ay hindi ko pa rin maiwasang sumigaw ng malakas.

Naramdaman ko kaagad ang pananakit ng binti ko. Sana lang ay hindi mabali ang mga buto ko dahil sisiguraduhin kong lulumpuhin ko siya gaya ng ginagawa niya.

"Ito ang tandaan mo! Tanga lang ano noon dahil hindi ko nakita ang paghakbang mo! Pero ngayon?! Hindi na!"

"Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin?!" Hirap na sabi ko.

"Gusto kitang patayin ng paulit-ulit hanggang sa magmakaawa ka na lang na bitawan kita."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Bukod sa kirot ng nga paa ko ay masakit din ang ulo ko. Parang umiikot ang paligid ko. Nakakatakot lang ang pagbabanta niya. Hindi na 'to tao kung papatay siya.

Umaasa akong hindi pa 'to ang katapusan ko dahil hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Makaalis lang ako sa mga taling 'to, ako na mismo ang magbibigay pasakit sayo.

"...At ito ang tandaan mo, pati pamilya mo ay babalikan ko."

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Napanting ang tenga ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Namumuo na ngayon ang galit sa katawan ko. Hindi ko gusto ang narinig ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now