Lumapit siya sa 'kin. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Gusto kong umatras pero wala akong pwedeng atrasan. Kahit na may maskara siya, kitang-kita ko pa rin ang mga mata niya.
Nang magtama ang mga paningin namin ay halos manlambot ako dahil sa nakita ko. Isang pamilyar na mata, nanlilisik, puno ng puot at galit. Siya siguro ang boss na sinasabi nila.
Pero bakit ganito? Pamilyar nananaman siya pero hindi ko masabi kung sino talaga siya. Pamilyar siya pero hindi ko maaalala ang mukha niya.
Palagi na lang 'bang ganito? Palagi na lang ba na pamilyar? Palagi na lang ba akong walang maalala sa mga panahon na ganito? Palagi na lang bang mga anino ang naalala ko? Palagi... palagay na lang ba akong nabubulag sa nakaraan ko?
"Maligayang pagbabalik... Heira. Muli tayong nagkita."
Hindi ako sumagot sa kaniya. Pinag-aaralan ko ang mukha niya at pilit inaalala kung sino nga ba siya? Sino ka ba talaga at ganito ka lang magalit sa 'kin? May nagawa ba 'ko sayo?
Napapikit ako ng mariin ng sumakit ang ulo ko dahil sa kakaisip. Ito ang palagi kong iniiwasan... ang pag-iisip sa nangyari sa nakaraan. Nananatiling misteryo ang mga alala sa utak ko. Kahit anong pilit ko... hindi ko magawang balikan.
Sa tuwing mag-iisip ako ng tungkol do'n ay sasakit ang ulo ko. Parang binibiyak 'to. Minsan nga ay nawawalan pa 'ko ng malay. Ano ba talaga 'to?
"Ibibigay ko sayo ang pangatlong warning ko. Pangatlo pero hindi pa ito ang huli. Asahan mong mayroon pang susunod."
Biglang sumama ang aura sa paligid, nakakatakot ang boses niya, para siyang sinaniban ng demonyo. Masyadong galit ang mga mata niya, namumula pa ang tenga niya. Ayaw kong sumagot sa kaniya dahil ayaw kong maghanap ng ikakasakit ng katawan ko.
"Sino ka ba?" Utal kong tanong sa kaniya.
"Ako? Sabihin na lang nating... ako ang iyong kaibigan sa nakaraan."
Peste. Wala nga akong matandaan sa nakaraan ko tapos sasabihin niyang kaibigan ko siya sa nakaraan. Sa pagkakaalam ko ay si Eiya lang naman ang naging kaibigan ko sa Sta. Luiciana.
"...Ako ang magpapahirap sayo... gaya ng ginawa mo sa 'kin."
"Anong ginawa ko sayo?"
"Hindi mo na maalala? Ganiyan ka ba kawalang konsensya at nakakalimutan mo na lahat ng mga kasalanan mo, ha?!" Gigil niyang sabi niya ako sinabunutan ng mahigpit.
Gusto kong mapadaing ng malakas dahil sa ginawa niya. Parang pati ang anit ko ay nahila niya. Pero pinatatag ko ang sarili ko. Kapag nagmukha akong mahina sa harap niya, hindi niya ako titigilan.
Hindi nananalo ang mahina. Kapag mahina ka, mamaliitin ka. Hindi ka mananalo sa laban kung hindi ka magiging matapang. Ayos lang na masaktan, ang mahalaga... natapos mo ang laban ng hindi sumusuko.
"Hindi ko nakalimutan. Hindi ko lang talaga maalala."
"Oo nga naman. Malamang hindi mo na maalala dahil sa dami ng mga kasalanan mo, 'diba?"
"Malay ko ba. Hindi ko naman binibilang ang mga kasalanan ko." Dahil sa pagiging sarkastiko ko ay nakatanggap ako ng pasakmal na sampal sa kaniya.
Kaagad kong nalasahan ang dugo. Hindi na ata sampal 'yon, suntok na. Hindi ko naman siya masisisi dahil mukhang galit talaga siya sa 'kin. Wala namang galit na hindi nananakit kapag napuno na.
"Wala kang karapatang sumagot-sagot sa 'kin dahil una sa lahat! Ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to! Ikaw ang may kasalanan ng mga paghihirap ko!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 136
Start from the beginning
