Binalibag ko na lang ang cellphone niya sa kung saan. Basura lang 'yon, hindi na kailangan. Bumalik ako sa sikretong opisina ko at pinanood ang gagawin ng mga tauhan ko.
'Vengeance is coming...'
———————————————
HEIRA'S POV
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nahihilo pa rin ako dahil sa gamot na naamoy ko. Amoy kemikal na ewan. Ang sakit sa ilong no'n. Antibiotic ba 'yon?
Teka...
Bakit hindi ako makagalaw? Nakakagalaw ako pero ulo lang. Ang katawan ko, parang wala na sa huwisyo. Hindi ko maramdaman, hindi ko maigalaw. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.
Medyo nanlalabo pa ang paningin ko kaya hindi ko maaninag ang nasa paligid ko. Nasa'n ba 'ko? Nasa bahay na ba 'ko? Wala akong maalala pagkatapos nung mawalan ako ng malay.
'Yun! 'Yung mga lalaki na nanghila sa 'kin. Sila ang huli kong kasama. Sa'n nila ako dinala? Anong balak nila sa 'kin? Hindi naman siguro nila ibebenta ang mga laman loob ko 'diba?
Kumurap-kurap ako para umayos na ang paningin ko. At halos mangilabot ako ng makita kung nasa'n ako ngayon. Isang abandonadong lugar. Walang tao. Madilim.
Parang isang malaking bodega na puno ng mga karton, kahoy, bakal, plywood at kung ano-ano pang bagay na patapon na. Nasa pinakagitna ako ng lugar na 'to. May kasama ba 'ko rito?
Tinignan ko ang sarili ko. Balot na balot ako ng tali sa kamay, paa, pati na rin sa katawan. Kaya pala hindi akp makagalaw e, mukha akong mummy dito na binalot ng lubid. Nakatakip din ang bibig ko ng tape.
"Oh, gising ka na pala." Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na 'yon.
Do'n ko nakita ang mga grupo ng lalaki na may dalang tubo. Nakakajacket na itim na may burdang 'D.' Sila nananaman? Ano bang ginawa ko sa mga taong 'to at ganito sila kung magalit sa 'kin?
Gusto kong sumagot sa kaniya pero wala namang salitang lumalabas sa bibig ko. Tanga kasi nila, tinakpan nila ang bibig ko tapos kakausapin nila ako. Hindi naman sila aning 'no?
Sinamaan ko na lang sila ng tingin. Hindi naman nila mahahalata ang itsura ko dahil tanging butas lang ng dingding ang daanan ng liwanag. May araw pa. Maliwanag pa. Umaga pa.
Pabigla niyang tinanggal ang tape sa bibig ko. Sa lakas ng pwersa no'n pati ang ulo ko sumama. Masakit sa bibig 'yon ah. Pati yung mga maliliit kong buhok ro'n ay nahila.
Mga animal.
"Kinagagalak kong makita kita muli."
Siya. Siya yung lalaking may dala ng mga warning ng boss niya kuno. Sila yung nakaaway namin nung nasa park kami. Sila yung palaging nakaitim at may dalang mga panghampas.
"Ako hindi." Walang emosyong sagot ko sa kaniya.
"Hindi ko hinihingi ang komento mo."
"Ako rin naman."
"Aba't... kung hindi lang namin hinihintay ang utos ni boss ay baka nakatikim ka nananaman ng sampal."
E ano ngayon? Ano ka, aso? Sunod-sunuran sa amo? Hindi gagalaw kung hindi inuutusan ng amo? Para namang bakla dahil nananampal. Daig niya pa ang nakaaway ko dati dahil sa bigat ng kamay niya.
"Hayaan niyo siya." Napalingon ulit ako sa likod ng mga lalaking 'to ng may magsalita.
Nakajacket din siya na black. Katamtaman lang ang tangkad. Maganda ang hubog ng katawan. Nakamaskara siya kaya naman hindi ko kita ang mukha niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 136
Start from the beginning
