"Hep." Pigil ko. "‘Wag na, baka abutin tayo ng siyam-siyam dito."

"Okay po."

Tumingin ako sa cellphone ko. Ang sabi ko kay Kio ay five minutes lang ako pero ten minutes na 'kong nakikipagkwentuhan dito sa batang 'to. Makakapaghintay naman siguro 'yung lampayatot na 'yun.

"Ano pala ang pangalan mo?" Kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Panay 'bata' ako kasi bata naman talaga siya. Alangang tawagin ko siyang dalaga, e ang bata niya pa!

"Calista Hermosa po."

"Ang ganda naman ng pangalan mo, kasingganda ko— hala! Huy! Ayos ka lang?"

Kaagad ko siyang hinagod sa likod. Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang siyang naubo. Nabilaukan ata. Napakabilis kasing kumain, hindi ka naman kakaubusan e!

Buti na lang at may bottled water ako sa bag. Konti lang ang nainom ko kanina ro'n. Wala naman akong sakit. Hindi naman siguro siya laway conscious 'no?

Inabot ko sa kaniya 'yon at hinayaan siyang uminom. Ang galing naman ng tadhana. Nakita ko pa talaga ang bata este, si Calista nung oras na may pagkain  at tubig ako sa bag. Kung nagkataon na wala ay baka hindi ko alam kung saan ako tatakbo para lang humanap ng tubig.

"Oh, ano ayos ka na?"

"Opo. Salamat po." Utal niyang sabi at nagthumbs up.

"Hinay-hinay kasi sa pagkain! Madami pa naman 'yan." Saway ko sa kaniya. "Oh, sayo na 'to ah."

Binigay ko sa kaniya 'yung natira kong baon na pera. Hindi ko alam kung magkano 'yon pero siguro naman sapat na 'yon para pambili ng gamot ng kapatid niya.

"Sa 'kin po?!"

"Hindi. Sa kaniya."

"Hindi po! Sa 'kin na 'to, sa 'kin niyo po binigay e!"

Pahablot niya pang kinuha ang inaabot ko sa kaniya at dali-dali niyang sinuksok 'yon sa tagiliran niya. Bago pa siya matapos sa ginagawa niya ay sinita ko na siya.

"Woi! Baka mahulog pa r'yan sa tagiliran mo. Hawakan mo na lang, 'wag mong iipit."

"Hindi 'yan, ate! I can handle this."

Anak ng...

Tumango na lang ako sa kaniya. Ang lupit ng batang 'to. Namamalimos pero inglishera. Maliit pero ang lakas kumain, kagaya ko. Ang payat pero maganda. 'Yon ang panlaban niya.

Pinanood ko lang siya habang sayang saya sa mga binigay ko sa kaniya. Ang saya magpasaya. Ilan na ba ang tumatawag sa 'kin na 'ate?' Dumarami na ang mga kampon ko.

Una si Kenji, pangalawa ay si Alzhane, minsan si Hanna. Tapos si Maren... at ngayon 'tong si Calista.

Magsasalita pa sana ako para kausapin siya at tanungin kung nag-aaral ba siya pero biglang tumunog ang cellphone ko. Epal naman 'to, nakikichismis pa 'ko kay Mareng Calista e!

Tinignan ko na lang 'yon at sinagot ang tawag ni Kio.

"Oh, ano?"

["Anong 'oh, ano?' ka r'yan. Where are you?! You said I'll just wait for you for five minutes?! Ten minutes na, oy!"]

Nailayo ko naman sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa pagsigaw ni Kio. Susme! Ten minutes pa lang naman 'yon, hindi pa naman ten days. Kung makasigaw, parang gusto na 'kong laklakin e!

"Oo na. Hintay lang."

["Bilisan mo! Ang bagal kumilos!"]

"Oo nga kasi!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now