Naiilang ako na irugtong 'yon dahil baka magalit siya o kaya naman masaktan siya. Sensitive pa naman ang bata. Nakahinga naman ako ng maluwang ng makitang okay naman sa kaniya ang sinabi ko.
"Mahina po ang benda. Minsan nga po, wala na kaming makain e."
Honest.
"Oh, pa'no niyan? Walang nagbabantay sa kapatid mo? May sakit pa naman 'yun, sabi mo."
"May magbabantay po sa kaniya. Nando'n naman sina ate at kuya."
"May ate at kuya ka naman pala, bakit ikaw 'tong nagbabalat ng buto?"
"Wala naman po akong binabalatan na buto ah. Parang sa mga pabrika lang po ata ginagawa 'yun."
Pigilan niya 'ko. Kung hindi lang bata 'to ay baka napitik ko na ang noo niya. Kung hindi lang siguro siya mukhang inosente ay baka iwanan ko na siya rito at hindi ko na siya kakausapin.
"Ang ibig kong sabihin... nagtatrabaho. Bakit ikaw ang nagtatrabaho."
"Ayaw nga po kasi nina ate. Mainit daw po ang araw. Nakakasira ng kutis."
Sumama naman ang mukha ko. Malamang araw 'yun e, pa'nong hindi mainit? Tsaka anong nakakasira ng kutis? Talagang 'yun pa ang inisip nila sa mga oras na gan'to? Ano 'yun, uunahin pa ang kutis kaysa sa sikmura?
Nagsasabi lang naman ako ng kumento. Hindi ko naman sila pinangunguhan sa mga gusto nila. Kalmado nga ako e, atleast masipag 'tong batang 'to.
Ang akin lang naman... BAKIT BA ITONG BATA PA ANG PINAGPAPATRABAHO NILA?!
Oo, kalmado pa 'ko r'yan. Hindi pa naman todo. Ano nga ay hindi ko tinitiis ang sikmura ko. Kahit pa sa disyerto pa 'yan basta may pagkain, pupuntahan ko. Syempre, biro lang, baka matuyot ako ro'n.
"Dapat inaalagaan ka rin nila gaya ng pag-aalaga nila sa kutis nila." Sarcastic na sabi ko pero parang hindi naman napansin 'yon nung bata.
Ano pa ba 'yang inaarte mo, Heira? Malamang wala namang alam ang batang bubwit na 'yan sa mga pinagsasasabi mo ngayon. Yung pagkain nga 'yung tinitignan niya, hindi ikaw.
"Wala naman po akong sakit, bakit nila ako aalagaan? Tsaka kaya ko na po ang sarili ko. Malaking babae na po ako."
"Malaking babae?!"
Tinignan ko siya, mula ulo hanggang paa. Payat siya tapos sigurado akong medyo matangkad lang siya kay Maren. Maputi siya at kitang-kita ko ang ganda niya pero nasa'n dito ang malaking babae?
"Big girl po. Hindi ba kayo marunong mag-english?"
Abay... sige lang. Tiis lang, Heira. Bata 'yan. Masyadong namemersonal pero ayos lang. Kaya pa.
"...Malaking babae... big girl in english. Don't you know that?"
Oh, in-english pa talaga ako. May pa-don't-you-know-that pa siyang nalalaman. Syempre, alam ko 'yun 'no! Kahit naman bobo ako sa english, nakakaintindi naman ako. Tumango na lang ako at iniba ang usapan.
"Ah... ilan ba kayong magkakapatid?
"18 po."
"18?!"
Anak ng tupa... 18 pala silang magkakapatid?! Masipag ata ang mga magulang nila ah... masipag magtrabaho 'yun. 'Yun nga lang ay kung mero'n silang trabaho. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko.
Bonak, Heira. Wala nga pala silang magulang.
Inosente siyang tumango. "Opo. 18 kami, gusto niyo po bang sabihin ko pa sa inyo 'yung mga pangalan nila? Una, si ate Joanne—."
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 135
Começar do início
