Uuwi siya pero hindi siya mag-sstay dito? Ano? Hanggang tatlo o apat na araw lang siya? Isang linggo? Isang buwan? Tapos hindi pa sila magkaayos ni mommy. Sigurado akong negosyo rin ang aatupagin niya rito.
Hindi katulad ni Kio na mananatili na rito ng matagal. Matagal namin siyang makakasama... makakausap, makakaaway pero si daddy? Ewan ko na lang. Dati pa ay pabalik-balik na siya sa New York, hindi pa ba siya nagsasawa sa mga mukha ng mga kano ro'n?
Hindi naman sa nakukulangan ako sa atensiyon na binibigay ni mommy pero kasi... hindi ko rin maiwasan na hanapin 'yung pakiramdam na kasama ko yung tatay ko. Yung daddy ko.
"Hey, are you okay?"
Ngumiti ako ng mapait. "Oo naman, atleast 'diba uuwi na siya. Makakapagpalibre na ulit ako sa kaniya ng isang galon ng ice cream."
Gaya ng dati naming ginagawa...
"Pinapauwi mo siya rito para lang sa isang galon ng ice cream? Gusto mo ibili na lang kita, kahit limang galon pa."
Edi ikaw na mayaman. Balatuan mo naman ako. Hehe.
"Sige ba, inaalok mo naman ako, bakit hindi? Limang galon ah. Sina—."
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sa biglaang panlalaki ng mga mata niya habang nakatingin sa likod ko. Hindi siya gumagalaw, gano'n pa rin ang pwesto niya.
"Woi! Kinakausap pa kita."
Kumurap-kurap lang siya habang nakanganga. Ngumiwi na lang ako dahil sa ginagawa niya. Ang tino niyang kausap kanina tapos naging ganito nananaman.
Parang nakakita siya ng multo— MULTO?!
"Aaaaaah!" Napasigaw na lang ako dahil biglang may humawak sa balikat ko. Malamig na kamay!
"...Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko! Aaaaah! Kio! Tulong!"
Hindi ko alam kung tatayo ba 'ko para harapin 'yung may hawak sa balikat ko o mananatili akong nakaupo hanggang mangawit yung hinayupak na multo sa kakatayo.
Sheeeet!
Ang lamig ng kamay niya. As in malamig talaga, parang humawak ng yelo tapos yung hangin na dumadampi sa likod ko malamig din. May naaamoy pa 'ko na parang amoy bulaklak!
"Kio! Tulong! Ilayo mo 'ko! Aaaaah! Bitaw na!"
Pero si Kio, walang ginawa. Nanatili siyang nakaupo pero hindi na mukhang gulat. Bumalik na ang mukha niya sa normal. Hindi man lang ako sinagot, patay malisya ang gago.
"...Akala ko ba matatakot ang multo sa 'kin? Matakot ka sa 'kin ngayon!"
Pero wala pa rin! Parang ako lang ang buhay dito at parang baliw na nagsisisigaw! Ayaw ko ng makakita ng multo! Baka ako na ang susunod na maging kaluluwa!
"Aaaaah—!"
"Isha!"
Napalingon naman ako kaagad sa 'multo' na 'yon nang magsalita. Halos mabatukan ko na lang siya ng makita ko ang mukha niya. Mukha ni Eiya! Este si Eiya talaga 'yon.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw?" Natatawang sabi niya at umupo sa tabi ko.
"King ina mo! Sinong hindi matatakot sayo. Akala ko multo na."
"Hello?! Mukha ba 'kong multo sa ganda kong 'to?" Tinapik niya pa ang baba niya gamit ang likod ng palad niya.
"Mukha lang, walang ganda." Pambabara ni Kio.
"H-hoy! Kakambal ni Isha! Don't sabat-sabat sa usapan ng iba ha?!"
"Nagcocomment lang ako."
"Comment mo mukha mo!"
Kinamot ko na lang ang ilong ko. Mukhang may bagong kaaway nananaman si Eiya nito. Ngayon pa lang siya nagkausap ng ganito tapos mag-aaway pa. Wala talagang kasundo 'tong babae na 'to kahit kailan!
"Ako? Mukhang multo? Duh, nahiya naman ang fezlak ko sa kanila."
"Ang lamig kaya ng kamay mo kanina."
"Malamang maaga akong naligo, malamig ang tubig tapos nagbyahe pa, sinong hindi lalamigin ngayon?!"
"Amoy bulaklak pampatay ka!"
"Pabango 'yon ni mommy! Sinubukan ko lang kaso ang bagsik pala, tamad na 'kong magpalit kaya hinayaan ko na lang."
"Punyemas ka! Akala ko naman patay na ang humahawak sa balikat ko." Binatukan ko nga siya.
Kahit 'yon man lang ay pambawi ko dahil sa pananakot niya sa 'kin kanina. Pwede naman siyang umupo na lang kaagad sa tabi ko. May pahawak balikat effect pa... ng ganitong oras pa talaga?! Sinong hindi matatakot ha?!
"Tapos ikaw, Kio! Sobra ka kung magulat ah?!"
"Nakakagulat naman kasi siya kanina, ang gulo kaya ng mukha niya. Grasa na lang ang kulang pata magmukha siyang nakipagsabunutan."
Tumingin naman ako kay Eiya na ngayon ay kasalukuyan na tumatawa. Ang saya mo r'yan. Ang galing mo sa ginawa mo. Napakabait mo talagang kaibigan.
"Nakalimutan kong magsulay kanina hehehe."
Lumitaw na rin ang araw pero nanatili kami ro'n habang nag-uusap. Itong dalawa kong kasama ay parang close na talaga. Parang nung isang linggo lang ay nagagalit sa 'kin si Eiya dahil nalaman niyang boyfriend ko 'kuno' ang kambal este kapatid ko.
Nag-aasaran na talaga sila. Kung paano ako bwisitin ni Kio, gano'n ang ginawa niya kay Eiya. Pikon naman ang isa kaya naman nauwi 'yon sa hampasan. Nailing na lang ako.
Naghintay na lang kami ng oras. Parami kami ng parami sa kinauupuan namin. Bawat dumating na hudlong ay sa 'min dumeretso. Pumasok na rin kami no'n pagkaring ng bell.
-
"May pupuntahan lang ako saglit, Kio. Babalik din ako, five minutes lang."
Natapos ang klase namin ngayong araw. Hindi tulad ng dati na parang wala lang, yung araw na 'to ay nakakapagod. Ang daming activities tapos may sayaw-sayaw pang naganap sa P.E class namin kanina.
Nasa parking lot na kami ngayon. Nauna ng umalis 'yung iba. Sabay na ulit kami ni Kio pero siya na raw ang magdadrive. Natakot ata sa ginawa ko kanina. Ang saya kaya.
Papasok na sana ako sa kotse niya ng may matanawan akong isang batang pulubi sa may dulo ng parking lot. Nakaupo siya sa may sahig at may karton ang kinauupuan niya.
Lumapit naman ako sa kaniya. Anong ginawa ng isang walang muwang na bata rito sa parking lot? Baka mapahamak pa 'to dahil sa mga dumadaang sasakyan. Hindi ba siya napansin ng guard? Alam ko bawal ang mga bata rito.
"Bata... anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at yumuko hanggang sa magkapantay na kami.
"Namamalimos po."
"N-namamalimos? Bakit dito?"
"Wala na po kasi akong mahingan sa daan. Baka rito po, mero'n. May lagnat po kasi ang kapatid ko kaya naghahanap ako ng pera pambili ng gamot."
Ang haba no'n ah.
"G-gano'n ba? Alam mo bang delikado rito?"
"Opo... pero hindi naman po siguro nila ako sasagasaan dito 'diba po?"
Tumango na lang ako sa kaniya bago ko kuhanin ang mga pagkain na nasa bag ko. Hindi ko na nakain kanina dahil sa sobrang busog ko. Ang dami kasing binili ni Kio na pagkain para sa 'kin.
Nakihati na nga sa 'kin si Kenji kaya parehas kaming hindi na halos makatayo sa kabusugan.
"Oh, heto. Kumain ka na ah o kaya naman ibigay mo sa mga kapatid mo."
Kinuha niya naman 'yon. Nagnininingning ang mga mata niya. Tuwang-tuwa sa nakuha. Parang hinaplos ang puso ko. Sa isang maliit na bagay lang ay nagawa ko siyang pasayahin.
"Salamat po, ate..."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 134
Start from the beginning
