"Para kang baliw sa ginagawa mo." Inis na sabi niya.
Para kaming nag-go-ghost hunting ng madaling araw. Binuksan ko kasi ang flashlight ng cellphone ko tapos iniikot-ikot ko 'yon sa paligid. Ngayon ko lang napatunayan na may silbi pala ang cellphone ko.
"Baka may multo." Bulong ko sa kaniya.
"Mas matatakot pa sayo ang multo."
"Mas mabuti na 'yon, atleast aatras siya at hindi na siya magpapakita sa 'kin."
Sinasabi ko 'yon ng hindi ko siya tinitignan. Abala ako sa pagmamasid sa paligid. Malay ko ba kung bigla na lang may lumundag sa harap namin na nakaputi tapos duguan.
"Sa mukha mong 'yan, pati multo aatras sayo. Ang pangit mo kaya."
"Alam mo, kanina ka pa ah!"
"You look so crazy, You're still pulling the hem of my uniform, I just ironed it last night. Tch. I won't leave you here!"
"Alam mo, alam ko namang naiinis ka na pero sana naman, 'wag kang mag-english, tigil-tigilan mo 'yan, dumudugo ang ilong ko sayo."
"I'm just explaining myself."
"Oh, tignan mo. Nasa Pilipinas ka na, wala ka sa New York."
Pinaningkitan niya lang ako ng mata at hindi na sumagot. Mukhang badtrip na siya dahil sa polo niya. Ang ayos kanina nito, tapos ngayon gusot-gusot na. Napakaarte pa naman nito.
Isa pa naming problema ay 'yung wala kaming susi ng room kaya hindi kami makapasok. Tatlo pa naman ang pad lock no'n tapos may mga metal grills pa yung mga bintana kaya hindi kami makakalusot do'n.
Umupo na lang kami sa benches na malapit sa room. Malapit ng lumabas ang araw. May tumilaok pa nga na manok. Sa'n kaya galing 'yon? Sana lang... sana lang umaraw na! Nakakatakot dito.
"Kio... hindi ba susunod dito si daddy?" Pagbubukas ko ng usapan.
Napakatahimik, kulang na lang ay may dumaang kuliglig sa pagitan namin. Tulala lang kasi ang kapatid ko sa kawalan. Mukhang wala pa sa sarili.
Hindi pa ba bumabalik ang kaluluwa nito? Balikan kaya namin sa daan?
"Huy! Kio!"
Gulat naman siyang lumingon sa 'kin. Tumabingi pa ang ulo niya. Mukhang nagtataka kung bakit ko siya pasigaw na tinawag. Tignan mo 'to, bigla-bigla na lang nawawala sa sarili.
Magkapatid nga kami.
"H-ha? Bakit?"
"Kinakausap kita! Tulala ka e. Ang lalim ata ng iniisip mo. Share it to me."
"W-wala."
"E bakit ka nauutal?"
"What?! I mean, what were you saying earlier?"
"Ang sabi ko... hindi ba susunod dito si daddy?"
Nagkibit balikat naman siya. “I don’t know what the exact date pero sabi niya, uuwi siya."
"Talaga?!"
Hindi ko na maiwasang maging masaya dahil sa sinabi niya. Sa kaniya parang wala lang 'yun pero sa 'kin... halos maglulundag ako sa tuwa. Nakakaexcite!
Ilang buwan o taon na ba nung huling umiwi si daddy dito sa Pilipinas? Ang tagal na rin. Gusto ko na ulit makita na buo yung pamilya namin habang nagtatawanan sa bahay.
"Yes. But I don't know if he will stay here for good."
Nawala ang mga ngiti ko. Gano'n pala talaga 'no? Kapag may good news may kasunod na bad news. Dapat hindi na lang sinabi ni Kio yung panghuling mga salita.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 134
Magsimula sa umpisa
