"Slow down! Yakiesha! Baka maaksidente tayo nito!"

"Hindi 'yan. Ako ang bahala. Tsaka ngayon na lang ulit ako nakapag-drive 'no!"

Hindi naman magkakalasag-lasag ang buto mo kung may mangyayari man ngayon. Magkakagulo nga lang ang mga organs mo. Ayos lang 'yon, bili ka na lang ng bago.

"Shit! Isusumbong talaga kita kay daddy!"

"'Wag naman! Ang daya mo naman e!"

"Damn it!"

"Bakit ba mura ka ng mura r'yan ha? Narinig mo na ba 'kong magmura ngayon? Hinayupak ka!"

"Bagalan mo kasi! Ayaw ko pang mamatay."

"Kahit naman ako."

Namumutla na siya kaya naman binagalan ko na ang pagmamaneho, baka bigla na lang 'tong himatayin ng wala sa oras ngayon. Gumaan naman ang loob niya at nakahinga ng maluwang.

Hindi nga lang ako sigurado kung makakapasok na niyan kami sa university. Napakaaga pa para pagbuksan kami ng parking lot, tsaka baka makakita pa kami ng multo. Basement style pa naman 'yun.

"YAKIESHAAAAA!"

Napasigaw na lang siya ng biglaan kong binilisan ang pagpapatakbo no'n. Akala mo maiisihan mo 'ko? Ngayon lang 'to, kaya lulubus-lubusin ko na. Siguradong bukas ay hindi mo na 'ko papasakayin sa mahiwagang kotse mo.

Napangiwi na lang ako dahil sa lakas nung pagsigaw niya. Akala mo naman ay nasa kabilang dulo ang kausap e. Hoy! Katabi mo lang ako. Hindi ka na naawa sa mga eardrums ko.

"H-hindi na mauulit 'to! You might just kill me!" O.A na sabi niya.

Nakarating naman kami ng buhay sa pinaparoonan namin. Buo pa naman ang mga buto at laman namin ng makarating kami sa B.A.U. Okay pa naman yung mga bituka ko, nasa ayos pa naman.

Bwahahaha!

Gustong gusto kong matawa ng malakas dahil sa biglaang pagsusuka ni Kio. Naiwan pa ata ang kaluluwa niya sa dinaanan namin kanina. Parang gusto na 'kong sipain palabas kanina sa kotse niya.

Pinigilan ko na lang ang pagtawa ko dahil baka sa 'kin niya pa ibuga ang suka niya. Nagkanda-baliko na yata ang mga bituka niya. Wala na yata sa ayos. Pahiramin mo 'ko ulit mamaya para mabalik sa dati.

Tinapik ko ang balikat niya. Nakayuko pa rin siya kahit tapos ng magsuka. Hingal na hingal at namumuti ang mga labi. Susme! Buhay pa ba 'to? Baka naman wala ng diwa 'to.

"Pasensya na... sa uulitin."

Umiling naman siya kaagad. "That won't happen again! Nothing next time, nothing again!"

"Edi wala. Atleast naturuan mo naman ako ng maayos ngayon."

"Naturuan? Really? You don't even follow what I taught you a while ago!"

"Malay ko ba sa mga tinuturo mo. Ni hindi ko nga alam kung anong sinasabi mong pindutin ko."

"Psh! Mali talagang pinayagan kitang pagmamanehohin!"

"Mali talaga. Kita mo, para kang sumakay ng roller coaster."

Buti na lang at may guard na nung mga oras na 'yon kaya naman nakapasok na kami sa loob ng university. Ang problema lang ay kami pa lang estudyante rito. Nakakatakot.

Malamig pa naman ang simoy ng hangin tapos madilim pa. Nakakapangilabot. Nangunguna si Kio sa paglalakad kaya naman ako yung nasa likod niya. Hila-hila ko ang laylayan ng uniform niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now