Akala mo talaga ay hari ng parking lot e 'no? Nakakahiyang sumandal dahil baka magasgasan tapos bigla na lang akong sagasaan. Nahiya yung mukha ko sa kinis ng pagkakapintura.

Sana lahat may ganiyan. Ehem. Ehem.

"Turuan mo 'kong mag-drive sa kotse mo."

"What?! Sa kotse ko?!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Ayaw ko nga, baka gasgasan mo pa 'yon!"

"Edi ipapintura ulit."

"Ikaw na lang ang ipambabayad ko 'nun.."

"Asa ka! 'Yon lang ang kondisyon ko tapos ayos na lahat."

"No. I don't want to. Kung gusto mo, yung kay mommy ang gagamitin natin."

"No. I don't want to." Pang-gagaya ko sa tono ng pananalita niya.

"Tch! Pwede ka namang mag-drive ah?"

"Hindi naman ako gano'n karunong. Kaya turuan mo 'ko."

"Hindi pwede. Tsaka ayaw ko namang turuan ka. Baka mabunggo ka nananaman!"

Natawa ako nung maalala ko 'yung mga panahon na 'yon. Kakalabas ko lang 'nun ng hospital pero naghanap kaagad ako ng sakit ng katawan. Nagpumilit akong magdrive.

Hindi pa naman ako masyadong marunong no'n, si Kio talaga ang bihasa. Ang kaso lang, ayaw niya 'kong turuan kaya naman self-learning na lang ang ginawa ko.

Natutulog no'n siya sa kotse nina mommy at daddy tapos hindi niya 'ko napansin na pumasok ako ro'n. Ang ending, nagising siya sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko.

Ang mas nakakatawa pa no'n, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ko na lang pinaandar yung sasakyan tapos nung matagal-tagal na ay napunta kami sa parang park.

Maraming puno, may mga ilaw pero walang masyadong tao. Napansin ko namang wala kaming masasagasaan kaya naman binilisan ko ang pagmamaneho, hanggang sa hindi ko na alam kung pa'no ipipreno 'yun kaya naman bumangga kami sa isang bench.

Kunwaring nagseryoso ako. "Kung ayaw mo, edi 'wag. Sasabihin ko naman kay daddy na kinain mo yung mga pinadala niya sa 'kin."

Nakita ko ang paglunok niya. Sa isip ko, humagalpak na 'ko ng tawa. Alam na alam ko kung pa'no siya takutin. Sa pamamagitan ni daddy. Takot siya ro'n e.

"...Hindi na rin kita papansinin kahit kailan. Kahit na magtanong ka pa."

Mas napalunok siya ng idagdag ko 'yon. Wala kasi siyang kaibigan dito sa 'min kaya ako lagi ang kausap niya. Takot ata siyang mawalan ng kachismisan.

Marahas niyang kinamot ang ulo niya. Tumayo siya sa harap ko. Akala ko naman ay aalis na siya pero hindi pala. Nagpamewang siya at bumuga sa hangin.

"Fine! Turuan na kita!" Sigaw niya tsaka nag-walk out.

"Bagalan mo 'oy! Baka makabangga tayo!"

Tumawa lang ako sa kaniya. Wala namang masyadong tao ngayon sa daan dahil madilim pa. Alas singko pa lang ng madaling araw. Pilit ko siyang ginising kanina kahit na inaantok pa siya.

Ayaw niyang magising kaya naman kinotong ko ang noo niya. Ayon, napabalikwas ng higa at kaagad na tumayo. Binato pa 'ko ng unan bago nag-ayos. Tumakas lang kami kay mommy.

Binilisan ko ang pagmamaneho. Ngayon, sigurado akong gising na talaga ang diwa niya. Hindi lang diwa, baka pati kaluluwa pa. Sobra ang paghawak niya sa dashboard, akala mo naman titilapon e.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now