"Shemay! Achievement 'to! Pwede na tayong maging ispiritista!"

Nag-appear-an pa sila habang tumatawa. Ngayon ko lang napansin na may nakataling panyo pala sa mga ulo nila tapos may mga dahon na nakasuktok 'don. Kinarir talaga nila ang pagpapalabas sa kaluluha, naging albularyo pa sila.

Nung maging okay na ang pag-iisip nila ay bumalik na rin sila sa mga upuan nila. Mukhang napagod sa kaka-alululululu nila kanina. Para silang mga aning na nakatakas sa mental.

Sinong mag-aakala na sa ganda ng pagmumukha nila ay siya namang tino ng pag-iisip nila (note the sarcasm here.)

May pa-costume pa talaga silang ginawa ah. Kaagad na nakadaklot ng panyo at dahon sa paligid. Kulang na lang ay balahibo ng manok para magmuka silang isang tribo.

Tribo de hudlong.

"Ano kayang kakalabasan ng exams natin 'no?" Tanong ni Alzhane sa 'min maya-maya.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain pagkatapos nilang gumawa ng 'ritwal.' Ginutom lang nila ang mga sarili nila dahil sa ginawa nila. Mahaba-haba pa yung oras kaya naman bumili pa ulit sila kanina ng pagkain.

Ako. Mero'n ako sa bag kaya hindi na 'ko bumili. Busog na rin naman ako dahil pinupuslit ko yung pagkain ni Kio, gaya ng ginagawa namin ni Kenji.

Kuha. Patay malisya. Kunwaring walang alam. Kain. Appear. Repaeat.

Parang wala lang sa kapatid ko. Hindi niya ata napapansin na nauubos na yung pagkain niya sa plato niya. Nagtaka lang siya pero hindi na nag-effort na magtanong kaya naman nagsasaya kanina ang mga bituka namin ni Kenji.

"Sana perfect! Gusto ko ng pumunta ng resort tapos ipakita ang aking sexy bodey!" Maarteng sabi ni Trina at nagpose pa na parang isang model.

"Perfect body daw tapos makikita yung mga libag." Pambabara sa kaniya ni Vance.

Ayan nananaman yung dalawa. Mag-uumpisa nananaman. Laging may baon na pambabara sa bawat isa ah. Hindi nauubusan basta lang makaganti. Best frienemy raw silang dalawa.

"Anong libag?! Lul! Tatlong beses ako kung maligo sa isang araw!"

"Wala namang nagtatanong."

"Share ko lang, bawal ba 'yon ha?!"

"Kung sayo, bawal."

"Pake ko sayo."

"Pake ko rin sayo."

Nagkakainitan na. Pinaningkitan nila ng mata ang isa't isa. Rambol na 'to  Akmang maghahampasan sila pero kaagad din silang umupo ng maayos ng magsalita si Xavier.

"Alam niyo, ganiyan nagkatuluyan ang lolo't lola ko."

Natutop naman yung dalawa at hindi na umimik. Natauhan yata sila dahil sa sinabi ni Xavier sa kanilang dalawa. Kung alam ko lang na 'yon lang pala ang makakapagpatahimik sa mga bunganga nila, sinabi ko na sana 'yun kanina pa.

Hindi sila makatingin sa isa't isa ngayon. Parang may kung anong kapangyarihan ang mata ng isa, kapag tumingit yung isa malulusaw siya. Parang kanina lang ay halos magpatayan na sila tapos ngayon umurong ang dila.

“I’m not sure we can get perfect scores in exams." Pabulong na sabi ni Alzhane.

Isa siya sa mga excited na pumunta sa resort na 'deal' nina Xavier at Kayden. Mukhang nalulungkot siya dahil hindi matutupad ang pangarap niya. Sa mga sagot ko pa lang ay hindi na 'ko sigurado, pati perfect score ay hindi sigurado.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now