Gusto ko silang pag-uumpugin ng tumayo yung iba at dinaluhan si Eiya. May hawak pang malalaking dahon yung iba at niyugyog ang mga 'yon malapit sa 'kin.
Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Naaaaning na lang bigla. Sinasabihan nila ako na baliw pero tignan niyo naman ang ginagawa nila, mas mukha pa nga silang nasaniban e.
"Alululululu! Labas! Labas! Labas! Kaluluwang matigas! Ika'y lumagas sa katawan ni Heira'ng mukhang patatas!"
Halos batuhin ko ng sapatos si Kenji ng sabihin niya 'yon. Hindi lang talaga ako makagalaw ng maayos dahil pinalilibutan nila ako. Nag-iba na nga ang amoy ng hangin dahil sa paglapit nila.
Susme! Buti na lang at hindi na nakisali sa kanila yung mga seryoso, yung mga walang pakealam sa mundo, yung mga tagatingin lang at tagatawa, yung mga hindi nakikisama sa kalokohan ng iba.
Walang iba kundi sina.... tentenenen!
KAYDEN! ASHER! ADRIEL! CHADLEY! ELIJAH! LUCAS! AT SI KIO!
"Umalis! Umalis! Kung ikaw man si Sadako! Maawa ka sa kapatid mo."
Sinamaan ko ng tingin si Mavi. Kamukha ko ba si Sadako para sabihin nilang kapatid ko siya? Baka gusto niyong pagandahin kahit konti lang, ayos na 'ko kahit si Prinsesa Fiona na lang.
"Alululululu! Masamang kaluluwa lumabas ka! Alululululu!" Sabay-sabay na sabi nila.
Susme! Kinikilabutan ako sa kanila. Kinikilabutan ako sa ginagawa nila. Hindi dahil may lalabas na kaluluwa sa katawan ko kundi baka may matawag talaga silang kaluluwa ngayon.
Hindi pa 'ko handang makakita ng multo!
"Alululululu! Hindi ka namin matatanggap kaya lumayas ka sa katawan niya!"
"Kung pangit ka! Mas pangit si Heira kaya naman umalis ka na!"
"Kung kaluluwa ka man talaga, magparamdam ka!"
"Hindi kasama sa ritwal 'yan, tangina mo! Baka bigla na lang may lumabas na multo rito!"
"Ay hindi ba kasama?"
"Hindi!"
Napailing na lang ako. Mas sumama ang mukha ko dahil sa paghalakhak nung mga nakaupo. Hindi man lang nila ako tinulungan para makaalis sa mga baliw na hudlong, talagang pinanood lang nila kami.
Ang galing niyo r'yan. Very good kayo, napakabuti niyong tao.
"Alululululu! Uha! Uha! Uha! Alululululu! Uh—!"
"Oo, tama na! Bwisit kayo, wala na yung kaluluwa sa katawan ko. Anong uha, uha ang pinagsasabi niyo r'yan."
Kung hindi ko sasakyan ang trip nila ay hindi nila ako titigilan. Susme! Sila pa, walang mananalo kapag sila ang nagsama-samang gumawa ng kalokohan, pati laman-loob mo aatras.
Nagsihiyawan naman sila. Para bang may achievement na nagawa. Akala mo ay nanalo sa lotto. Nagtatatalon pa sina Trina tapos inihagis si Kenji sa ere. Ano 'yan, cheer dancer lang ang nais?
"Sa wakas! Umalis na ang kaluluwa!"
"Hindi na tatawa ng mag-isa si Heira!"
"Hindi ka na mukhang baliw niyan, Yakie! Ayahaaay!"
"Napagod ako ro'n ah!"
"Gago! Kamukha mo si Mang Kepweng!"
"Ikaw nga, mukhang magtatawas!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 133
Start from the beginning
