Napatawa ako ng wala sa oras dahil sa naaalala ko. Parang gustong ingudngod ni Asher 'tong makulit na hapon na 'to dahil sa paulit-ulit na pagtawag niya sa kaniya ng 'dadey.'
Magkaapo nga raw ng kamukha ni Kenji ay ayaw niya na, anak pa kaya? Baka raw ihulog niya na lang sa kanal.
Mas nainis pa niya ng biglang tumalon si Kenji at sumampa sa likod niya.
Pero imposible naman 'yon, kahit ga'no kapangit si Kenji sigurado akong tanggap siya kung naging tatay man niya si Asher.
Hanggang sa canteen ay nakasakay ang batang hapon sa likod niya. Hindi man lang ata siya nabibigatan nung isa. Pinagtitinginan na nga sila no'n dahil gano'n ang posisyon nila habang pumipili ng pagkain.
"Hindi po namin kilala ang mga 'yan."
Panay ang pagtanggi namin sa mga nakatingin sa 'min nung mga oras na 'yon. Kami ang nahihiya dahil sa ginagawa nilang dalawa. Susme! Nagbabangayan pa sila hanggang makarating sa tambayan.
"Tignan niyo si Heira, sinaniban nananaman." Narinig ko ang boses ni Trina.
Sa tinis ba naman ng boses no'n, kahit sino mabobosesan siya. Kung ano ang lamig at ganda ng boses niya tuwing kumakanta siya ay siya namang tinis at lakas ng boses niya kapag nagsasalita.
Mas malala kapag nagkukwento na siya. Walang katapusan. Yung isang topic biglang lilipag sa isa tapos sa isa nananaman tapos sa isa nananaman hanggang sa lumayo na ang una niyang sinasabi.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Pinagtatawanan nananaman nila ako. Mukha ba 'kong isang clown para pagtawanan nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng tumatawa ng mag-isa. Normal na lang 'yon, uy!
"Baka hindi pa nakakainom ng gamot." Umarte pa talaga si Vance habang sinasabi 'yon.
Sinapo niya ang noo niya at umiling-iling na para bang ang laki ng problema ko, sa sobrang laki no'n ay siya na ang naghandle. Psh, baliw talaga ang mga hudlong na 'to.
"Sabi ko naman kasi sayo, 'dre, idala na natin siya sa mental hospital, e." Panggagatong ni Xavier.
Heto nananaman po tayo. Mag-uumpisa nananaman ang mga aning sa kani-kanilang mga konklusyon. Idadala raw ako sa mental pero LTFRB ang tinawagan. Sinong mas baliw sa 'tin ngayon?
"Hindi ako baliw 'no." Depensa ko sa kanila. "May naalala lang ako kaya ako tumawa. Bawal ba 'yon ha?"
"Pwede naman pero 'wag mong dalasan, baka bigla ka na lang mahanginan tapos hindi na maibalik ang dami mong itsura." Nakangisi na sabi ni Timber.
"Isang beses ko pa nga lang ginawa—!"
"Isang beses raw. Palagi ka naming nakikita na ngumiti o kaya naman tumatawa 'oy!" Pinutol ni Alexis ang dapat kong sabihin.
Ngumuso naman ako. Isang beses ko pa lang kaya ginawa 'yon, yung kanina lang. Ay hindi pala, nung isang araw napangiti rin ako tapos nung dati rin. Isama mo pa yung mga araw na kasama ko si Lucas, pati yung pagbibigay niya sa 'kin ng pampusod ng buhok.
Oo nga, hindi lang pala isang beses. Hala! Baka sinasaniban na talaga ako.
"Kung sino ka mang kaluluwa ka na nasa katawan ni Heira Yakiesha Sylvia. Umalis ka!" Sigaw ni Eiya habang nakapikit siya.
Yung dalawang kamay niya ay nakamuwestra sa may ulo ko habang gumagalaw-galaw 'yon. Parang nagriritwal lang si Mang Kepweng, este si Aling Pokwang.
"Huy! Tigilan mo nga 'yan." Saway ko sa kaniya at yinapos ang kamay niya papalayo.
Pero ang babaitang hudlong, hindi man lang naapektuhan. Binalik niya ang kamay niya kung saan nakalagay kanina tapos patuloy pa rin siya sa pagriritwal habang nakapikit.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 133
Start from the beginning
