"Hindi kasi kita napansin..."
Wow naman, pero kanina bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Hindi niya talaga ako napansin, mukha ba 'kong naliligaw na kaluluwa? Mukha ba 'kong multo sa paningin niya?
"...Akala ko kasi pader ka."
Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. Anong pader ang pinagsasasabi nito? May pader bang huminga. May pader bang nagsasalita? May pader bang ganito kagand—.
*Ubo* *Ubo* *Ubo* *Ubo*
Hindi ko alam kung nabilaukan ba siya sa sarili niyang laway o may sakit siya. Bigla na lang siyang umubo ng ilang beses at sinuntok-suntok niya pa ang dibdib niya.
Nanlaki ang mata ko. Hindi kaya... nabasa niya ang iniisip ko kanina? Hindi naman siya mind reader para magawa 'yon. Porke sinabi kong magand—.
*Ubo* *Ubo* *Ubo* *Ubo*
Sabi ko nga, mabait ako. Ayos na 'ko sa pagiging mabait ko. Baka bigla na lang magkaroon ng tuberculosis 'tong kasama ko kapag pinagtulakan ko pa ang gusto kong mangyari.
Tanggap ko na.
"Gusto mo ng tubig? Baka bigla ka na lang manghingalo r'yan." Natatawang sabi ko sa kaniya.
Bigla siyang tumigil tsaka niya 'ko sinakal gamit ang braso niya. Hindi ako makapagpumiglas sa kaniya dahil sa pagkabigla, ang bigat pa naman ng kamay niya kaya ang hirap tanggalin.
Panay ang pagsakapak ko sa tyan niya pero parang hindi man lang siya naapektuhan. Habang naglalakad kami ay gano'n ang pwesto namin. Nakakahinga pa naman ako kahit sumasakit na ang leeg ko.
Hila-hila niya ang ulo ko, nakayuko tuloy ang katawan ko. Binibilisan ko na rin ang paglalakad ko para makasabay sa kaniya dahil kung hindi, sigurado akong masasakal ako.
"Bitawan mo 'ko! Adi!" Sigaw ko sa kaniya.
Pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante, akala siguro nila baliw kami dahil sa ginagawa namin. Itong isa naman parang wala lang sa kaniya ang paghihirap ko. Kapag ako, naabot ko ang leeg mo, sasakalin na talaga kita.
"No. You deserve this." Aniya tsaka niya 'ko kinakaltok-kaltukan.
Nainis naman ako kaya naman buong pwersa kong pinalipad ang kamao ko sa mukha niya. Sapul! Sapul ang ilong niya. Akala niya ha! Abot ko ang mukha mo!
Bigla niya 'kong nabitawan dahil na rin siguro sa sakit nung pagkakasuntok ko sa kaniya. Muntikan pa 'kong masubsob sa lupa buti na lang at nabalanse ko ang katawan ko. Baka mayari ang nguso ko!
Ako naman ngayon ang tumatawa dahil sa itsura niya. Para siyang natatae na ewan habang hinahaplos ang ilong niyang namumula. Hindi naman malakas 'yung ginawa ko kaya naman walang dugong lumabas sa ilong niya.
"You deserve it, too."
Muntikan niya na 'kong sagpangin kaya naman napatakbo ako ng wala sa oras. Sino ba namang hindi maiinis kung ang maputi mong ilong biglang naging pula. Rudolph the red nose reindeer na lang ang mukha mo.
Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya naman may binilisan ko ba. Wala na 'kong pakealam sa mga nabubunggo ko. Ang laki ng space, sa daan pa talaga sila nagkwekwentuhan. Hindi naman kayo poste, uy!
"Gotcha!" Halos mapasigaw ako ng bigla niya 'kong kabigin.
Deretso ang katawan ko sa puno. Napayakap na lang ako ro'n habang dikit-dikit ang mukha ko sa katawan ng puno. Shet! Ang sakit no'n! Kapag ako nagasgasan, papanguin kita, Adriel!
Inis akong umayos ng tayo at inambahan siya ng sapak pero bigla akong napadaing dahil sa hapdi ng mukha ko! Sigurado akong namumula 'to, nakaface to trunk ko ang puno!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 132
Start from the beginning
