"Sanay naman ako, tsaka sa side lang naman ako."
Sumakay ako sa bike ko at kamuntik-muntikan na 'kong matumba dahil sa biglang paghawak niya sa manibela no'n para pigilan ako, buti na lang at kaagad kong naitungkod ang paa ko. Patay na sana ang tuhod ko.
Psh!
"Kio, kaya ko, okay?! Tsaka matagal na rin naman akong nagbababike ah! Tignan mo, buo pa rin ako." Sambit ko habang minumuwestra ang katawan ko.
"Ayun na nga e! Nothing bad has happened to you before but what if something bad happens now?!"
Napaatras naman ang ulo ko sa kaniya. Nginiwian ko siya. Ang galing naman talagang mag-isip nitong Kio na 'to. Sa dinami-rami pa naman ng pwedeng isipin, yung pangit pa talaga?
Hindi ba pwedeng good vibes lang ang isipin niya. Yung isipin niya sana na 'umulan ng pagkain ngayon,' 'walang pasok ngayon,' 'bibigyan ko si Yakiesha ng chocolates ngayon.' Gano'n na lang sana e, kaso ang utak niya ata baligtad.
Naisip niya talaga yung tungkol sa 'something bad happens.' Nakakasama talaga sa kaniya ang pagiging seryoso 'no? Biglang lumilihis ang takbo ng isip. Hindi naman siya ganiyan, baka nga ipagtulakan niya pa 'ko sa aksidente. Gano'n siya kabait.
"Luh, wala naman kasi! Malelate na tayo, tabi." Bahagya ko pa siyang itinulak para makadaan ako.
Nagmadali akong lampasan siya. Ang aga-aga ang nega. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero kinawayan ko lang siya habang nakatalikod.
Parang siya si mommy, hindi pa nga ako nakakaalis este nakakalayo tinatawag na kaagad ako. 'Wag kang mag-alala, babalik naman ako. Babalikan ko pa yung ice cream sa ref.
Wala sa sariling napangiti na lang ako nung maalala ko yung ice cream na binigay ni Kio. Wala pang isang araw ay ubos na. Nilantakan ko 'yon kahit na masakit ang lalamunan ko. Tapos kinabukasan magaan na ang pakiramdam ko. Gamot ko talaga ang pagkain.
Naman!
Buti na lang at wala akong kaagaw no'n. Hindi makahingi sa 'kin si Kenji dahil wala siyang lalagyan. Aalangang ipadila ko sa kaniya yung isang galon ng ice cream? Tapos nasa kotse pa kami, baka kapag marumihan pa no'n ang upuan ay ihagis na lang kami ni Xavier palaba ng kotse niya.
Nawala yung ngiti ko ng mapansin na walang masyadong tao ngayon sa dinaraanan ko. Dati naman kapag ganitong oras ay nakalabas na yung mga nagchichismisang mga kalapit-bahay namin.
Sumabay yata sila sa pagtahimik ng dila ko. Gaya-gaya naman ang mga 'to. Tanging mga asong gala na lang ang nakikita ko. Sabagay, medyo makulimlim, baka tulog pa sila. Masarap namang matulog kapag ganito ang panahon.
"Ang aga-aga ang asim ng mukha mo."
Sinamaan ko lang ng tingin si Adriel dahil sa sinabi niya. Palagi kaming nagkakasabay kapag nasa parking lot na ah! Pagmumukha niya na lang palagi ang bumubungad sa tuwing ilalock ko ang bike ko.
Hindi ko alam kung hinihintay niya ba 'ko o ano. Ay hindi! Imposible naman 'yon, ang assumera ko naman kung gano'n ang iniisip ko. Ano naman kayang ginagawa niya sa parking lot at nakakasabay ko siya palagi?
Ngisian ko siya tsaka ko ginulo ang buhok niya. Mukhang bagong ligo pa siya dahil basa pa ang buhok niya. Para siyang asong pinagpag ang buhok niya kaya naman napunta ang ibang tubig na galing sa buhok niya.
Ano ako sa tingin niya? Lupa? Twalya?
"Ang galing mo r'yan. Refreshing 'yang buhok mo." Sarcastic na sabi ko at pinandilatan ko siya ng mata dahil sa pagtawa niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 132
Start from the beginning
