"Napansin ko lang kasi na parang hindi kayo nag-kikibuang dalawa. Nakakapanibago." Dagdag pa niya.
Umiling na lang ako ng umiling. Ayaw kong magsalita dahil baka gaya ni Eiya ay madulas din ako at masabi ko pa sa kanila ang sikreto ni Kio. Mukhang wala namang ideya sina mommy sa mga pinaggagawa niya.
"Wala po, baka napipi lang talaga si Yakiesha kaya siya ganiyan."
"Sayang po kasi ang laway kung gagantihan ko pa po siya."
"Dati naman ay ayos lang sayo ang magsalita ng magsalita. Minsan nga ay hindi ka na humihinto."
"Kumakain po kasi ako kaya hindi ako nagsasalita masyado. Masarap pa naman po yung ulam!"
Bago pa makapagsalita si Aling Soling ay sumali na si mommy sa usapan. Tingin ko ay napapansin na nila yung kalokohan ko. Yung patahimik effect.
"Napansin ko rin ang hindi niyo pagkikibuan ah! Baka naman may tinatago kayo sa 'kin kaya kayo ganiyan!"
'Ako wala. Si Kio mero'n.'
Gusto ko sanang isagot kay mommy 'yon pero dahil isa akong mapagkakatiwalaang kapatid, tahimik muna ako ngayon. Ang sikreto ay mananatiling sikreto hangga't walang ibang nakakaalam.
Si Kio na ang sumagot kaya naman kumuha na lang ulit ako ng kanin. Wala namang makakapigil sa 'kin dahil kanina ay konti lang ang nakain ko, si Kenji lahat ng umubos.
Saglit lang akong nalingat tapos wala ng laman ang plato ko, buto na lang ng manok ang natira. Hindi man lang nahiya sa pinagkukuhanan niya. Isang palatok tuloy ang nakuha niya mula sa 'kin.
Batang hapon!
"Ano naman pong itatago namin sa inyo? Pagkain?" Natatawang sambit ni Kio.
Gusto kong makitawa sa kaniya pero yung tawang sarkastiko sana. Wala raw tinatago, e ano yung nakita ko nung isang araw? Multo?
Napailing na lang ako dahil sa iniisip ko. Ang sarap nitong naluto ni mommy, hindi pamilyar ang lasa niya pero parang nakita ko na 'to sa canteen, hindi ko nga lang binili. Ang konti lang kaya no'n.
"Baka lang naman kasi may secret kayo. May mga boyfriend at girlfriend na kayo 'no? Ayaw niyong magkibuang dalawa kasi ayaw niyong mahuli 'no?!" Nang-aakusang sabi ni mommy, pinanlakihan niya pa kami ng mga butas ng ilong.
"Manliligaw nga wala tapos boyfriend pa kaya? Mommy, imposible naman na magkaboyfriend siya, baka sapakin lang ni Yakiesha 'yun kapag nag-away sila."
Tumawa silang tatlo dahil sa pang-aasar ni Kio. Masaya talaga sila kapag pinagtutulungan nila ako e 'no?
Kapag ako nakaganti!
Ano bang magandang gawing paghihiganti? Itago yung labahan? Baka naman wala na kaming maisuot kung gagawin ko 'yon, tsaka baka bumantot ang mga dami kung itatago ko. Wrong idea.
E kung ibigay ko sa kapit-bahay yung mga kasirola, syanse at mga tupperware ni mommy? Napailing na lang ako. Hindi pwede 'yun, wala kaming gagamitin, kapag wala kaming nagamit, wala kaming lalamunin, kawawa yung mga alaga kong dragona sa tyan.
Tsaka baka ako pa yung ipamigay ni mommy sa kapit-bahay kapag nagkataon na nalaman niya ang plano 'kong gawin. Baka itakwil niya 'ko.
Guluhin ko kaya ang kwarto ni Kio? O kaya naman ay lagyan ko ng uling ang mukha niya habang tulog? Baka magkapimples siya, kawawa naman yung mukha niyang pinapantasya ng bayan. Panay ang pagtili nung mga estudyante sa 'min, isama mo pa yung mga alipores ni Queen Bobowyowg.
Tinamaan yata sa karisma ng isang Kio lampayatot.
Kung guguluhin ko ang kwarto niya, sigurado akong sa 'kin niya ipapalinis ang kalat. Alam ko naman na ako kaagad ang paghihinalaan niya, alangan si Aling Soling? E siya lang naman ang naglilinis sa bahay.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 131
Start from the beginning
