"F.A.K"

3.1K 44 3
                                    

"F.A.K"

"Juls! Yung niluluto mo!"

Napatingin ako sa niluluto ko. Nakita ko siyang tumakbo papalapit dun at pinatay ang kalan. Halos masunog na pala ang niluluto kong hotdog. Humarap siya sakin.

"Anong nangyayari sayo? Muntik ng magkasunog ohh. Ayos ka lang ba?"

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sakanya. Nakakainis kasi may gusto akong iparating pero hindi ko masabi sakanya. Tumalikod nalang ako at umupo. Naramdaman ko na lumapit siya sakin.

"Juls, may problema ba?"

Nakatingin ako sakanya. Nakaluhod siya sa harap ko. Pilit akong ngumiti at umiling. Parang hindi siya nakuntento kaya hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam pero bigla ko yun inalis. Nakaramdam kasi ako ng sakit.

"Anong nangyari dyan?" Kunot noong tanong niya.

"Ha?" Yun lang talaga ang nasabi ko.

Tumayo siya at naglakad papasok ng kwarto. Nakatingin ako sa kamay ko. May sugat yun. Napa buntong hininga nalang ako ng maalala kung bakit ako nagkasugat.

Sa TV.

"Janine at Elmo, may relasyon na."

"Janine at Elmo, magkakasamang muli sa isang proyekto."

Sa Twitter.

"Bagay si Janine at Elmo! Buti nalang talaga Sila na."

"Magkakasama ulit si Janine at Elmo! Nakakakilig!"

Sa mga taong nasa paligid.

"May chemistry din pala ang JaninElmo."

"Bagay sila, good thing sila na."

Sa Management.

"Kailangan muna nilang magsama. Tingnan natin kung kakagatin ng mga tao ang tambalan nila."

"Pahinga muna ang loveteam niyo. Hayaan mo munang sumikat ang loveteam nila."

Sa mga kaibigan nila.

"Let him go na. Mahihirapan ka lang. Kahit pa promo yan, ikaw pa din ang masasaktan."

"Isipin mo naman yung mga fans niyo, wag kang susuko kasi ikaw nalang ang meron sila."

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit lang sa ulo kasi paulit ulit yun tumatakbo sa utak ko. Yun ang dahilan kung bakit nagkasugat ako. Naghihiwa kasi ako ng kalamansi para sa kalamansi juice na gagawin ko.

"Kapag may sugat kang nararamdaman dapat ginagamot kaagad."

Napatingin ako sa harap ko. Nakabalik na pala siya. Ginagamot niya ngayon ang sugat na nakuha ko kanina.

"Masakit ba?"

Dahan dahan akong tumango. Oo masakit. Masakit na masakit.

"Gagaling din yan. Nandito naman ako para pagalingin yan eh. Kung nakakaramdam ka ng sakit, nandito ako para pawalain lahat ng yan."

Huminga muna ako bago magsalita.

"What if..ikaw ang dahilan ng sakit na yun? Paano mo ko papagalingin?"

Nakatingin lang siya sakin. Natigilan ata siya sa tanong ko. Ngumiti siya sakin.

"Kung ako ang dahilan ng sakit na yun, gagawa ako ng paraan para mabawasan yung sakit. Pero kung masakit na masakit na talaga, isa lang naman ang solusyon dyan.."

"Ano yun?"

"Ang mawala yung dahilan ng sakit."

"Elmo.."

Hinalikan niya ang kamay ko.

"Alam ko naman na nasasaktan ka sa mga pangyayari ngayon. At alam mo naman na yun ang pinaka iniiwasan ko diba? Kaya nga kung sobrang sakit na, mabuti ng tigilan na.."

Bumagal ang tibok ng puso ko. Oo nasasaktan ako pero nung sinabi niyang itigil na namin ito, bakit parang nakakamatay? Bakit parang nakakapigil paghinga?

"Are you breaking up with me?" Mahina kong tanong sakanya.

Ngumiti siya sakin. Tumayo siya. Nakatingin ako ngayon sakanya.

"Of course not. Me? Makikipag break sayo? Never. Ikakamatay ko."

"Pero ang sabi mo.."

"Tigilan na. Soon but not now. Ititigil ko lahat ng kabaliwan na toh para makasama ka. Para ikaw naman."

Ngumiti ako ng pilit. Nawawalan na ako ng pag-asa. Nung una, hindi ako bumitaw pero ngayon? Talaga bang pinaglalaruan kami ng tadhana?

"Julie.." Itinayo niya ko.

"Listen okay? Naalala mo yung song natin sa isa't isa?"

Tumango ako. " Pyramid."

Natawa siya habang umiiling.

"Nakalimutan mo na? Ipapaalala ko sayo."

Umubo siya. Niyakap niya ko at sinimulang kumanta.

"Got your back" bulong ko.

Naramdaman ko ang pag ngiti niya. Inilayo niya ko sakanya at hinarap ako sakanya.

"Julie, I got your back and you got mine. Kahit pa mapa Ups and Down ang takbo ng buhay natin ngayon, nandito ako. Handa akong saluhin ka kapag nararamdaman mo ng nanghihina ka. I got your back my girl. Always."

"Moe.."

Nahihiya ako sakanya kasi kahit ang dami ng nangyayari sa amin, hindi siya sumusuko. Kahit na iba na ang tingin ng tao sakanya, tinatanggap lang niya. Kahit na maraming bagay na ayaw niyang pinapagawa sakanya, sinusunod nalang niya. Ako? Ito oh. Handa ng sukuan siya.

"I'm sorry Moe..sorry kung ano ano ang iniisip ko. Sorry kung naiisip ko ng sukuan ka."

"Alam ko na mararamdaman mo yan kaya nga nagpapakatatag ako para sa atin eh. Para kapag naisip mo yan, ipapaalala ko sayo yung love na meron tayo."

Ngumiti ako. "I love you boy."

Ngumiti siya. "I love you too girl."

Hinalikan niya ko sa labi.

"Ako na ang tatapos ng ginagawa mo. Magpahinga ka na sa kwarto."

Umiling ako. "Tutulungan na kita."

"Wag ka ng makulit. May sugat ka kaya ohh."

"Wala na..wala na yung sugat." Sabi ko sakanya.

"Ha?"

Wala na yung sugat kasi unti unti mo na siyang pinagaling. Yun lang talaga siguro ang kailangan kong marinig eh. Yung ako lang. Yung kahit anong mangyari sa amin, kahit na hindi kami magkasama, yung love namin? Never ng mawawala. Nakita ko yung First Aid Kit sa mesa. Nakakatuwang isipin na meron akong sariling First Aid Kit. Yung nagpapawala ng sakit na nararamdaman ko. Yung nagpapagaling ng sugat na natatamo ko.

My own First Aid Kit.

My Elmo.

The End.

- Awwwww! Namiss ko gumawa ng OS! Babawi ako! :))

JuliElmo One Shots (All in One)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang