"Restive"

957 32 0
                                    


"Restive"

"Tama na muna ang cellphone. Kasi kakain na po tayo."

Napatingin ako sakanya. Nakangiti siya sakin habang hawak hawak niya ang sandok at plato sa kamay niya. Naamoy ko kaagad ang niluto niya at mukhang masarap ito. Napatayo ako at lumapit sakanya. Inamoy ko ang luto niya.

"Amoy palang nakakabusog na."

Ngumisi naman siya. "Iba ata ang chef mo."

Tumango ako. "Chef Elmo Magalona."

Natawa siya. "Sige na baby girl, umupo ka na at kakain na tayo."

Nginitian ko siya at tska ako sumunod sa utos niya. Binaba ko muna ang cellphone ko pero bago ko ibaba yun, nag tweet ako.

I just wanna eat, eat more and.. Eat

"Hey, I told you mamaya na yan."

"Ito na po."

Umupo na ko habang siya naman nilalagay ang mga niluto niya sa harapan ko. Napapangiti ako kasi kitang kita ko na ang sasarap ng mga niluto niya. Halos lahat ng niluto niya paborito ko. Ganyan naman kami kapag magkasama kaya hindi ko maiwasan na kumain ng kumain. Masarap kasi ang nagluto este masarap yung luto.

"Anong iniisip mo baby girl?"

Umiling ako. "Wala naman sweetboy."

"Weh?"

Natawa ako. "Sige na nga, hmm..ang sarap kasi ng niluto mo. Hindi ko maiwasan na kumain."

"Maganda nga yun na kumakain ka para hindi ka nagkakasakit. Basta kapag magkasama tayo bawal ang diet. Kumain ka lang ako na ang bahala sa mga pagkain na lulutuin. Lahat ng paborito mo gagawin ko makakain ka lang."

"Aww. Ang sweet naman ng boyfriend ko."

"Naman!"

Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap ng luto niya! Paano kaya niya nagagawa ito? Marunong din naman na ko magluto kasi tinuturuan niya ko pero hindi ko talaga kakayanin ang mga luto niya. Pamg highest level naman kasi ang luto niya eh.

"Kain ka lang ng kain ah?"

"Busog na nga ako eh."

Napangiti siya. "Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako. "Sobra."

"Good. So tapos ka na ba? Itatago ko na yan para if ever gusto mo at magutom ka pwede mong kainin o kaya baunin."

"Parang highschool lang? May baon talaga?"

Natawa siya. "Oo naman. Bukas pagkauwi ko sayo. Ang kinain mo lang naman kasi burger mcdo at fries. Mabubusog ka ba dun?"

"Hmm. Pwede na."

Tumayo na siya. "Sige na pumunta ka na muna sa kwarto ko. Ako na ang bahala sa hugasin."

Umiling ako. "Ako na. Ikaw naman ang magpahinga. Ako nalang ang maghuhugas."

"Baby girl, kaya ko naman eh."

"Kaya ko din naman sweetboy. Hugas lang yan. Please let me do it."

Napabuntong hininga siya. "Okay sige. Mag apron ka para hindi ka mabasa ah?"

"Yes Chef!"

Nagsimula na ko maghugas. Siya naman nililinis yung mesa na pinagkainan namin. Napapaisip ako na what if maging mag asawa na kami ni Elmo? Siguro ganito din kami. Ang saya siguro nun. Kahit maliit na bahay lang basta magkasama kami, ayos na. Masaya na ko basta siya ang kasama ko.

"Mmm..anong iniisip mo?"

Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko. Napangiti ako sa ginawa niya. Nilagyan ko siya ng bubbles sa pisngi.

"Naisip ko lang na paano kung mag asawa na tayo? Ganito din ang gagawin natin? Haha."

Natawa siya. "Oo naman. Ako ang magluluto ikaw ang kakain."

"Naku! Mukhang lolobo ako dahil sayo ah?"

Ngumisi siya. Binigyan niya ko ng maliit na halik sa labi.

"Papalubuhin naman talaga kita baby girl kasi siyempre, mabubuntis kita."

Namula ako sa sinabi niya kaya pinaghahampas ko siya. Tawa naman siya ng tawa.

"Niloloko lang kita baby girl."

"Chee."

Matapos namin magligpit pumunta na kami sa kwarto niya. Humiga ako at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama niya habang siya naman ay naglilinis ng katawan niya sa banyo. Nag cellphone muna ko at nakita ko ang mga tag ng mga fans namin. Gusto nila kami mag collab ni Elmo.

"Wow."

"Anong wow?"

Napatingin ako sakanya na kakalabas lang galing sa banyo. Humiga siya kaagad sa lap ko.

"Anong wow?"

"Ha? Uhm, yung mga fans natin gusto tayong nag collab."

Napangiti siya. "Hindi talaga sila sumusuko noh?"

"Alam mo naman sila, SOLID!"

Natawa kami pareho. Umupo siya at kinuha ang phone ko sakin. Binasa niya ang mga tweets doon. Nakita ko na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Sweetboy? Bakit?"

Tumingin siya sakin bago huminga ng malalim.

"Naisip ko lang na kung ako ang nasa posisyon ng mga fans natin? Siguro maiinip ako."

"Ha? Bakit naman?"

"Because there are a lot of things that I want to happen. And waiting for it to happen makes me impatient. Yung parang gusto mo may magbago sa sitwasyon na kinakalagyan mo. Yung gusto mo na baguhin o ibalik ito sa dati?"

Sinuklay ko ang buhok niya.

"Pwede naman. Wala namang masama doon pero hindi lang ito ang tamang oras para sa kagustuhan natin. Basta ang alam ko lang ang relasyon natin merong perfect timing. Kaya nga tayo lumalaban diba?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Don't let our restiveness blind us. Let's wait for our perfect timing in God's time."

Tumango naman siya. "Okay baby girl. I'm willing to wait naman. Nangako ako sayo at tutuparin ko yun."

Napangiti ako. Nilapit ko ang mukha ko sakanya at binigyan siya ng madiin na halik.

"I'll wait with you."

The End.  


JuliElmo One Shots (All in One)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن