"Last Night"

1.9K 55 0
                                    

"Last Night" 


"SHOT! SHOT! SHOT!" 


Yan ang sigaw ng mga kapatid ko. Pinainom nila ako. Birthday ko naman daw so pagbigyan ko na daw sila. 


"Omelette, happy birthday! I love you brother!" Hinalikan ako ni Max sa pisngi. 


"Thanks Max." 


"Party pa okay?" 


Umalis na muna siya. Naiwan kami ni Janine sa mag table. Yes, nandito siya. Ininvite siya ng mga baliw kong kapatid. May tama na kasi sila. Nagpapahinga na nga daw si Janine ng bigla siyang pinasundo ni Max. 


"Elmo? Okay ka lang ba? Lasing ka na ata eh." 


Natawa naman ako. "Hindi noh. Hindi pa ko lasing. Ang konti palang naman ng naiinom ko." 


Ngumiti siya sakin. "Sorry Elmo ah? Sorry kasi hindi naman ako yung inaasahan mong bisita ngayong gabi." 


"Okay lang. Tsaka ano ka ba, wag mo ngang sasabihin yan. You're my friend." 


"Nakausap mo na ba siya?" 


Uminom ako ng alak na hawak ko. 


"Ayaw niya eh." 


"Hmm, gusto mo tulungan kitang kausapin siya?" 


"Hindi na. Kaya ko naman na tsaka tinutulungan naman ako ni Maqui." 


"That's good." 


Hindi pa siya bumabati. Nakakatampo lang dahil sa lahat ng taong bumati sakin siya ang taong pinakahihintay ko na batiin ako. Alam ko na hindi kami ganun ka-okay pero sana naman kahit isang araw lang kinalimutan niya yun. 


"Moe, picture na tayo! Janine! Sali ka samin." Sigaw ni Saab. 


Sumunod naman kami ni Janine. Picture dito, party doon, inom dito. Yun lang halos ginagawa namin. Nagkakasiyahan sila ng lumabas ako. Magpapahangin lang. Masyado na kong maraming naiinom. Kapag nalaman niya ito mayayari ako. Teka, wala naman siyang pakialam sakin so kahit anong gawin ko ayos lang. May dala akong beer hanggang makarating ako sa kotse ko. Sumandal ako dun. 


"Lasing ka na." 


Parang may nagsalita. Hindi ko nalang pinansin baka hindi naman ako ang kinakausap. Uminom ako ng beer. 


"Tama na yan. Lasing ka na." 


Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang tao. 


"Tigilan mo na yan. Nangako ka na hindi ka iinom ng madami diba?" 


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon