"Mine"

8.4K 40 6
                                    

"Mine"

*Calling MyJAM..*

Hello?

What the? Julie Anne! What's that?!

Makasigaw ka naman! Wala man lang bang Hi/Hello?

Ok. Hello! So ano na nga? Anong ibig sabihin nun?

Ano nanaman bang kinakagalit mo?

Sino yung bata?

Ahh. Nakita mo yung video? Ang cute diba?

Wala akong paki kung cute siya. Hindi ko naman tinatanong eh. Bakit may kiss? Bakit ka nagpa-kiss?

Ito naman! Bata lang yun!

Julie Anne! Your lips is for my lips ONLY! Your lips belongs to me!

Moe! Ikaw! Bata lang yun!

Kahit na! Kasi naman eh!!

Alam mo, wag ka nga. Bata lang yun ok? Hindi mo kailangan magpa-apekto. Sige na, mag-iikot pa kami. Bye na. Love you!

Julie!

*end call*

Aaaaah! Nabato ko yung cellphone ko sa sobrang galit ko. Nakakainis. Alam kong bata lang yun pero bakit siya nagpapahalik? Dapat talaga sumama ako eh para nabantayan ko siya.

"Ang cuteeeeee!" Sigaw ni Max.

"Ano yun Ate?" Tanong ni Arkin.

Pinakita niya sa amin ni Arkin yung instavid na sinasabi ko. Yung hinalikan ni Julie yung bata. Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Oh? Bakit nakasimangot ka? Bata lang yan, Moe! My gosh!"

"Inaaway nanaman niya si Ate Julie. Haha! Selos kasi."

"Tumigil nga kayo. Hindi ako nagseselos noh!"

"Hindi daw?" Sabi nilang dalawa.

"Oo nga! Kaya lang naman ako nag rereact ng ganyan kasi ano..siyempre, bata yun. Baka magkagusto yun kay Julie. Tsaka, akin lang yung lips niya! Akin lang! Para sakin lang!"

Bigla kong narinig ang malakas na tawa ni Max at Arkin.

"Edi NAGSESELOS KA NGA!" Sigaw nila sakin.

"Ewan ko sainyong dalawa."

Iniwan ko sila at pumunta sa guest room ni Max. Dito kasi kami nag stay ni Arkin tsaka ni Frank. Humiga ako at nakinig ng mga kanta sa IPhone ko. Ipinikit ko ang mata ko baka sakaling makalimutan ko yung inis ko.

"Akala mo kung sinong gwapo? Gwapo ba yung batang yun? Tss. Nagawa pa niyang punasan ang labi niya eh kung ako lang nasa posisyon niya baka hindi ko na tinanggal yung labi ni Julie sakin. Akala mo kung sino! Kainis!" Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko naman yung bola at binato bato sa ere.

"Ito namang si Julie, kailangan bang bigyan ng candy yung bata para ikiss siya. Eh kung sakin niya ginawa kahit walang candy, handa akong magpakalunod sa halik niya. Naiinis ako! AHHHHH!"

At binato ko ang bola sa may pinto. Napaupo naman ako. Oh no.

"MOSES!" At ibinato niya sakin yung bola.

"Frank, ano ba kasing ginagawa mo dyan?"

"Lumabas lang ako para uminom ng tubig tapos mambabato ka? Sira ulo ka ba?!"

Napakamot ako sa ulo ko. Oo na kasalanan ko na. Sorry na. Naiinis lang naman ako kasi..

"HOY! Tutal naman kinakausap mo ang sarili mo. Bakit hindi mo nalang puntahan si Julie!"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now