"Friendzone"

1.7K 61 5
                                    

"Friendzone" 


Narinig ko na guest siya sa Eat Bulaga. Parang mapupunit na ang labi ko sa kakangiti ng malaman ko ang balita na yun. 


"Julie! Alden! Standby!" 


She's here na pala. Maaga nga siya eh. Hindi na siya nag rehearsal. Nagbihis na siya kaagad. Sumilip ako sa may pinto at nakita ko siya. She looks very beautiful kahit na payat siya. 


"Lapitan mo na." 


Nagulat ako ng biglang nay nagsalita. 


"Kuya Allan K." 


Ngumiti siya sakin. "Sumisilip ka pa dyan. Lapitan mo na kaya. Torpe torpe nito." 


Natawa naman ako. "Kuya Allan K. talaga oh." 


"Eh bakit? Totoo naman eh! Gwapo ka nga pero ang torpe mo." 


Tumingin ako kay Julie. 


"Hindi naman ako torpe. Sinubukan ko na din naman na ligawan siya pero.." 


"Waley? Ayaw?" 


Umiling ako. "Hindi Kuya Allan. May iba kasi siyang mahal noon eh. Hindi ako makapasok sa buhay at puso niya." 


"Aba! Matinde talaga si Magalona ano? Anak nga no Francis!" Natatawa niyang sabi. 


Napailing nalang ako at ngumiti. 


"Pero ngayon may Janine na si Elmo. Malay mo pwede na. Malay mo ngayon, may pag-asa ka na." 


Nginitian ko siya. "Malay natin." 


Tinawag na kami ng staff. Nagsimula na kaming kumanta at ang masasabi ko namiss ko na ka-duet siya. Ang ganda ganda talaga niya. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang kumakanta. Kahit papaano nginingitian niya ako, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Natapos kaming kumanta. Sinundan ko siya sa backstage. 


"Julie!"


Nilingon niya ako. "Yes?" 


"Hello. Uhm, salamat kasi hindi ka tumanggi na maka duet ka dito." Nahihiya kong sabi. 


"Trabaho ito. Trabaho lang tayo. Hindi naman pwedeng mamalagi tayo sa past diba? Past is past." 


Tumango ako. "Tama. Past is past." 


Ngumiti siya sakin. "May sasabihin ka pa ba?" 


"Ha? Ah..wala na.." 


Tumango siya at naglakad na papunta sa dressing room. Nasapok ko ang ulo ko. 

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now