"Dedma"

2.4K 53 0
                                    

"Dedma"

Elmo.

Elmo.

Elmo.

Elmo.

"ELMO!"

Napatingin ako sa tabi ko. Kaya pala kanina ko pa naririnig ang pangalan ko. Nandito siya sa tabi ko.

"May kailangan ka?"

Umiling siya. "Kanina ka pa tulala ah? May problema ka ba?"

Napailing nalang ako. Kahit naman sabihin ko, wala namang makakatulong sakin.

"Wala namang mangyayari eh. Wala na."

Ngumiti siya sakin. "Alam mo, ikaw lang naman ang nag-iisip na wala ng mangyayari eh. Ikaw lang nag-iisip na wala na."

Napatingin ako sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Elmo, meron pa. Aminin mo. Meron pa. Sa dami lang ng problema kaya nasasabi mong wala na."

"Janine, ayos lang sana kung alam kong may kakapitan pa ko. Eh parang wala na. Kasi parang sumuko na siya."

"Paano mo ba nasasabi yan?" Tanong niya.

Napayuko ako. "Si Abra."

Bigla nalang akong nakarinig ng malakas na pagtawa. Nakita ko siya na mamatay matay na sa kakatawa. Nag joke ba ko? Bakit niya ko tinatawanan?

"Anong nangyayari sayo?"

"Hahahaha! Ikaw! Nakakatawa ka!"

Napakunot noo ako. "Ako?"

Tumango siya. "Eh paano naman kasi. Nagseselos ka lang kung ano ano ng pumapasok sa isip mo."

Napatayo ako.

"Ako? Nagseselos? Wag kang patawa, Janine! Hindi ako nagseselos. Never akong magseselos at kung magseselos ako sisiguraduhin kong hindi sa katulad niya!"

Nakatingin lang sakin si Janine.

"Hindi ka talaga nagseselos sa lagay na yan ah? Adik mo! Kesa sa nag dadrama ka dyan sa buhay mo, tawagan mo nalang kaya siya para naman gumaan na yang loob mo."

"Alam mo naman kung anong status namin at natin diba? Hindi pwede yang naiisip mo."

Tumayo siya. Tinapik niya ang balikat ko.

"Elmo, tingnan mo nalang. Tayo tayo lang ang nandito. Sila Enzo? Alam nila kung anong meron kayo. Ako? Alam ko kung sino talaga ang mahal mo! Wag mo ng isipin yung sinasabi ng ibang tao kasi ang mahalaga naman ay ikaw at siya."

Nginitian ko siya. Ginulo ko ang buhok niya.

"Pumasok ka na sa loob at magkabisado ng lines. Dito na muna ko."

"Sige sige. Basta tawagan mo na malay mo isang tawag mo lang, nandyan na siya."

"Anong pinagsasabi mo?"

Natawa siya. "Wala wala. Diba nga? I'll be there?"

"Ha?"

Naglakad siya palayo habang kumakanta.

"Call my name and I'll be there.."

Natawa nalang ako. Baliw talaga yang si Janine.

"Panget!"

Napatigil siya sa paglakad.

"Aba! Porket naka Ikay ako ngayon ginaganyan mo ko?"

Tumango ako. "Pagbigyan mo na ko"

"Whatever Dramaboy!! Haha!"

At tuluyan ng nawala si Janine. Umupo ako at sinalpak ang earphone sa tenga ko. Nagpatugtog ako ng kanta niya pero bago yun may tatawagan muna ko.

"Hello?"

Napangiti ako. "Hi baby."

"Kuya Elmo!!!!"

"Easy Jac. Haha. Kamusta ka?"

"Hmm. Okay naman po siya Kuya."

"Okay siya?"

"Yes. Hihihi. Kuya, later na tayo mag-usap ah? Love you! Bye!"

"Wait Jac san si ate..."

Tiningnan ko ang cellphone ko. Binabaan na niya ko? Napailing nalang ako. Pinikit ko ang mata ko.

I love you.

I love you.

I love you.

I love you.

"ARAY!"

Bigla akong napatayo. Napatingin ako sa harap ko.

"Julie?"

Tumayo siya. "Nakakainis ka naman! Kanina pa ko i love you ng i love you dinededma mo lang ako! Bwiset toh!"

Nakatulala lang ako sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yun.

"Ikaw nga!"

Niyakap ko si Julie ng mahigpit. Kumakalas siya pero hindi ko hinayaan na makawala siya.

"Ano ba Moe!" Sinamaan niya ko ng tingin.

Nakangiti lang ako sakanya.

"Julie! Ang saya saya ko. Nandito ka. Nandito ka sa harap ko."

"Pssh. Tinawagan ako ni Mayton. Ang sabi niya sakin, nag dadrama ka dyan. At lahat ng tao dito dinededma mo. Akala ko nga hindi totoo eh kanina pa ko salita ng salita wala talaga. Aba! Dedma nga!"

"Sorry na. Nakikinig ako ng music oh."

Napailing nalang siya. Nilambing ko siya para mabawasan ang pagkainis niya.

"Sorry na."

Tumingin siya sakin. "Bakit ba kasi? Ano bang problema mo?"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Eh kasi naman...totoo ba na ikaw at si..,"

"Si Abra?"

Tumango ako. "Oo."

"Baliw ka ba? Magkaibigan lang kami! Tsaka pupunta ba ko dito kung may ako at si Abra na?"

Napangiti ako. Tama nga si janine. Ako lang ang nag-iisip na wala na. Meron pa nga talaga. Meron pang kami. Meron pang JuliElmo. Nandito pa din. Nandito pa din sila.

"I love you."

"Ano?" Tanong niya.

"I love you."

I love you.

I love you.

I love you.

Hindi ko na alam kung ilang ulit ko sinasabi yan pero walang lumalabas da bibig ko kundi puro yan.

"Puro ka naman I love you eh. Nakakainis na! Palitan mo naman!"

"I love you so much?" Palitan ko daw eh.

Napailing siya at hinawakan niya ang pisngi ko sabay halik sa labi ko. Natulala nanaman ako.

"Wag puro salita, Moe. Gawin mo." Nakangiting sabi niya sakin.

Napangiti ako.

"Mahal talaga kita Julie Anne."

Hahalikan ko na siya..ipaparamdam ko sakanya yung sinasabi ko.

"KUYA ELMO!"

Napatingin ako sa tumatakbo.

"Jac?"

Nagpakarga sakin si Jac.

"Hi Kuya!"

Tumingin ako kay Julie.

"Sinama mo siya?"

Tumango siya. "Buong family. Set visit daw sa mahal nilang son in law. Haha!"

Napailing nalang ako at napangiti.

"The best."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now