"Indie"

8.9K 43 3
                                    

"Indie"

What the? Seryoso? Kausap ko ngayon si Elmo sa Facetime. Dito na nga lang kami nagkaka-usap tapos ito pa ang bubungad sakin?

"What? Elmo? Like seriously?"

Tumango siya. Kita ko ang pag-aalala niya sakanyang mata. Makikitaan mo din ito ng takot.

"Yes. Pero Baby, hindi pa naman talaga kami nagkakaroon ng formal meeting about this. Hindi ka ba masaya?"

Bahagya akong natawa. "Moe ano toh? Joke time? Naiintindihan mo ba yang tinatanong mo sakin? Ako? Masaya sa binalita mo? The F! Sorry pero hindi. Hindi ako masaya."

"Baby..intindihin mo naman please?"

"Lagi nalang ba ako ang iintindi? Ako? Hindi mo ba ko naiintindihan kung bakit hindi ako masaya dyan sa balita mo? Kung bakit ayoko na pumayag ka dyan sa project na yan? Moe naman..nasasaktan ako."

Napayuko siya. Alam ko na hindi din niya desisyon ang lahat ng ito. May desisyon din si Mommy Pia pero sa huli siya pa din ang masusunod. Masaya naman ako dahil kahit papaano iniisip niya ako. Kung ano ang desisyon ko dahil ako ang girlfriend niya.

"Just think about it, Julie. Importante sakin ang desisyon mo."

"I already said no. Bahala ka na kung ano ang magiging desisyon mo. Pakasaya ka."

At binabaan ko siya. Sorry pero masakit lang talaga. Kinuha ko ang cellphone ko kasama ng jacket ko. Sinuot ko yun bago lumabas. Papunta kami ngayon sa vietnam. Excited sana kaso kung ito ang bubungad sayo? Ayoko na.

"Nak? San ka pupunta?"

"Mag-iikot lang po."

"Teka, diba kausap mo si Elmo? Anong nangyari?"

Umiling lang ako. "Wala naman po. Sige po Ma." At umalis na ko.

Tumakbo ako. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Gusto ko makakita ng isang lugar kung san ko pwede ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko mapag-isa. Gusto ko umiyak. Kahit ngayon lang...kahit ngayon lang. Hindi ko akalain na lilinlangin ako ng aking mga mata. Tumutulo na pala ang luha ko.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Isang malakas na sigaw ang inilabas ko ng makarating ako sa deck ng barko. Masakit. Sobrang sakit eh. Kung pwede lang sana na kapag sumigaw ka mawawala na ang sakit na nararamdaman mo, siguro isisigaw ko ng isisigaw lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. Napaupo ako kakasigaw. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang aking mukha at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Ayos ka na ba?"

Inangat ko ang aking mukha.

"Ma?"

Umupo siya sa tabi ko. Nginitian niya ko.

"Sige lang nak. Kung talagang masakit iiyak mo lang. Nandito lang si Mama. Kapag ok ka na tsaka ka magkwento."

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Mama. Naramdaman ko na niyakap niya ko. Wala na akong nagawa. Umiyak na talaga ako. Ilang minuto din ang nakalipas bago ko iangat ang aking mukha. Tumingin ako sa dagat.

"Ma?"

"Hmm?"

"Selfish po ba ko?"

Naramdaman ko na tumingin sakin si Mama.

"Hindi. Ikaw nga yung taong mapagbigay. Kahit gusto mo ang isang bagay, hahayaan mo ang ibang tao ba makuha yung bagay na yun basta mapasaya mo lang sila."

Tumingin ako kay Mama.

"Pagdating po sa love? Tingin niyo po ba selfish ako? Selfish po ba ang hindi ko payagan ang boyfriend ko na magkaroon ng Indie film kahit alam kong makakatulong yun sa career niya? Selfish po ba yung ayokong pakinggan ang mga sasabihin niya? Selfish po ba ko Ma? Masyado na po ba akong possessive kay Moe?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon