"August"

5K 50 8
                                    

"August"

"Infairness naman. Bagay."

Tiningnan ko siya ng masama. Kakasabi ko lang na I love august parang gusto ko ng bawiin dahil sa nakita ko. Bwisit.

"Mas bagay ako sakanya."

Tumingin siya sakin. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Selos?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi noh. At wala naman akong karapatan kasi hindi naman kami."

Umalis ako. Iniwan ko siyang mag-isa. Nakakainis kasi. Kita mo na nga na badtrip yung tao, dadagdagan pa. Pumunta ako sa kusina at naghanda nalang ng kakainin. Magluluto nalang ako para mabawasan yung pagka badtrip ko.

"JC? Tss. Mas gwapo naman ako dun ah? Mas malakas naman ang appeal ko sa mga girls. Makasabi ng bagay sila akala mo bagay talaga. Tss. Para sabihin ko tao sila hindi sila bagay."

Busy ako sa paghiwa ng bigla ko nabitawan yun hawak kong kutsilyo.

"Wow. Ano yan? Tadtad na tadtad ah? Galit na galit lang?"

Inangat ko ang tingin ko. Mang-aasar nanaman ito.

"Ewan ko sayo. Bumalik ka na dun, panuorin mo siya."

"Sus. Dito nalang ako. Mas masaya dito oh. Makikita ko ang pagseselos mo."

Kumunot ang noo ko. "Nang-aasar ka ba talaga?"

Ngumisi siya. "Bakit? Naaasar ka na ba?"

Inirapan ko nalang siya. Ang lakas talaga mang-asar nito. Nag focus nalang ako sa pagluluto habang siya nakatingin sakin at nakangisi. Mapang-asar talaga siya. Kung alam ko lang na aasarin niya ko edi sana hindi ko na siya pinapunta dito.

"Matagal ka pa ba?"

"Gutom ka na?"

Umiling siya. "Hindi pa naman."

"Eh bakit ka nagtatanong eh hindi ka pa naman gutom."

"Ang sungit mo naman. Chill ka lang nagtatanong lang naman ako sayo."

"Malapit na toh."

Ilang sandali pa naluto na ang pagkain na kakainin namin. Tumingin ako sa kausap ko. Wala na siya dun. Napansin ko na nawala yung plato na hinanda ko dun. Siguro nag set na siya ng kakainan. Pumunta ako sa lugar kung nasaan ang dining. Nakita ko siya.

"Salamat naman tapos ka na."

Napabalik ako sa katinuan ng magsalita siya. Lumapit ako sakanya. Nilapag ko yung pagkain sa mesa.

"Kumain na tayo tapos ihahatid na kita. Wait kukuha lang ako ng tubig."

Bago pa man ako makaalis may yumakap na sa bewang ko. Naramdaman ko din ang napaka lambot na pisngi na nakasandal sa likod ko.

"Wag ka ng magalit.."

Hindi ako nagsalita.

"Wag ka ng magselos.."

Nakikinig lang ako sakanya.

"Oo. Aaminin ko na may itsura nga siya pero hindi ko siya gusto."

"Kung ganun, sino ang gusto mo?"

Inamoy niya ang likod ko. Nakiliti naman ako pero hindi ko na pinahalata.

"Ikaw. Sino pa ba? May iba pa ba akong dapat magustuhan?"

Dahan dahan kong tinggal ang pagkakayakap niya sa likod ko. Humarap ako sakanya. Naka ngiti siyang nakatingin sakin.

"Ako lang talaga?"

Tumango siya. "Ikaw lang talaga. Hindi mo naman kailangan magselos sakanya kasi mas lamang ka naman sa lahat eh. Ikaw pa ba? May papalit pa ba sayo?"

Napangiti nalang ako. Ang galing talaga niya magpakilig. Kahit babae siya yung kilig na nararamdaman ko sakanya napakalakas.

"Sabi mo kanina bagay kayo." Nag pout ako.

Umiling siya. Natawa siya sa pag pout ko.

"Niloloko lang kita. Nakakamiss lang kasi yung pagseselos mo eh. Ang cute cute mo kasi."

Tumingin ako sa iba. "Nakakasakit ka ng feelings. Nasaktan ako dun ah."

Humawak siya sa balikat ko at pinagdikit ang noo namin.

"Sorry na po, Elmo ko."

"......"

"Patawarin mo na po ako. Please? Hindi mo naman ako matitiis diba?"

Nagpapa cute siya sakin. Hayy. Totoo naman na cute ka kaya hindi kita matiis ng matagal.

"Oo na. Basta ako lang. Hindi ka pwedeng mainlove sa iba kasi akin ka. Akin ka lang."

"Oo na. Oo nga pala, bakit nag tweet ka ng i love august?"

Ngumiti ako ng wagas.

"JOS."

Napatango naman si Julie.

"Oo nga noh. Balik tayo sa farm?"

"Hindi na kailangan."

Napakunot noo siya. "Bakit? Ayaw mo bang balikan ang mga memories natin?"

"Hindi ko na kailangan pang bumalik sa farm kasi nasa harap ko na mismo yung nag-iisang farm na mahal na mahal ko."

Napahampas siya sa braso ko. Kinilig siya, pustahan.

"Haha. Sweet mo naman Elmo ko."

"Ganun talaga Julie ko. Dapat masanay ka na."

Tumahimik kami sandali. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Namiss ko siya. Mabuti nalang at pinapayagan siyang pumunta ni Tito Jonathan na pumunta at manatili sa condo ko.

"Basta Elmo ko, ang tatandaan mo kahit sino pa ang ipareha sakin walang tatalo sa Elmo Magalona ko. Ang nag-iisang Isko ng buhay ko."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ikaw lang din ang Iska ko."

Hinalikan ko siya sa labi. Mabilis lang.

"I love you." Sabay naming sabi.

Naupo kami at magsisimula ng kumain.

"Ano nga pala ang gagawin natin after this?"

Ngumiti ako sakanya. Ngiting may halong kalokohan.

"Nood tayo."

"Ng?"

"#Y." Ngumisi ako sakanya.

The next thing i knew, may tinapay na bumato sa mukha ko. Haha. Selosa.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon