"JuliElmo Fans"

3.1K 55 3
                                    

"JuliElmo Fans"

Paano ba nagkaroon ng JuliElmo Fans?

Nagkaroon ng JuliElmo fans, nung umusbong ang love team nina Julie Anne at Elmo.

"Pyramid. Oo tama. Naalala ko pa noon. Kumanta kami ni Elmo. First production namin together sa party pilipinas. Simpleng pagkanta lang yun at hindi namin inaasahan na makikilala ang love team namin." Sagot ni Julie.

May 30.

"Yan ang araw na ipinanganak ang JULIELMO. Yan din ang araw na lumitaw ang mga JuliElmo fans. Natatawa pa nga ako. Talagang pinagdikit nila ang pangalan namin ni Julie."

"Oo. Naalala ko pa nga yung araw na nakwento mo sakin yun. Ikaw pa talaga ang nagkwento ah? Haha. Dahil dun nagkaroon tayo ng maliit na convo. Infairness mahaba haba din yung pag-uusap natin. Pinag-usapan natin kung paano natin sila mapapasaya. Kung ano pa yung mga dapat natin gawin para hindi natin sila mabigo."

Nakakatawang alalahin yung mga panahon na yun. Masaya.

"Oo tama. Alam mo naman na techy ako diba? Nabasa ko lang yun sa twitter. Oo. Kung hindi naman dahil sakanila, hindi tayo mag-uusap ng ganun. Nahihiya pa kasi ako eh. Hindi ko alam kung paano ka iaapproach."

"Sira ka talaga."

Nakatingin lang ako sakanila. Ang saya nilang mag-usap. Chill lang.

Naparamdam niyo na ba sa fans niyo na mahalaga sila?

"Ako? Palagi ko naman na pinaparamdam sakanila na importante silang lahat sakin. Na utang ko sakanila kung ano ang meron ako ngayon. At sa tingin ko? Ramdam na ramdam naman nila. Haha."

Nakita ko na nag-iisip siya.

"Hmm. Ako? Hindi ko alam. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi showy eh. Pero diba ang sabi ko nga, action speaks louder than words. Sana kahit paano, naramdaman nila na mahalaga sila para sakin kahit na parati nalang sakit ng ulo, sakit ang nakikita nila ginagawa ko. Wala naman akong choice eh. Pinapagawa lang naman sakin yung mga bagay na ayoko. Ayan tuloy nasasaktan ko sila."

Hinawakan niya ang kamay nito. Tumingin siya sa mga mata niya. Nakita ko sa mga mata nila yun. Yung palagi nilang sinasabi sa isa't isa. Yung magic word nilang dalawa.

Everything's gonna be alright.

Ano ng nangyayari ngayon sa Fandom na nabuo ng JuliElmo. Hinawakan niya ang kamay ni Julie. Huminga siya ng malalim.

"Alam ko na kahit anong mangyari nandyan pa din sila. Sila yung fans na hindi magpapabuwag. They are the strongest fandom."

Tumango si Julie. Sumasang ayon siya sa sinabi ni Elmo.

"True. Hindi lang strongest. The best pa. Kasi kahit anong mangyari? Kahit anong problema? Matatag sila eh. Kilala ko sila sa pagiging matatag. Yung hindi nagpapaapekto sa mga wala namang kwentang bagay. Kung minsan sumusobra na sila sa mga nasasabi nila o sa mga nagagawa nila, alam namin ni Elmo na para rin sa amin yun. Alam namin na ginagawa nila ang lahat ng yun para sa aming dalawa. At sobrang natutuwa ako dahil dun."

Ngumiti si Elmo. May sasabihin siya.

"Minsan naiparamdam ko sakanila na hindi sila importante sakin. Inaamin ko yun. Pero ang hindi nila alam, ipinaglalaban ko din naman sila. Tulad ng kung paano ko ipinaglalaban si Julie."

Tumingin siya kay Julie. Nakatingin lang si Julie kay Elmo.

"Sa labanan na ito, may mga sakit na nararamdaman tayo. Hindi naman maiiwasan yun. Isa lang naman ang ipinapangako ko eh, magtiwala lang kayo dahil gagawa ako ng paraan para bumalik ang dati."

"At kung hindi na bumalik yung dating kami? Gagawa kami ng bago. Yung bagong JuliElmo." Sagot ni Julie.

Napangiti ako. Pareho kasi sila ng iniisip. Ang sweet nilang tingnan.

Kung may sasabihin sila sa Fandom nila. Ano kaya yun?

"Alam ko na naguguluhan kayo ngayon. Alam din namin na hindi niyo na alam kung ano pa ba ang status niyo ngayon. Kung kapit pa o bitaw na. Laban pa o suko na. Alam namin yun, pero sana isipin niyo, itong pinagdadaanan natin? Itong problema? Itong pansamantala naming paghihiwalay ni Julie? Sana maisip niyo na, mas malaki. Mas malakas. Mas matatag ang fandom natin."

"Mas matatag ang JuliElmo Fandom. Yun naman talaga ang totoo at sana wag mawala yun sa isip nila. Sana wag maging hadlang ang problema sa pagmamahal na meron sila para sa amin ni Elmo. Dahil ako? At siya?"

Ayan nanaman ang tinginan nila.

"Pareho kami lalaban para sakanila." Sabay pa talaga sila.

"Dahil.." Elmo.

"Mahal.." Julie.

"Na mahal.." Elmo.

"Namin sila."

Sabay nilang sabi. Wow destiny.

Alam ko sa mga nangyayari, pinanghihinaan na kayo ng loob. Ang dami na kaya nating pinagdadaanan. Roller coaster ride nga diba? Dapat makisabay lang tayo. Kapag bumitaw ka, alam ko naman na kakapit ka parin sakanila. Alam mo kung bakit? JuliElmo ka eh. Naaapektuhan ka kasi mahal mo sila. Nag rereact ka kasi miss mo na sila. Alam naman nating lahat yan eh. Basta isa lang ang alam nating lahat, hindi man totoo ang forever, tayong mga fans ang magpapatunay na meron nga nun. Ayun na eh. Malapit na nating maabot ang forever. Isa lang ang kailangan. Magtiwala ka sakanya. Kay God. Maniwala ka sa pinaniniwalaan mo. Ang JuliElmo.

Happy JuliElmo Day. :)

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now