"Your Man"

2.3K 62 4
                                    

"Your Man"

Nandito ako ngayon sa thanks giving party kasama ang pamilya ko at mga fans ko. Napapangiti nalang ako kasi ang saya saya lang nilang panuorin. Nakakatuwang isipin na sa simpleng salo salo lang mapapasaya ko na sila.

"Ate Julie?"

Tumingin ako kay Baby Jac.

"Yes baby?"

"Phone mo."

Tumingin ako sa cellphone ko. May tumatawag. Anong meron? Bakit siya tumatawag? Hindi ko muna sinagot at hinayaan yun. Ilang sandali pa tumunog nanaman yun pero text message lang. Nagulat ako sa text niya. Paano na ito?

"Ma? Saan po yung CR?"

Narinig kong tanong ni Joanna.

"Doon ata sa likod."

Sagot naman ni Ninang. Tumayo na sila at papunta na sa CR.

"Sama na po ako."

Tumayo na din ako at sumama sakanila. Dala dala ko ang cellphone ko. Nang makarating kami sa CR, iniwan ko muna sila. May daan dun palabas.

"Julie? Akala ko ba mag CR ka?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Oo nga po. Uhmm..wait lang po ah? May pupuntahan lang po ako."

"Saan naman? Baka pagkaguluhan ka dyan sa labas."

"Dyan lang po talaga promise."

Lumakad na ko at tumingin tingin sa paligid. Mabuti nalang at hindi gaano kaliwanag dito. Tama lang ang lights para hindi ka mapansin ng mga tao.

"That Man!"

"Your Man" biglang may nagsalita.

Halos mapasigaw ako ng hinila niya ko at dinala ako sa loob ng CR. Nang makapasok na kami agad ko siyang hinampas. Tinawanan lang niya ko.

"Ano bang ginagawa mo dito? Alam mo kapag may nakakita sayo ewan ko nalang talaga baka hindi na kita makita habangbuhay dahil ilalayo at itatago ka na ng Mommy mo sa bulsa niya."

Tumawa naman siya ng malakas. Nakakainis naman ito. Tawanan daw ba ko?

"Isa! Sige! Tumawa ka pa! Lalayasan kita dito!"

Bigla siyang tumahimik.

"Okay okay. Gusto lang kitang makita."

"Sus. Nag sunset sunset ka pa kanina. Ewan ko sayo Elmo Magalona!"

Ngumiti siya sakin. "Actually, wala naman talaga akong dahilan."

"Wala ka naman palang dahilan eh bakit pa tayo nag-uusap? Umalis ka na at baka may makakita pa sayo."

Akmang bubuksan ko na yung pinto ng biglang hinarang niya ang kamay niya sabay sinandal ako sa may pinto.

"Don't you dare." Seryoso niyang sabi.

Nakatingin lang ako sa mata niya. Nangungusap ito.

"Hindi ko naman kailangan ng dahilan para makita ka. Gusto ko lang. Basta gusto ko lang. Gustong gusto ko na makita ka, makausap ka, mayakap ka at maramdaman ka. Wala ng iba pang dahilan."

Napangiti naman ako.

"Totoo ba yan?"

Tumango naman siya. "Oo naman. Nakita na kita. Nakakausap."

Niyakap niya ko. Mahigpit na mahigpit. Halos maipit na ko sa pinto. Dikit na dikit na ang katawan ko sa katawan niya. Ang likod ko sa pintuan.

"Ngayon, nayakap naman na kita."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now