"Outerspace"

3.4K 49 2
                                    

"Outerspace"

"Moe?"

"Hmm?"

"Bakit kaya ang daming stars?"

"Hmm..para may ilaw tayo?"

Tumingin siya sakin. Nakita ko na tinakpan niya ang bibig niya.

"Bakit ka natatawa?" Tanong ko sakanya.

Napailing siya. "Yung sagot mo kasi..haha! Ilaw talaga?"

Tumango ako. "Oo naman. Bakit? Ano bang masama sa sagot ko?"

Umayos siya ng upo mula sa pagkakahiga niya sa dibdib ko.

"Bakit kasi ilaw? Anong connect eh hibdi naman ganun kaliwanag ang stars. Paano siya naging ilaw? Maniniwala sana ko kung moon ang sinagot mo."

Umupo ako at tumingin sa langit.

"For me, liwanag ang mga bituin. Nagbibigay kasi siya ng liwanag kaya siguro siya nag e-exist sa mundo natin."

"Ikaw talaga kung ano anong naiisip mo."

"Hmm..ikaw ba? Para sayo bakit nga ba nabuo ang mga stars?"

Tumingin siya sa langit.

"Hmm, siguro kaya ginawa ni God ang mga stars para pagandahin ang mundo natin."

"What do you mean?"

"Ano nalang ang mangyayari kung puro dilim lang ang makikita mo diba?"

Napangiti ako. "Nice naman."

Pinahiga niya ko ulit at humiga siya ulit sa dibdib ko.

"Congrats sa New show mo."

Napatingin ako sakanya. "Diba sabi ko wag muna nating pag-usapan?"

"Moe, hindi naman natin matatakasan ang katotohanan eh. May new show ka at yun ang totoo."

"Ayos lang ba sayo?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi kasi wala nanamang katapusan ang issues pero anong magagawa ko? Wala naman diba? Kailangan tanggapin ko."

"Sorry Julie.."

Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Moe, I trust you. Tayo lang forever diba?"

Tumango ako. "Tayo lang."

"Sapat na sakin yun. Yung malaman na akin ka lang. Hindi ko na papansinin ang mga promo niyo kasi alam ko akin ka lang."

Ngumiti ako sakanya at hinalilan siya sa noo.

"Mahal na mahal kita.."

Yumakap siya ng mahigpit.

"Mahal din kita moe.."

Tumahimik kami. Walang nagsasalita. Nakatingin ako sa langit. Ilang minuto din ang nakalipas at tumingin ako sakanya.

"Tulog na ang prinsesa ko.."

Dahan dahan kong inalis ang ulo niya sa dibdib ko. Umupo ako ng maayos.

"Alam ko kung bakit ginawa ni God ang mga bituin. Para ipakita sakin na kahit madilim ang daan ikaw ang magbibigay ng liwanag sakin para makita ko itong muli."

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Salamat sa pagbibigay mo ng liwanag sa madilim kong mundo. Naniniwala ako na darating yung araw na magsasama ulit tayo."

Nakatitig lang ako sa magandang star na binigay sakin ng Diyos.

"Tulog na siya ah?"

Ngumiti ako. "Puyat po siguro. Uuwi na rin po ako maya maya."

"Ikaw nalang ba o ako na ang maghahatid sa kwarto niya?"

"Ako nalang po."

Bahagya siyang natawa.

"Prinsesang prinsesa talaga siya pagdating sayo."

Tumango ako. "Oo naman po."

"Mahal mo talaga?"

"Mahal na mahal ko po siya Tito. Ipaglalaban ko kung anong meron kami. Hindi ako susuko."

Ngumiti siya sakin.

"Kung ganun, binibigyan kita ng blessing para ipagpatuloy toh. Basta wag lang siyang umiyak. Ayoko siyang nakikitang umiiyak."

"Hindi na po siya iiyak, Tito. Kasi nandito ako para punasan ang luha niya."

"Osige, aakyat na ko ah? Ikaw na bahala sakanya. Kung gusto mo dito ka nalang matulog."

Ngumiti ako. "Ayos lang po ako Tito. Uuwi din po ako kasi tumakas lang ako."

"Kaya ba dito nalang kayo nag date sa ibabaw ng kotse mo kasi hindi ka nakapag paalam?"

Tumango ako.

"Sige.."

Umalis na siya. Naiwan ulit kami ni Julie. Lumapit ako sakanya at bumulong. Matapos nun, hinalikan ko siya sa lips.

"Good night my star. Meet me in outerspace, I'll be waiting."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now