"Separation Anxiety"

11.2K 29 0
                                    

Separation anxiety disorder (SAD) is a psychological condition in which an individual experiences excessive anxiety regarding separation from home or from people to whom the individual has a STRONG EMOTIONAL ATTACHMENT.

Nilalaro ko ang kamay ng katabi ko ngayon. Ipinagtatapat ko ang palad ko sa palad niya, minsan hinahampas hampas ko ito. Ewan ko ba pero ang lambot talaga ng kamay niya. Nandito kami ngayon sa backstage nakaupo sa hagdanan, naghihintay na tawagin para mag perform para sa aming RedMask Medley. Tahimik lang siya samantalang ako eto nilalaro pa din ang kamay niya.

"Uiii, ok ka lang ba?" Sabi ko habang isinasandal ang ulo ko sa balikat niya. Tiningnan ko siya at nakita ko na tinitingnan ako ng dalawang magaganda niyang mata. "Moe...please answer me."

Ngumiti lang siya sakin. Pilit na ngiti. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko sabay halik dito.

"Let me."sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya dun pero hinayaan ko nalang, hindi ko naman makuhang magtanong. Maya maya nanahimik nanaman kami. Tapos bigla niyang itinapat ang tenga ko sa dibdib niya. Sapat para marinig ko ang tibok ng puso niya.

"For the very last time, kung san tayo nagsimula, kung san nabuo ang tandem natin, kung san nagkaroon ng di mapantayang pagkakaibigan at kung san nabuo ang di inaasahang pagmamahalan, hayaan mo ko na ipakita sa lahat kung sino na ngayon si Julie at Elmo."

Seryoso siya habang sinasabi niya yun. Hindi ko naman siya masagot kaya ngiti nalang ang naging sagot ko sakanya. Dumating ang oras na kailangan na naming pumunta sa stage. Ito na ang oras, hindi pa ito ang huli para sa JuliElmo, pero ito na ang last performance namin sa Party Pilipinas. Kung san nagsimula ang lahat. Nagsimula na kaming kumanta, binigay namin ang makakaya namin, seryoso kami kasi importante ito sa amin, may parte dun na kailangan naming umupo at ng mangyari yun ay agad niya akong inakbayan sabay hawak ng mahigpit sa aking kamay. Napansin siguro ng lahat na sobrang laki ng ngiti naming dalawa, lingid sa kaalaman ng iba pasimple niya akong hinalikan, hala! Ok lang nman kaso sa harap ng maraming tao? Sana isipin lang nila na kasama sa script yun kahit ang totoo hindi naman talaga. Nakita kaya yun sa TV? Bago kami tumayo habang hawak pa din niya ang kamay ko simple kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Humanda talaga tong mokong na toh sakin! Lagot kaya ako kay Papa sasabihin PDA kami. May spiel kami kasama si Janine at Alden, ayan nanaman panigurado maraming magagalit. Nang matapos ang pagtatanong kinausap niya ko.

"Julie, tara na." Sabi niya sakin. Hindi ko siya sinagot, sinamaan ko pa nga ng tingin eh. At tska kahit naman magsabay kami iiwan pa din niya ko may next prod kaya siya. Sumabay ako kay Alden, ayan nanaman may magagalit at yung iba matutuwa. Magkaibigan kami hanggang dun lang. Nauna kami tapos biglang tumakbo si Elmo sa harap namin. Hindi na niya ko nilingon. Nasa backstage kami ngayon.

"Away nanaman kayo?" Tanong ni Alden sakin.

"Hindi ko alam. Si Moe kasi eh...ay! Basta bahala siya."

"Bakit ? Ano ba ang nangyari?"

"Wag mo nalang alamin. Ako na ang bahala." Pilit akong ngumiti sakanya.

"Sabi mo eh." Ngumiti sakin si Alden. Kaibigan ko si Alden namin ni Moe. Ok naman kaming lahat. Ok nga ba? Minsan kasi napagtatalunan namin ito ni Moe. Natapos ang prod nila agad akong nilapitan ni Alden. Ako kasi yung mag spiel sakanya mamaya. Nakita naman ni Elmo yun tapos nilapitan niya kami.

"Julie."

Hindi ko siya kinakausap, sa tono kasi ng pagtawag niya sakin para siyang galit. Sure ako aawayin nanaman niya ko. Aba! May atraso pa kaya siya sakin sa ginawa niya kanina. Patuloy ko lang kinakausap si Alden, nagtatawanan kami tapos nandun lang siya hindi ko pa din pinapansin. Pinapanuod niya lang kami ni Alden. Maya maya tinawag si Alden edi naiwan kaming dalawa.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now