"Tunay na pag-ibig and True love"

11K 29 0
                                    

TUNAY NA PAG-IBIG.

"Bakit ka kasi pumayag? Ni hindi mo man lang sakin sinabi na may maynila kayong dalawa! Kakainis naman oh!!"

"Moses? Sinong kausap mo?"

"Mom?" nagulat ako kasi bigla nalang pumasok si Mommy sa kwarto ko.

"Bakit ang kalat nanaman dito sa kwarto mo? At sino naman ang nagsabi sayo na ihagis mo yung mga damit mo?"

Napakamot ako sa ulo. "Ako na po ang bahala dyan Mom."

"Aba! Ikaw na talaga ang bahala dyan at wag kang magpapatulong sa maids! Ikaw ang nagkalat niyan? Ikaw ang magligpit. Maliwanag Moses?"

"Yes Mom."

"Teka, sino ba yung kausap mo kanina? Bakit ka sumisigaw?"

"Wala po. Ako lang po dito."

"Oo alam kong ikaw lang ang nandito. Hmm, moses? Ano yang tinatago mo sa likod mo?"

"Po? Wala po Mommy"

"Ipapakita mo o ipapakita mo?"

"Tss. Ohh ito lang po yun Mom."

Natawa si Mommy nung nilabas ko yung nasa likod ko. Medyo nakaka asar yung tawa ni Mommy ah. Buti nalang talaga Mommy ko siya. Asar na nga yung tao aasarin ka pa.

"Mom?" seryoso kong sabi.

"Sorry anak, hahaha! Sorry sorry sorry. Hahaha! Natatawa lang talaga si Mommy. Hahaha!"

"Ano naman po ang nakakatawa Mom?"

Kinuha niya yung Elmo stuff toy.

"Ito ba yung kausap mo kanina? Hahaha! Wow face to face kayo ni Elmo the Muppet? Hahaha!"

"Mom naman eh."

"hahaha! Anak naman, kung kailangan mo ng kausap pwede naman ako bakit ito pa? Hahaha! Kapag nalaman ng mga fans mo yan ayy ewan ko nalang hahaha!"

Napaupo na ako. Sumasakit ang ulo ko kay Mommy nang aasar pa. "Mom, wala lang po yan nag papraktis lang po ako. Uhmm..new script. Oo. Tama."

"Wag mo nga akong pinagloloko Moses. Haha! Dito mo binubuhos yung init ng ulo mo? Kay Elmo the Muppet? Eh diba bigay sayo toh ni Julie?"

Napasimangot ako. Naalala ko nanaman yung Maynila nila ni Alden.

"Ohh i see. LQ? Again? Hahaha. Ikaw Moses! Lagi mo nalang inaaway si Julie."

"Excuse me Mom, hindi ko po siya inaaway. Siya pa nga po itong nang aapi sakin eh!" nag pout ako.

"Aber ano naman ang pang-aapi na ginawa sayo ni Julie?"

"May ..Maynila sila ni Alden!"

"Yun lang? Kaya ka nagkakaganyan dahil may Maynila sila ni Alden? Hahaha! Ang babaw Moses ha!"

"Mom, hindi niyo po kasi ako naiintindihan. Hindi niya sakin sinabi na may maynila sila. Siyempre, makaka damoves naman itong tisoy na ito! May mga kilig scenes dyan hindi naman mawawala yun. Oh diba Mom? Inaapi ako ni Julie! Ang saklap nun Mom! Ang saklap nun!."

"Magtigil ka nga Moses! Anong masaklap dun? Trabaho lang yun walang personalan. Ikaw masyado kang seloso kaya nag aaway kayo ni Julie eh kasi napaka seloso mo. Trabaho lang yun itatak mo nga sa ulo mo yan." At nilapag ni Mommy si Elmo the muppet sa kama ko. Bago siya lumabas nagsalita siya ulit.

"Moses?"

Tumingin ako sakanya.

"Wag mo masyadong kakausapin si Elmo the Muppet. Ikaw din baka magsalita yan. Inaaway mo kasi siya eh..pati na din yung nagbigay niyan sayo. Hahaha!" at tuluyan ng lumabas ang aking ina.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon