"Drugs"

1.4K 47 1
                                    


"Drugs"

Natatawa siyang humarap sakin.

"Relax ka lang kasi bro."

Napailing naman ako. "Hindi ko talaga matanggap tong nababasa ko sa script eh."

"Wag kang mag-alala wala namang feelings na involve eh."

"Alam ko naman yun. Di ko lang talaga..ewan ko ba. Seloso talaga ako."

Lumapit sakin si Jake at tinapik ako sa balikat.

"She's nervous."

Napakunot noo ako. "Ha?"

"She told me that. Nung nabasa namin yung script bigla siyang kinabahan. Tinanong ko siya at sinabi niya na hindi talaga siya sanay sa mga ganitong bagay."

Umupo siya sa tabi ko.

"Ilang beses siyang naglakad doon at dito para lang ikalma ang sarili niya. Sa palagay mo ba? Bakit ka ba niya pinapunta dito?"

Napaisip ako. Normally, kapag may ganitong eksena sa buhay namin na kailangan namin maging intimate sa partner namin eh hindi namin pinapapunta ang bawat isa sa location kasi ayaw namin ng stress at pressure. Sabi lang niya sakin dalawin ko naman daw siya.

"Dalawin ko lang daw siya."

"Naniwala ka?"

"Oo. Matagal ko na siyang hindi nadadalaw dito sa set ng buena."

"She needs you, Moe. Alam ko na kailangan ka niya sa oras na toh. Kinakabahan talaga siya maniwala ka sakin."

Kaya pala hindi niya sakin pinapakita yung script niya. May ganito palang set up. Bakit kaya? Sinasabi naman niya sakin dati eh. Pinapaalam niya sakin kaagad. Iniisip ko tuloy kung ginawa niya ito para pagselosin ako pero parang hindi naman. Lalo na sa sinasabi ni Jake ngayon na kinakabahan si Julie.

"Magagalit ka ba sakanya kung may ganitong eksena?"

Umiling ako. "Hindi naman ako magagalit kung sasabihin niya sakin ng mas maaga. Dati naman siyang nagpapaalam sakin eh. Ngayon lang hindi. Aaminin ko nakakaselos naman yang gagawin niyo pero trabaho lang naman ito."

Nag peace sign siya sakin.

"Wag kang magagalit sakin, Moe. I mean, isang karangalan naman ang ma kiss ang girlfriend mo pero tulad nga ng sabi ko girlfriend mo. Sayo si Julie hindi siya sakin at kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya. Alam mo naman na mag bro tayo."

Napangiti naman ako. At least safe naman ako sa mga nakakasama ni Julie. Binabantayan nila ito para sakin at kapag nag papasaway si Julie, sila din ang nagsusumbong sakin.

"Thank you Jake ah? Kasi inaalagaan mo si Julie para sakin."

"Oo naman. Tropa ko kayong dalawa eh. Kelan ba babalik ang JuliElmo?"

Ngumisi ako. "Eh kelan babalik ang JaBea?"

Natawa naman siya. "Ano ba yan! Naunahan na tayo ni Bieber! Balik na sila ni Selena tayo nalang hindi pa."

Tumayo naman ako. "Tss. Isipin mo nalang bro na kung ang JELENA nga nagbalik tayo pa kaya?"

"Tumpak!" At nakipag apir siya sakin.

Lumabas muna ko para makalanghap ng sariwang hangin. Nag ikot ikot ako ng mapahinto ako sa narinig ko. Nagtago ako sa likod ng tent. Nakita ko si Julie at Kylie na nag uusap.

"Anong meron sayo sis?"

Humawak si Julie sa puso niya.

"Kinakabahan kasi ako eh. Parang lalabas yung puso ko sa dibdib ko."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now