"One Call Away"

1.2K 55 0
                                    

"One Call Away"

Nasa garden ako ngayon. Iniisip ang mga nangyayari sakin. Bakit ba kailangan maranasan ko ang ganito? Bakit ako? Wala naman akong ginagawa ah. Trabaho lang naman ang ginagawa ko pero bakit ito ang binabalik sakin? Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Umiiyak na pala ako.

"Anak?"

Nakita ko si Mama at Papa. Kasama si Joanna at si Jac. Umupo sila sa tabi ko.

"Kung may magagawa lang sana kami para sayo. Kung pwede lang sanang pumatol na.." Sabi ni Papa.

"Pa, ginusto ko naman po itong trabahong ito. Parte na po ito ng showbiz."

"Parte nga ito ng showbiz world na ginagalawan mo anak pero hindi na tama ang ginagawa nila sayo. Kung dati pang babash lang ngayon may pananakit na." Sabi ni Mama.

Napayuko naman ako. Narinig ko na naiiyak na si Mama. Tiningnan ko siya.

"Ma.."

"Masakit sakin na makita ang anak ko na sinasaktan lang. Sinasabihan ng masasakit na salita. Masakit sakin yun kasi ina ako."

"Wala ng mas sasakit pa na makita mo ang anak mo na masabunutan at wala ka man lang magawa para ipagtanggol ito." Sabi ni Papa.

Sa lahat alam ko na si Papa ang pinaka nagtitimpi. Ayaw niya na sa mga nangyayari pero heto siya sinusuportahan parin ako.

"Ma, Pa, maaayos din po ito."

Tumahimik nalang kami. Si Jac tahimik na nakasandal kay Papa. Si Joanna naman may katext. Si Mama umiinom ng tea at si Papa, malalim ang iniisip. Nasasaktan ako na makita sila na nadadamay din. Na nasasaktan din. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumayo si Joanna.

"Nandyan na siya."

Napatingin naman kami sakanya.

"Sino Joanna?" Tanong ni Papa.

"Yung makakatulong po kay Ate."

Naglakad siya sa may gate. Lahat kami nakatingin sakanya. Binuksan niya ito at laking gulat ko kung sino ang taong nandun.

"Hi Joanna."

"Hi Kuya."

At niyakap ni Joanna ito. Tumingin naman siya samin at pilit na ngumiti. Bigla namang tumakbo si Jac at nagpakarga dito.

"Kuya! Ang tagal nating hindi nagkita ah?"

"Sorry baby. Busy si Kuya. Wag kang mag-alala papasyal kita sa friday."

"Yehey!"

Tumingin siya ulit samin.

"Good evening po, Tito..Tita."

Tumayo si Papa at lumapit sakanya. Niyakap naman niya ito.

"Salamat."

Ngumiti naman siya. "Nabalitaan ko po kasi ang nangyari tapos tinawagan po ako ni Joanna."

So si Joanna pala...

"Aminin mo sakin anak, iba siya sa lahat."

Napatingin ako kay Mama. Nakangiti siya sakin.

"Alam ko na mahal mo siya at hanggang ngayon siya parin ang mahal mo. Nakikita ko yun sa mga mata mo. Tuwing kakanta ka siya ang palagi mong iniisip. Alam ko yun anak at hindi kami magagalit ng Papa mo. Alam mo ba kung bakit?"

"Bakit po?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Dahil hanggang ngayon hindi parin niya sinusoli ang puso mo. Hawak parin niya ito at tama lang ang naging desisyon namin na wag ng hadlangan pa yun."

Tumingin ako kay Elmo. Tama naman lahat ng sinabi ni Mama. Siya pa din. Siya lang talaga eh. Lumapit siya samin ni Mama. Binaba niya si Jac mula sa pagkakakarga nito. Tumayo naman si Mama.

"Tita.."

Niyakap siya ni Mama. "Anak, sana ikaw parin. Sana ikaw nalang ulit ang partner ng anak ko. Mas panatag ang loob ko kung ikaw. Alam ko na hindi mo siya hahayaang masaktan."

Kumalas naman si Elmo.

"I'm still waiting, Tita..I promise you that all this effort of waiting will be worth it."

Napangiti naman si Mama. Niyaya muna siya ni Papa sa loob para naman makagawa ng dinner. Naiwan naman kaming dalawa. Umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta?"

Napatingin ako sakanya.

"Ito...nasabunutan.."

At pilit akong tumawa pero para akong naiiyak ng sabihin ko yun. Hindi siya umimik. Tumingin siya sa ibang direksyon. Napabuntong hininga ako.

"Sana ikaw nalang ulit..kasi..when i'm with you even if it hurts to be with you because i can't call you mine, still, you make me feel safe."

"From the very beginning, I'm yours Julie."

Napatingin ako sakanya.

"I'm yours. JuliElmo nga diba? Julie ni Elmo. Elmo ni Julie."

Tumingin siya sakin. "And I'm still yours.."

Napaiyak naman ako sa sinabi niya. I really love this man. The only man. My superman. Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako.

"You don't have any idea how much it hurts me to see my girl crying and suffering. Mas doble ang sakit sakin Julie."

"Moe.."

Hinalikan niya ko sa ulo.

"I'll protect you. You are my Julie remember?"

Tumango naman ako.

"I'm still weak..hindi ako macho."

Hinarap niya ko sakanya.

"Sometimes being the strongest is not enough to mold your personality. You need to be weak. You need to show them you're weak too. Tao ka lang Julie. Please be weak.."

Nagtataka ako sa sinasabi niya.

"And I'll hug you tight for you to be strong."

Ngumiti siya sakin. Hindi ko alam pero hinawakan ko ang mukha niya at nilapit agad sakin. Hinalikan ko siya. Ngumiti siya sakin matapos ang halik. Umakbay siya sakin habang sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Maya maya narinig ko siya..

I'm only one call away

I'll be there to save the day

Superman got nothing on me..

"I'm only one call away, Julie. One call away."

The End.


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon