"Queen"

2.2K 61 1
                                    

"Queen"

Halos maibato ko ang hawak kong magazine ng mapanuod ko ang prod niya kasama yung James. Tumayo ako at binato yung magazine sa sofa. Nagulat naman si Janine.

"Why?"

Nakakunot noo akong hindi pinansin si Janine. Lumabas ako ng dressing room. Nag-abang ako sa may backstage. Nang makita ko siyang naglalakad kasama yung James at inaalalayan pa siya mas kumunot ang noo ko. Parang gusto kong manuntok.

"Uhm..sige Juls."

Nauna na si James. Nagkatinginan kami pero agad siyang umiwas. Tumingin ulit ako kay Julie. Naglakad siya papalapit sakin.

"Moe.."

"Alam kong wala akong karapatan dahil hindi tayo magka-loveteam ngayon pero tingin ko naman alam niya na tayo. Sana dumistansya naman siya."

Lumakad ako at iniwan siya. Naiinis ako. Nagseselos. Sobra na eh. Gusto ko ng magbalik na kami. Huminto ako. Huminga ako ng malalim. Kahit na galit ako, mahal ko siya. Mahal ko parin siya. Lumingon ako sakanya. Naglakad papalapit sakanya. Nakayuko siya.

"Come with me."

Hinila ko siya at pumunta kami sa green room. Nang makapasok kami agad ko siyang hinalikan. Gumanti siya sa halik ko. Doon ko pinaramdam ang galit at selos na nararamdaman ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at napansin ko na basa ito. Minulat ko ang mata ko. Napatigil ako ng makita ko siyang lumuluha.

"Julie.."

Unti unti siyang yumuko. Unti unti naman akong napalayo.

"Mahal kita, Elmo. Yung ginawa niya kanina..nagulat din ako. Hindi ko inasahan na gagawin niya yun.."

Ano bang ginawa ko? Nasasaktan ko nanaman ba siya?

"Baby.."

Tumingin siya sakin. "Moe, mahal kita. Panghawakan mo naman yun. Hanggang ngayon naman naniniwala ako na tayo pa din hanggang dulo. Naniniwala ako dun pero sana naman maniwala ka din. Magtiwala ka sakin."

"Julie..nagtitiwala ako sayo.."

"Pero nagseselos ka. Pinapairal mo nanaman yung selos mo? Hanggang kelan Elmo? Ako nga pinapabayaan ko nalang kayo ni Janine eh. Hindi dahil wala akong pakialam pero dahil may tiwala ako sayo na ako lang ang mahal mo."

Umiiyak na siya. Gusto ko siyang hawakan pero parang napako ako.

"Moe..sign na ba ito na kailangan na natin tapusin ito? Kailangan na ba natin tanggapin ang paghihiwalay na ito?"

Lumabas siya sa Green room. Nasipa ko yung isa sa mga upuan dun. Ano nanaman ang ginawa ko? Sinaktan ko nanaman ang taong mahal ko at mahal ako. Ilang sandali pa lumabas na ko. Susundan ko siya. Hihingi ako ng sorry.

Pababa na ko ng biglang may nakita ako na nag-aabang sa may hagdanan. Si James.

"Elmo."

Nakakunot noo ako sakanya. Siya ang dahilan kung bakit ako nagselos.

"What?"

"Can we talk?"

Tumango ako. Nagpunta kami sa dressing room. Saktong walang tao.

"Ok, I'm sorry sa nagawa ko earlier. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi maganda kung bibigyan ko naman ng meaning yung kanta kaya ko ginawa yun. Maganda si Julie at aaminin ko crush ko siya dati pero hanggang dun lang yun. Friends lang kami. Kahit kelan hindi ko siya aagawin sayo dahil na sayo ang puso niya."

Tumango tango ako. "Ok dude. Pero sana naman kapag ganun magpaalam ka naman. Ayoko kasi na nagugulat ako dahil sobrang naiinis talaga ako. Mahal ko si Julie, sobra. Higit pa sa buhay ko."

"I'm so sorry." Sabi niya.

Lumapit ako sakanya. Nag offer ako ng shakehands.

"Basta sa susunod.."

Tumango siya at ngumiti sakin.

"Again, I'm sorry for stealing you queen today. I will keep in mind that you are her king."

Tapos na ang sunday all stars. Sure ako na galit siya. Inabangan ko siya sa may parking lot. Nakita ko na bumababa siya kasama si Frencheska. Nakita ko din na namamaga ang mata niya. Kaya siguro matagal kasi umiyak nanaman siya.

"Hoy Elmo!" Sigaw ni Maqui.

"Maq.."

Nakatingin ako kay Julie na blanko ang mukha.

"Inaway mo nanaman ang bestfriend ko. Pinaiyak mo nanaman."

"Sorry.."

"Wag ka sakin mag sorry."

Tumingin ako kay Julie. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan yun.

"Baby..sorry kanina. Nagselos lang naman ako. Mahal kasi talaga kita na natakot akong maagaw ka. Yung ginawa kasi niya nagawa ko na sayo. Gusto ko ako lang ang gagawa nun sayo."

Tumingin siya sakin. Si Maqui nakikinig lang.

"Sorry talaga. I don't want to lose my queen."

Unti unti siyang ngumiti.

"Pinaiyak mo ko.."

"Sorry."

"Pero ayos lang. Mahal pa din naman kita."

Niyakap ko na siya. Si Maqui nakiyakap na din.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayo."

Hinarap ko si Julie sakin.

"I love you my queen."

"I love you too my king. Sorry sa mga nasabi ko sayo kanina.."

Umiling naman ako. "Okay lang baby."

"JULIE!"

Tinatawag na siya. Hinalikan ko na siya sa labi at hinatid sa kotse niya.

"Hi po Tito."

"Hi din Iho. Mauna ka na nasa harap namin yung kotse mo."

Tumango naman ako. Magkakahilera kami nila Julie at Maqui.

"Baby..i'll see you later? Mag simba tayo ah?"

Tumango naman ako. "Yes baby. Ihahatid ko lang si Janine sa boyfriend niya. Magkikita kasi sila ngayon."

Ngumiti siya sakin. Binigyan niya ko ng flying kiss. Pumasok na ko sa loob ng kotse. Nang makalabas kami nakita namin ang fans namin na tuwang tuwa. Napailing nalang ako at natatawa.

"Ayan nanaman sila."

Tumingin ako kay Janine.

"Bakit ka nakasimangot?"

"Hindi kasi siya sumasagot! Bwiset!"

Natawa nalang ako. Tinext ko kaagad si Julie.

"I love you queen." - King

The End

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now