"Cruise"

8.9K 37 4
                                    

"Cruise"

*Tok tok tok*

Kahit ayoko pang bumangon ginawa ko para pagbuksan ang taong kumakatok sa labas. Binuksan ko ito..

"What the? Elmo?" Nagulat ako ng bigla niya akong itulak papasok ng kwarto.

"Help me." Sabi niya.

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Alam mo ba mung anong oras palang?"

Tumingin siya sa relos niya. "Oo. 3pm."

"Elmo, masarap matulog kaya please matulog ka muna at magpatulog ka muna."

Hihiga na sana ako sa kama ng bigla niyang hawakan ang balikat ko. Wala na. Ayaw talaga ako patulugin nito.

"Sige na please? Meron nalang akong 4 hours to prepare."

Kinuha ko yung jacket ko sa kama. Ano pa nga ba ang gagawin ko? Matulungan na para matahimik lang. Inlove yan hala pagbigyan.

"Oo na. Ano bang una nating gagawin ha?"

"Teka, nasaan sila ngayon?"

"Nasa ballroom."

Tumango siya. Napansin ko na naka backpack pala siya. Ang laki ah? Mag camping ata toh. Nilapag niya yung bag tapos binuksan ito. Kumuha siya ng mga papel at inabot sakin.

"Aanhin ko toh?"

Nginitian niya lang ako ng nakakaloko. Patay na. Papahirapan talaga ako ng lalaking ito. Nagsimula na siyang mag-ayos at ginawa ko na din ang pinapagawa niya kahit pa labag sa loob ko. Kitang kita ko ang determinasyon niya para mapasaya ang taong mahal niya. Halos dalawang oras kaming abalang ginagawa ang mga hinanda niyang surpresa.

"Tapos na ko. Ikaw ba?"

"Yup. Ihahanda ko na toh sa itaas."

"Teka? Sa pool?"

Tumango siya. "Kaya pala sarado yun. Wag mong sabihin sakin na nirentahan mo yun?"

"Oo. Naubos nga 1 year allowance ko dun eh pero ayos lang para sakanya naman eh."

"Grabe kang magmahal! NAPAKAMAHAL!" Sigaw ko sakanya.

"Tss. Basta ilagay mo nalang yan dyan sa bag tapos umakyat na tayo."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Umakyat kami. Patago pa nga dahil alam kong nag-iikot yung kasama namin ngayon dito sa cruise ship. Nang makarating kami dun kinuha niya sakin yung mga pinagawa niya at nagulat ako ng..

"Bakit mo tinapon?"

"Design yan."

"Ang hirap gumawa niyan tapos ilalaglag mo lang pala. Ano na ba ang sunod nating gagawin?"

Lumapit siya sakin at binigay ang isang cartolina. Binasa ko ito.

"May nakapagsabi na ba sayo na ang baduy mo?"

"Baduy ka dyan! Sweet kaya." Nag pout pa ang loko.

"Ewan ko sayo ang dami mong alam! Oh? Ano naman ang gusto mong gawin ko dito?"

"Lagay mo sa kwarto niya." Kumuha siya ng isang red rose sa lamesa.

"Tapos?"

"Mamaya bago siya pumasok sa kwarto idikit mo tong sticky note sa pinto para makita niya agad. Mga 7pm mo ilagay."

Tumango naman ako. "Ano ng gagawin mo?"

"Pinapa set up ko na toh sa mga crew ng barko so wala na kong masyadong gagawin dito sa taas pero sa kitchen meron."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now