"Punching Bag"

8.5K 36 4
                                    

"Punching bag"

"Kainis! Ahh! Ito bagay sayo! Ito pa isa! Isa pa!! Ahhhhh!"

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Julie.

Tumigil ako sa pagsuntok. "Ayos naman."

"Ano ba kasing nangyari at pinag-iinitan mo yang punching bag na yan? Nag-away ba kayo ni boyfie?"

Umiling ako at uminom muna ng tubig.

"Hindi ah."

"Tss. Eh bakit ka nagkakaganyan? May problema ba?"

Pinunasan ko ang pawis ko sabay bato sakanya. Ayan nanaman siya. Nagiging matanong nanaman. Hindi ko nga alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya eh.

"Tara! Workout pa!"

Lumapit siya sakin. "Alam mo ang ganda mo talagang kaibigan! Hindi mo man lang sinagot yung tanong ko."

"Dali na kasi wag ka ng matanong."

"Oo na! Bilisan lang natin dahil may pupuntahan pa ko."

"Ha? Saan naman?" Tanong ko sakanya kahit alam ko naman kung saan talaga siya pupunta.

"Sakanya. Ang arte naman kasi. May patampo tampo pang nalalaman."

Umupo siya sa gilid. Nakaramdam na din ako ng pagod at mukhang hindi ko na ata kakayanin pa magkaroon ng another round ng boxing. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit nanaman? Ano nanaman ang ginawa mo at nagtampo?"

"Nabasa kasi niya yung article."

"Ahh. Kaya naman pala. Totoo naman ba yung sinabi mo sa article ha?"

Tiningnan niya ko ng masama. Haha! Lakas ko lang magtanong eh alam ko naman ang pinagdadaanan nilang dalawa. Tinaasan ko lang siya ng kilay para kunwari hindi ako natatakot sakanya.

"Siyempre hindi noh! Alam mo naman na minahal at patuloy kong minamahal yung mokong na yun! Half naman ng sagot ko dun totoo at konti lang ang hindi totoo."

"Tulad ng ano? Yung friends kayo ni Janine at ok lang sayo, I mean tanggap mo ang love team nila?"

"Oo. Pero totoo naman yung magkaibigan kami noh. Hindi lang kami close. Yung tanggap? Never. Pinapakita ko lang sakanya at sa ibang tao na ok lang sakin yun pero hindi naman talaga. Ayoko kaya! Dahil dyan kung ano ano na ang nangyari sa amin noh!"

Natawa nalang ako. "Ang dami mong sinabi ang gusto mo lang naman iparating eh ang nagseselos ka."

"Tss. Hindi din."

"Wag ka nga. Kilala kita noh! Nagseselos ka! Ilang beses ng sinabi sayo na wag mag selos kaso selos ka pa din. Mahal mo talaga eh."

"Oo na! Eh ano naman kung nagseselos? Normal lang naman yun diba?"

"Oo tama ka. Normal kung may relasyon kayong dalawa eh wala? Anyare?"

Napanguso naman siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh. Starting over again kasi ang peg nila ngayon. Back to zero kahit mahal pa nila ang isa't isa.

"Basta! Wala akong pake. Selos na kung selos basta akin lang siya. Nanliligaw siya kaya umayos ayos siya noh!"

"Kung ako sayo sasagutin ko na siya, paarte effect ka pa kasing nalalaman! Mahal mo tapos nagpaligaw pa! At ito pa ang malala, nagpaligaw pero sasagutin din naman! Lokaret ka din talaga noh?"

"Ayy naku! Hayaan mo na siya! Basta gawin niya dapat ang lahat para makuha ang matamis kong oo."

Natatawa talaga ako sa kaibigan kong toh oh! Ang lakas lang ng sapak sa ulo.

JuliElmo One Shots (All in One)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα