"New Girl"

2.3K 55 2
                                    

"New Girl" 


Nagluluto ako ngayon ng breakfast. Actually, hindi naman kasi talaga ako ang nagluluto ng breakfast pero since ako lang ang nandito at nagugutom pa wala akong choice kundi ang pumunta sa kusina at magluto. Sana naman gumana ang cooking skills ko. 


"Paano nga yun.." 


Gusto ko kasi ng garlic friend rice at omelette. Gagawa din ako ng pancake. Dahil sa may pagka shunga ako, tinawagan ko si Mama. 


"Ma, paano po ba lutuin yung omelette at garlic fried rice?" 


"Naku, anak. Sabi ko naman kasi sayo manuod ka tuwing nagluluto ako, ayan tuloy hindi mo alam kung paano lutuin ang napaka simpleng putahe." 


"Mama naman eh..." 


Natawa naman siya sa kabilang linya. 


"Hintayin mo na kaya kami? Malapit na din naman kami eh." 


"No, Ma. I can handle this. Just tell me what to do." 


Sinabi niya kung paano ko lulutuin yun. Nag-aalinlangan pa nga si Mama dahil baka masunog ang bahay. Nag apron ako. Feeling chef ako today. Nagdidikdik ako ng bawang ng may bumusina. Pinagbuksan ko naman yun. Dumating na sila Mama. 


"Oh? Kamusta ang niluluto mo?" 


"Okay naman po Mama. Di pa ko nakapag start." 


Bigla kong narinig ang tawa ni Papa. 


"Mabuti hindi pa nasusunog yung bahay?" 


"Papa naman!" 


Niyakap niya ako. "Joke lang anak. Tara na sa loob?" 


Pumasok kami sa loob. Nasa may counter sila Papa at Mama habang pinapanuod ako sa may kusina. 


"Tulungan na kita?" 


"Wag na po Ma. Sabihin niyo lang po sakin kung tama po ang ginagawa ko." 


"Okay." 


Tumingin si Papa sa paligid. 


"Ang tahimik ah? Nasaan sila?" 


"Umalis po. Iniwan ako dito na natutulog." 


"Hmm. Tulog mantika ka naman kasi." Sabi ni Mama. 


Ohh Mama. Kung alam mo lang po kung bakit ako napupuyat at kung bakit tulog mantika ako. 


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon