"Awkward"

9.9K 17 0
                                    

"She’s Happy." Ang tanging nasabi ni Elmo habang pinagmamasdan mula sa malayo si Julie na ngayon ay kasama si Alden. Napatingin nalang sakanya ang kanyang kapatid na si Maxene. Naramdaman naman ng kapatid na may mabigat na dinadala si Elmo pero kailangan pa din niyang makasigurado kung tama nga ba ang kanyang hinala.

"Moe, are you okay?" tanong sakanya ng kapatid na si Maxene. Humarap si Elmo sakanyang kapatid at ngitian ito. Naramdaman ni Maxene ang pagkalungkot ng kapatid. Hindi si Elmo ang kaharap niya ngayon. Ibang tao ito. Hindi ito ang kilala niyang Elmo. "Smile Moe. Smile." yun nalang ang nasabi niya sa kapatid. Ayaw na niya dumagdag pa sa iniisip nito.

"Thanks Max" at tuluyan na muna niyang nilisan ang studio. Agad siyang nagpunta sa dressing room. Umupo siya sa harap ng salamin at nag cellphone. Tinitingnan ni Elmo ang mga larawan ni Julie sa cellphone niya. Napapangiti siya habang tinitingnan ang mga larawan nito. Stolen shots kasi at hindi alam ni Julie na may ganun siya sa cellphone ni Elmo. Nakaramdam nanaman ng pagka lungkot si Elmo ng maalala ang nakita niya kanina.

"Tok tok tok! Pwedeng pumasok?" tumingin siya sa may pintuan at nakita niya si Alden at Julie na nakatingin sakanya. Pilit siyang ngumiti para hindi makahalata yung dalawa.

"Bakit nandito ka Bro? Nag-iisa ka dito oh!" sabi ni Alden na ngayon ay nakaupo sa may harapan ni Elmo.

"Wala lang." yun lang ang tangi niyang naisagot. Nakatingin lang sakanya si Julie. Kilala niya ang dalaga. Sigurado siya na nag-iisip ito kung ano ang dahilan kung bakit ganun ang kinikilos niya. Kilalang kilala na siya ni Julie.

"Kape tayo?" sabi ni Alden.

"Talagang magkakape naman tayo eh..haha! tayo na yung next na kukunan ni Direk Mark para dun sa Nescafe" agad na sabi ni Julie.

"Ayy! Oo nga pala! kaya pala kami nandito kasi sinusundo ka namin. So ano tara na Moe?" pag-aya niya kay Alden.

"Susunod ako." At ngumiti siya. Ang plastik lang ng ngiti niya alam niya yun. Ayaw na muna niyang sumabay sa dalawa dahil nakakaramdam siya ng awa sa sarili. Para siyang kawawa kapag magkakasama silang tatlo. “Sige na, mauna na kayo. Sigurado ako hinahanap na kayo ni Direk Mark.”

"Ok, basta sumunod ka ha?" paalala ni Alden. “Tara na Japs”.

Nagulat si Elmo sa narinig. Kahit kelan hindi pa niya tinawag si Julie na Japs. Ganun na ba talaga sila ka close ni Alden? Parang gusto nalang niya maglaho sa mga oras na yun. Nagkatinginan sila ni Julie at nginitian lang siya ng dalaga. Ngumiti din siya pero bakas sa mata ang lungkot. “Sana hindi niya nahalata” sa isip ni Elmo.

"Tara na Alden" at niyaya na nga ni Julie na umalis sila ni Alden dun. Iniwan nila si Elmo na mag-isa.

"Kaya mo yan Moe! Kaya mo yan." yun ang sinasabi ni Elmo sa sarili niya kapag may problema siyang dinadala. Inayos niya ang kanyang buhok at ngumiti sa salamin. "Ang plastik lang ng ngiti mo". At umalis na siya sa dressing room para puntahan sila Julie. Nang makarating siya dun nakita nanaman niya na magkausap at magkatabi si Julie at Alden habang may hawak hawak na tasa. Kitang kita at dinig na dinig niya ang tawanan ng dalawa. Lumapit siya at nagtumingin naman sakanya ang dalawa.

"Tagal mo Bro! ito oh..kape." inabutan ng tasa ng kape ni Alden si Elmo. Umupo si Elmo sa tabi ni Alden. Ang totoo may bakanteng upuan sa tabi ni Julie pero imbis na dun siya umupo dun nalang siya sa tabi ni Alden.

"Salamat"

"So ayun na nga Julie…yung story kasi nun ano…." nagkukwento si Alden kay Julie. At napapangiti nalang ang dalaga. "Ikaw Moe? Alam mo ba yun? yung movie?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon