"Mickey Mouse"

1.2K 49 0
                                    


"Mickey Mouse"

"What? Elmo? Nahihibang ka na ba?"

Napatawa ako sa naging reaksyon niya. Kasalukuyan kaming nandito sa GMA. May rehearsal kasi para sa SPS. Dito na kami nagkita after niya sa school.

"Moe, wag mo kong tawanan."

Tumigil ako sa pagtawa ko.

"Yes. Seryoso ako."

"Pero.."

"Wala ng pero pero. Naka ready na ang lahat."

Napailing nalang siya sakin.

"Hindi ko talaga alam kung anong trip mo."

Ngumiti ako. Lumakad na siya papunta sa mga kasama niya. Umupo muna ko sa loob ng dressing room. Hindi niya inaasahan na pupunta kami sa Disney Land. Kailangan kasi namin mag relax. Tska wala namang makakaalam na umalis kami na magkasama. Magagawan naman ng paraan. Ilang oras pa ko naghintay hanggang pumasok na siya.

"Are you done?"

"Are you sure?"

Tumayo ako. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa noo.

"If you're asking me if I want to spend some quality time with you? Yes, Julie. Definitely, yes."

Napabuntong hininga siya at tska tumango. Kinuha ko na ang gamit niya. Bumaba na kami sa parking at nandun na ang kotse ko. Nandun na din ang gamit niya. Nauna na sila Tita doon. Isang oras lang naman ang byahe. Gusto lang namin mag relax, gusto ko makalimutan muna niya ang mga nangyayari sakanya dito.

"I heard nasa sunday pinasaya daw si ano..si..sino nga ulit yun?"

"Si Maine?"

Tumango ako. "For sure madaming fans na darating, ayos ka lang na doon? Hindi kaya kuyugin ka ng mga fans nila?"

"Wala naman akong ginagawa. Hinahayaan ko nalang sila."

Umiling ako. "No, kakausapin ko si Alden."

"For what?"

"Sasabihin ko sakanya na kapag may nangyari sayong masama, babalik ako at papatayin sila."

"Moe!"

Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha ko kaya mukha namang napaniwala siya. Ayaw na ayaw niyang nagagalit ako dahil masama akong magalit. Takot siya kapag galit ako.

"Moe.."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"If ever lang naman. Ayokong may mangyari sayong masama, Julie."

"At ayokong may mangyari din sayong masama, Moe. Alam mo naman na kakalipat mo palang sa ABS. Ayoko na madawit ka sa gulo na meron ako."

"Ito ang tatandaan mo, gulo mo, gulo ko din. Laban mo, laban ko din. Pareho tayong lalaban."

Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Thank you, Moe. Thank you for being here with me."

"Wala yun. Mahal kaya kita."

"At mahal din kita."

Tumingin siya sakin. "Teka, bakit nga ba naisipan mo na umalis tayo? Agad agad?"

Ngumiti ako. "Gusto ko kasi na alisin muna sa isip mo ang problema natin. Chill muna tayo. Huminga muna tayo."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "Oo naman. Wag mo ding alalahanin si Mommy, okay naman siya sa plano ko. Tska naging good boy naman ako this past few days."

Ngumiti siya. "Oo nga eh. Alam mo ba na pinanuod ko yung ASAP mo? Pina videohan ko kay Mama. Ang galing mo talaga. Kantahin mo nga ulit."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now