"Beng"

9.7K 23 0
                                    

"Beng"

Walangya ka Magalona! Nagkasakit lang ako nambabae ka na?

Beng. Beng. Beng.

Hindi ka man lang tumawag! Kaya naman pala dahil kasama mo nanaman siya!

Beng. Beng. Beng.

Kung makakapit nanaman siya sayo! Parang linta! Bwiseeeeet!

Beng. Beng. Beng.

"Julie?"

Beng. Beng. Beng.

"Juls."

"Aaaaaaah! Nakakainis ka Magalonaaaaaaa!"

Beng. Beng. Beng

"Japs!"

Napahinto ako.

"Maqui?"

"Kanina pa kita tinatawag. Ano bang nangyayari sayo? Ano nanaman ang nagawa sayo ni Magalona?"

Binaba ko yung baril.

"Wala."

"Maniwala ko sayo. Ano nga? Pinapunta mo ko dito tapos hindi ka magkukwento."

Kinuha ko yung tubig. "Ehh! Kasi naman kasama nanaman niya si.."

"Si I-Know-who"

Tumango ako.

"Juls, natural lang na kasama niya yun eh birthday ng kapatid niya tapos bestfriend yun ng mga Ate niya."

"Naiintindihan ko naman eh. Ang sakin lang hindi siya tumawag o nagtext man lang."

"Praning ka talaga kay Magalona. Goodboy yun."

Napatingin ako sakanya. "Sus! Ang sabihin mo nag-enjoy siya dun kasi kasama nanaman niya si You-know-who"

"Tss. Maniwala ka sakin..goodboy yun."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo naman nasabi?"

Ngumiti sakin si Maqui. Ano naman kaya ang ibig sabihin nitong babaeng toh?

"Elmo!"

"Maq!" Nagbeso siya dito.

"Buti nakapunta ka."

Tumango naman si Maqui. "Oo naman. Kaibigan ko naman yang kapatid mo eh."

Natawa si Elmo. "Muling ibalik ang tamis ng.."

"Bibigwasan kita!" Sabi ni Maqui.

Nag peace sign si Elmo. "Joke lang. Pareho talaga kayo ni Julie. Ang bayolente."

"Tse! Oo nga pala, bakit di mo dinala dito si Julie?"

"May sakit siya diba? Ang tigas naman kasi ng ulo ng bestfriend mo."

"Sus. Pag sabihan mo kasi! Alam mo naman na sayo lang nakikinig yun eh."

Umiling si Elmo. "Hindi din. Pag pinagsasabihan ko binubugbog ako."

Natawa naman si Maqui. "Ikaw kasi eh. Sino ba namang lalaki ang papayag na mas macho ang girlfriend niya kesa sakanya?"

"Ako. Ako lang yun. Wala eh..mahal ko kaya payag akong mas macho siya sakin."

"Mahal na mahal mo talaga noh?"

"Oo naman."

At natawa silang dalawa.

"Elmo." Napahinto ng pagtawa si Elmo at Maqui.

"Lo."

"Hello. San mga Ate mo? Oh..hi French."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now