"One Team"

1.1K 45 0
                                    

"One Team"

Nandito ako ngayon sa labas ng classroom na gagamitin para sa defense namin. Nakaupo ako at parang kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong iisipin at dapat kong gawin. Para akong isang bata na takot matakot sa recitation dahil baka mali ang maisagot.

"Julie."

Napatingin ako kay Sir Glenn.

"Ready ka na? Pang last ka ah?"

Huminga ako ng malalim bago siya bigyan ng isang maliit na ngiti.

"Yes, Sir."

"Goodluck. Alam kong makakaya mo yan."

Tumango naman ako. Pumasok na siya sa loob kasi nakasalang na ang pang unang grupo. Ako lang mag isa kaya doble ang kaba ko. Tiningnan ko ang laptop ko at sinuri maiigi kung tama ba ang lahat ng ginawa ko o kung may kulang pa.

"Okay, tama naman. Woooh."

Uminom ako ng tubig. Hindi talaga nawawala ang kaba ko. Tumayo ako at naglakad lakad.

"Gahh. Yung puso ko talaga."

Sa kakalakad ko hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko.

"Ay, Sorry po."

Inangat ko ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya dito. Tumingin ako sa paligid. Hindi naman ganun kadami ang tao. Kinusot ko ang mata ko baka nananaginip lang ako. Pero wala, nandito pa din siya.

"M..Moe?"

Ngumiti lang siya sakin. Lumapit siya at kinuha ang kamay ko. Maglalakad na sana kami palayo ng pigilan ko siya.

"Wait..may defense ako."

Tulad kanina ngumiti lang siya ulit.

"We have time, come.."

Hindi na ko nakapalag pa at sumama na sakanya. Tumingin ako sa daan na tinatahak namin. Daan ito papunta sa simbahan. Nang makapasok kami sa loob agad kaming umupo.

"M...Moe? Anong ginagawa mo dito?"

"Pray tayo."

"H..Ha?"

Napailing nalang siya habang natatawa. Lumuhod siya at nagsimulang magdasal. Napatingin ako sa altar at sakanya. Sumunod ako at lumuhod na din. Pinikit ko ang mata ko at nagdasal na sana maging maganda ang resulta ng defense ko. Sumulyap ako katabi ko. Nakapikit lang siya. Ano kayang dinarasal niya?

"Tapos ka na ba magdasal?"

Sabi niya habang nakapikit pa din.

"Uhm..Oo."

Tumingin siya sakin. Umupo kaming pareho.

"Kinakabahan ka?"

"Hindi naman mawawala yun. Teka, ano nga ba ang ginagawa mo dito?"

"Sinusuportahan ka."

Natahimik ako.

"Alam ko kasi kung gaano mo binuhos ang lahat ng pagod mo sa ginagawa mong thesis. Nakita ko yun. Ngayon palang gusto ko ng sabihin sayo na proud ako sayo."

Ngumiti siya sakin. May kung anong kaba akong naramdaman sa puso ko. Iba ito sa kaba na nararamdaman ko kanina. Pamilyar ang kaba na ito. Ito yung kaba na sakanya ko lang nararamdaman. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"I'm with you. Kaya mo yan, Julie."

"M..Moe.."

Hawak kamay niya kong hinatid sa pinto kung saan ako magdedefense. Hindi ko namalayan na ako na ang susunod. Na tapos na lahat ng kasama ko. Tiningnan ko siya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now