"YOLO"

6.3K 42 2
                                    

"YOLO"

Missing somebody?

Call.

"Namimiss ko na siya.."

Tumingin sakin si Maqui. Ngayon nalang ulit kami nagkita. Dumalaw siya ngayon dito sa bahay. Nandito kami ngayon sa kwarto. Nakahiga ako sa kama habang siya naman nanunuod ng movies.

"Then call him.."

Niyakap ko yung unan ko. "Ehhhh. Baka hindi niya ko sagutin."

"Nasubukan mo na ba? Try mo lang wala namang mawawala sayo eh."

"Hmm. Sure ka? Alam mo naman Maq..yung nangyari diba? Yung article!"

Tumingin sakin si Maqui. "Pinagtanggol mo lang naman ang sarili mo. Walang masama dun tsaka nakakasawa nga naman na paulit ulit ka nalang sumasagot sa issue na wala ka namang kinalaman."

"Baka kasi galit siya sakin.."

"Bakit naman? Alam mo kung tinatawagan mo na siya ngayon edi sana hindi na humahaba pa ang usapan natin at hindi mo iniistorbo ang panunuod ko kaya go na! Tawagan mo na siya."

Kinuha ko ang cellphone ko. Napangiti ako ng makita ang wallpaper ko. Siya kasi yun. Naka-pout pa nga siya. Miss ko na siya. Sobra. Ilang araw na din kaming hindi nakakapag-usap kasi busy ako tapos yun nangyari pa nung isanh araw. Alam ko nabasa na niya yun. Nag viber ako sakanya tapos lumabas yung seen pero hindi siya nag reply. Tawagan na ba kita? Gustong gusto na kitang makita eh.

Wanna meet up?

Invite.

"Ano na? Natawagan mo na?" Tanong sakin ni Maqui.

Umiling naman ako. "Hindi pa eh. Hindi ko din naman kasi alam kung anong sasabihin ko sakanya."

"Ang labo mo talaga kahit kelan San Jose! Edi sabihin mo, Magalona! Miss na kita! Ang dali lang diba?"

"Eeeeh. Maq, naman eh. Hmm..yayain ko kaya siyang mag dinner? What do you think? Is it a good idea or bad idea?"

"Sus. Gusto mo lanh bumawi sakanya kaya mo yayayain mag date. Oo na! Magandang idea yan. Push mo! Pero paano mo ipupush eh ang tawagan nga hindi mo magawa eh."

Napakamot naman ako sa ulo ko. Tama si Maqui. Nakakainis naman kasi bakit ba ako nagkakaganito?

"Viber ko nalang siya. Bahala na kung ano ang mangyari. Makita man niya o hindi at least ng effort ako na magsabi na magkita kami."

(Hey stranger! You want to meet up? Missing you so badly.

Sent!

Nilapag ko yung phone ko sa tabi ko. Hinintay ko na mag reply siya pero wala. Lumipas ang ilang minuto pero wala pa din.

"Eeeeeeeeeeh!" Nagpapadyak na ko.

"Oh? Ano nanaman yang problema mo?" Tanong ni Maqui.

"Hindi siya nag rereply eh. Maq, tingin mo galit siya sakin? Dahil ba dun sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na nagsasawa na ko sumagot about dun sa alam mo na eh. Masama ba yung ginawa ko? Kasalanan na ba yun?"

Naiiyak na ko. Oo alam ko naman na hindi ko dapat sinabi yun pero nagsasawa na nga ako. Hindi ba niya ko naiintindihan?

Wanna be understood?

Explain.

"Try mo kayang mag explain sakanya. Alam mo wala namang mawawala kung magpapaliwanag ka diba? Malay mo nagulat siya sa naging sagot mo."

"Maq..."

Lumapit sakin si Maqui. Umupo siya sa tabi ko.

"Alam mo, wala ka namang kasalanan eh. Tama naman yung ginawa mo. Ang akin lang, try mo munang magpaliwanag sakanya."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now