"Happy Pill"

1.3K 46 0
                                    


"Happy Pill"

Napakunot noo ako ng makatanggap ako ng text pero agad naman akong napangiti mg malaman ko kung kanino galing yun.

"Kuya naman! Akala ko ba brothership tayo ngayon eh may katext ka nanaman eh."

Natawa naman ako kay Arkin. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Cute mo Ark!"

"Tss. Sino bang katext mo? Si Ate Julie noh?"

Ngumisi naman ako. Tinuloy ko naman ang paglalaro namin ng play station.

"Sabi na eh. Akala ko ba nagtatampo ka kay Ate Julie?"

"Oo nga."

"Eh bakit nagtext lang sayo bumalik nanaman yang ngiti sa labi mo?"

"Mahal ko eh."

Napailing nalang siya. Tumingin siya sakin. Binaba niya ang hawak niyang controller.

"Di nga halata Kuya eh. Gamitin mo ba naman ang twitter ko para mapakita sakanya na mahal mo siya. Dinamay mo pa twitter ko. Baka sabihin ng makakabasa nun inlove ako."

Natawa naman ako. Ginamit ko kasi ang twitter niya kanina. Natalo kasi siya sa bet namin kanina. Nanalo ako sa first game namin sa play station. Inaamin ko, nagtatampo kasi ako kay Julie. Ilang weeks na niya kong hindi pinapansin kasi gumagawa siya ng thesis. Nakakaselos. Kilala niyo naman ako diba? Seloso ako.

"Okay lang yun, Ark. Alangan naman gamitin ko ang twitter ko edi nagkagulo na? Buti sana kung dahil sa kilig eh paano kung ma bash nanaman siya?"

"Haynaku. Oo na. Pero alam mo Kuya? Bilib ako sainyo ni Ate Julie. Nakakaya niyo ito noh?"

"Matatag kasi kami, Ark."

Ngumisi siya. "Ang love niyo ba ni Ate Julie eh pang tamang panahon?"

Natawa naman ako. Binatukan ko siya.

"Hindi samin yun."

"Eh ano ba sainyo ni Ate Julie? Love can wait?"

Umiling ako. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Ngumiti ako sakanya.

"Worth the wait."

"Huh?"

"Maiintindihan mo din yun Ark kapag nainlove ka na. Pero hindi ko sinasabi na pormahan mo si Joanna. Tigilan mo."

Namula naman siya. Natawa nalang ako.

"Dun ka na nga kay Ate Julie!"

"Love you bro!"

At umakyat na ko sa taas para makapag ayos. Nagbihis ako. Simple lang. White shorts, blue rubber shoes, and blue sando lang ang suot ko. Nag cap din ako. Ang swag ko naman dito. At least gwapo. Natawa ako sa naisip ko. Umalis na ko sa condo. Maya maya nakarating na ko sa resto na sinabi niya sa text. Nakita ko siya doon na hawak ang isang libro. Sigurado ako para sa thesis nanaman niya yan.

"Kanina ka pa?"

Halatang nagulat siya sakin. Umupo ako sa may harap niya.

"Nakakagulat ka naman."

"Kanina ka pa dito? Bakit hindi ka pa umoorder?"

"Hmm. Hindi naman. Kakarating ko lang din mga 10 minutes ago. Inaantay kita eh."

Napangiti naman ako. Tiningnan ko naman ang libro na hawak niya. Napansin naman niya yun. Agad niya yung tinago.

"Order na tayo?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now