"PEPS"

9.1K 34 2
                                    

"PEPS"

Nagkaroon kami ng pagkakataon para makausap ang young actress at host na si Janine Gutierrez. Bumisita ang aming team sa taping ng Villa Quintana.

How are you Janine?

"Ok lang po ako." Nakangiting sagot sa amin ng young actress.

Kamusta naman ang first leading role mo as Lynette? Narinig namin na maganda ang takbo ng istorya kaya napag-usapan na i-extend ang nasabing show?

Ngumiti ulit ako dalaga bago niya kami sagutin. "Ok lang naman po. Masaya. Natutuwa po ako na maraming sumusuporta sa Villa Quintana. Sa pag-extend naman po ng show pinag-uusapan parin po yan."

May nababalita na binabash ka ng mga fans ni Julie at Elmo. Ano naman ang masasabi mo tungkol dito?

"Wala naman po akong magagawa kasi opinyon naman nila yan. Malaki po ang respeto ko sa mga fans ni Julie at Elmo dahil kahit na hindi magkasama ang iniidolo nila nandyan parin sila para kay Julie at Elmo."

Ano naman ang ginagawa mo kapag binabash ka nila?

"Hindi ko nalang po pinapansin. Hinahayaan ko nalang po na i-express nila yung nararamdaman nila."

Host ka ngayon sa Sunday All Stars hindi ba nagkakaroon ng alitan sainyo ni Julie Anne?

Umiling siya sa amin habang natatawa. "Wala po. Wala pong alitan samin ni Julie. Ok lang po kami."

Kamusta naman kayo ni Elmo? Sweet ba siya sayo?

"Ok naman po. Sweet? Opo sweet naman po siya sa lahat ng tao."

Ano bang status niyong dalawa ni Elmo? Lumalabas daw kayo?

"Friends lang po kami. Masaya po siyang katrabaho. Lumalabas? Minsan naman po kapag may oras."

Kapag nanligaw ba sayo si Elmo may pag-asa ba siya sayo?

Natawa naman ang dalaga. "Hindi ko po alam basta ngayon po work lang po talaga kami."

May masasabi ka ba sa mga fans niyo?

"Maraming salamat dahil patuloy niyo kaming sinusuportahan. Wag sana kayong mag-sawa." Pagtatapos ng dalaga sa amin.

Maganda naman ang pag-uusap namin kasama ang young actress. Marami pa sana kaming itatanong sakanya kaso kailangan na siya sa set. Naglakad lakad muna ko para makita ang set ng Villa Quintana.

"Saan ka pupunta?" Puna sakin ng guard.

"CR sama ka?" Natahimik siya. Naiihi naman kasi ako. Hinanap ko ang CR ng may marinig ako. Sa Tent yun.

"Kamusta ang SG?" Boses ng lalaki.

"Ok lang naman. Maganda naman pero mas gaganda sana kung nandito ka." Sabi ng babae.

"Mas maganda kung nandyan ako eh ayaw mo nga ako magpa book ng flight papunta dyan."

"Eh diba may taping ka ng Villa? Ikaw talaga oh. Sa Holy week alis tayo."

Tumawa yung lalaki. "Date ba yan?"

"Yup. Idadate ko ang boyfriend ko para hindi nagtatampo."

"Sige. Promise yan ah?"

"Promise."

"Miss na kita. Balik ka na dito please?"

"Tiis tiis lang baby."

Gusto ko talagang malaman kung sino ang nag-uusap na ito. Sisilip na sana ako ng mapansin ko si Janine na pumasok sa loob ng tent. Buti hindi ako nakita.

"Hi Janine!"

"Hello!!! Kamusta SG? Pasalubong ah?" Sabi ni Janine.

"Ok lang. Sige sige basta alagaan ml ang baby ko ah? Hindi ba makulit yan sa set?"

Narinig ko na tumawa si Janine. "Halatang halata na miss ka na niya kasi lagi yang nag-eemo tapos alam mo ba balak niyan mag bar nag-aya kasi si Sef."

"Ui hindi ah!" Protesta naman nung lalaki.

"Oo kaya."

"Wag kang maniwala baby."

"Elmo Moses!" Sigaw nung babae. Si Elmo pala yung lalaki.

"Promise po goodboy ako."

"Siguraduhin mo lang. Ikaw ah? Porket wala ako dyan.,"

"Opo baby. Sige pahinga ka na."

"Ok. Janine yung baby ko ah?"

"Ok ok! Ako bahala. Ingat ka dyan."

Naiihi na ko. Gusto ko malaman kung sino yung babae na kausap ni Elmo.

"Love you."

"Bye! I love you too."

Tahimik na. Ano ba yan hindi ko man lang nalaman kung sino yung babae. Pero ayon sa pagkakarinig ko nasa Singapore yung babae. Sino ba ang nasa bansang yun ngayon?

Wait.. Hindi kaya si..

"Julie!"

Napahawak ako sa bibig ko. Si Julie Anne San Jose. Diba nasa Singapore siya? So siya yun?

"Kakatapos mo lang makausap si Julie miss mo na agad?"

"Siyempre naman. Hay. Miss na miss ko na talaga ang girlfriend ko. Puntahan ko kaya dun?"

"For real?"

"Oo! Miss ko na eh. Sandali tatawag ako kay Saab papatulong ako magpa book ng flight."

SCOOP toh! Si Julie at Elmo may relasyon? So ibig sabihin promotion lang si Janine at Elmo? Malaking balita ito.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Akala ko ba mag CR ka?"

Hala. Anong sasabihin ko? Napatingin ako sa gilid ko. Si Elmo nakatingin sakin at may hawak na cellphone. Gulat ang nakita ko sa mukha niya. Naramdaman ko na lumapit sakin yung guard. Kinakabahan ako. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko tsaka bumulong..

"Ang laki mo na pero naiihi ka pa sa pantalon mo. Try mo mag pampers minsan."

Tumingin ako sa pantalon ko. Basa. Dahil siguro sa kaba. Nakakahiya toh. Lumapit sakin si Elmo.

"Kanina ka po dyan?"

Tumango ako.

"So narinig mo po?"

Tumango ulit ako. "Kayo?"

Tumango siya. "Pwede po bang wag niyong ilalabas ang narinig niyo?"

Wag? Eh! Ang laking scoop nun!

"Big break ko toh so ilalabas ko yun."

Nakita ko na napatango naman si Elmo. Ok na sakanya? Ayos.

"Big break din po kung ilalabas ko na naihi ka po sa pants niyo noh? Tingin niyo po?" Nakangiti sakin si Elmo.

Ay wala toh.

Kahiya naman kapag nalaman ng mga tao.

"Oo na. Wala na kong narinig."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt