"Baby Bump"

2.2K 61 2
                                    

"Baby Bump" 


JULIE ANNE SAN JOSE! HALATA NA ANG KANYANG BABY BUMP! 


Nakasalubong namin si Elmo Magalona at sinabi niyang maganda naman daw ang pagbubuntis ng kanyang asawa. 


Elmo, kamusta naman si Julie ngayon? Nakita namin ang IG post mo na nakahalik ka sa tummy ng asawa mo. 


Natawa naman samin ang actor. 


"Okay lang naman po siya. Maganda siyang magbuntis. Palagi niyang inaalagaan ang sarili niya." 


Napangiti naman kami sa sagot niya. 


Naglilihi ba si Julie? Meron ba siyang mga cravings? 


Nagulat kami ng mas lumakas ang tawa niya. 


"Opo. Grabe ang cravings niya. One time, ginising niya ako ng madaling araw. Sabi niya gusto daw niya ng manggang hilaw na sinawsaw sa gatas na may chocolate." 


Napalunok kami sa sinabi niya? Grabe naman. Anong lasa nun? Tinanong namin siya kung naglilihi ba sakanya si Julie kasi nakita namin sila sa isang resto na kinakagat kagat ni Julie ang kanyang pisngi. 


"Haha. Uhm, opo? Siguro. Sabi ni Mama Ivic, normal daw yun sa mga asawang naglilihi. Natatawa na nga lang ako kapag ginagawa niya yun. Sobrang gigil na gigil siya sa pisngi ko. Hindi lang pala pisngi. Gusto din niya ang amoy ko. Medyo gross kung iisipin pero nahuhumaling siya sa underarm ko." 


Natawa naman kami sa sinabi niya. Hindi naman siguro gross yun. Gwapo si Elmo at amoy gwapo ito. Sigurado kami na mabango ang kili kili niya. May ipapangalan na kaya sila sa baby nila? 


"Hindi pa namin napag-uusapan eh. Pero nagkasundo kami na kapag girl, ako ang magpapangalan. Kapag boy naman, siya ang magpapangalan." 


Tumingin ako sa may likod. Nakita ko na nakasilip si Julie. Tumingin naman si Elmo sa likod niya. 


"Baby.." 


Biglang tumakbo si Julie at yumakap sa likod nito. Para siyang bata na nagtatago sa likod ng Daddy niya. Nahihiya ata samin si Julie. 


"She's shy." 


Nag hi kami kay Julie. Kumaway lang siya samin at ngumiti. 


"Hey baby, wag kang magtago sa likod ko." 


Inakay niya si Julie sa tabi niya. Inakbayan niya ito. Sa pwesto niyang ito mas nakita namin ang tyan ng singer-actress. Maumbok na nga ang tyan nito. 


Kamusta ka na Julie? Kamusta ang pagiging first time Mom? 


JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now