"Fire Exit"

8.7K 40 3
                                    

"Fire Exit"

Naka tanggap ako ng isang text. Galing sakanya. Agad akong naligo at nagbihis.

"Where are you going?"

"Oh. Ma? Uhm. Aalis po ako."

"San ka naman pupunta?" Tanong ni Mama habang inaayos yung mga gamit ko.

Napayuko ako. "He needs me."

"At this hour? Late na."

Lumapit ako kay Mama. Alam kong maiintindihan niya ko.

"Ma..please po? He badly needs me."

"Problem?"

Tumango ako.

"Sige. But make sure na uuwi ka dito ng lunch tomorrow. Pahatid ka kay Papa mo para alam ko na safe kang makakarating dun."

Napangiti ako at napayakap kay Mama. She's the best.

"Yes Ma."

"Basta anak, iparamdam mo lang sakanya na nandyan ka lang."

Tumango naman ako at hinalikan siya sa pingi bago ako bumaba. Nakita ko si Papa na nagbabasa ng newspaper.

"Pa?"

Tumingin siya sakin. Tumayo siya at nilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon nito.

"Tara?"

"Papa.."

Ngumiti siya sakin at nilahad ang kamay niya. Kinuha ko naman agad ito.

"Alam ko na. Tara at hinihintay ka na niya."

"Thank you, Papa. Salamat po sa pag-intindi."

At sumakay na kami sa kotse. Tiningnan ko ang oras. Sana dumating na kami agad dun. Hindi kasi talaga ako mapakali. Kaya naman pala ganun ang nararamdaman ko habang nasa gym ako.

"Relax ka lang anak. Malapit na tayo oh." Sabi ni Papa sakin.

"Pa..kinakabahan po ako."

"Bakit?"

"Hindi ko din po alam. Sana pagkatapos nitong araw walang magbago."

Hinawakan ni Papa ang aking mga kamay. Ramdam ko ang panlalamig nito. Nakita ko na pamilyar na ang dinadaanan namin. Nandito na kami. Huminto na si Papa.

"Anak, wag kang kabahan. Tandaan mo na kailangan ka niya."

"Papa.."

"Just smile."

Ngumiti ako kay Papa at lumabas na sa kotse. Nagpaalam na ko sakanya. Tama si Mama at Papa. Kailangan niya ko. Ok. Julie, relax. Mag elevator sana ako pero sira naman ito. Walang choice kundi mag hagdanan. Dumaan ako sa fire exit. Tumingala ako. Ang taas. Nagsimula na kong maglakad. Nakakahingal. Nakakapagod. Gusto ko ng magpahinga pero kailangan kong akyatin ang hagdan na ito para makarating sa unit niya.

"Finally!"

Sabi ko ng makita ko na ito na ang huling floor bago makarating sa unit niya kaso napatigil ako sandali ng may maamoy ako. Alam ko yun ah? Unti unti akong humakbang paakyat at nagulat ako sa aking nakita. Sabi na eh. Nakita ko siya na nakaupo sa hagdan. Nakayuko ito at may hawak na bote ng san mig light. Medyo madilim dun dahil walang gaanong ilaw. Lumapit ako sakanya. Pinantayan ko siya.

"Moe.."

Dahan dahan siyang napatingala. Nakita ko na nagulat siya at the same time..malungkot ang mga mata nito.

"Julie? What are you doing here?"

"Your Mom texted me."

"She did?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon