"Love Yourself"

1K 41 0
                                    


"Love Yourself"

Tumingin ako sakanya. Mukha naman siyang normal. Nakikita kasi ang ganda niya pero alam ko na sa loob loob niya, kinakabahan siya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti.

"I'm here. I got your back right?"

Ngumiti naman siya. Pumunta muna ko sa kusina para magluto. Nagpatugtog ako gamit ang bagong speaker na binili ko. Love yourself ang kanta.

Cause if you like the way you look that much

Oh, baby, you should go and love yourself

And if you think that I'm still holdin' on to somethin'

You should go and love yourself

Sinabayan ko ito habang nagluluto ako. Nagulat nalang ako ng may maramdaman ako na yakap mula sa likod ko. Hindi muna ko nakagalaw. Isinandal niya ang ulo niya sa likod ko. Alam ko na ito, nanghihingi siya ng lakas mula sakin kaya hinayaan ko muna na ganito kami.

"Your mama don't like me and she likes everyone.."

Sinasabayan niya ang kanta pero napatigil ako sa sinabi niya. Iniba niya yung lyrics. Humarap ako sakanya. Nakita ko sa mata niya ang takot at pangamba.

"Julie.."

Napabuntong hininga siya.

"Kelan ba ko matatanggap ng Mama mo?"

"Tanggap ka niya kasi mahal kita. Ikaw ang pinili kong mahalin kaya dapat tanggapin niya yun."

"Moe.."

"Shhh. Stop it okay? Magiging okay din ang lahat. Tingnan mo nga siya pa ang nagsabi na kumain tayo ng dinner. Masyado ka lang nag-aalala."

"Mabait ang Mommy mo at sobrang mahal ka niya. Ayoko naman na magkaroon kami ng something ni Tita Pia. Mahalaga siya para sayo."

Niyakap ko naman siya.

"At mahalaga ka para sakin."

Humarap ako sakanya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"I love you."

Binigyan ko siya ng halik sa labi bago ngumiti. Nang kumalma na siya bumalik siya sa kwarto ko para mag prepare. Matapos kong magluto sinundan ko siya sa kwarto. Bubuksan ko palang ito, narinig ko na ang boses niya.

For all the times that you made me feel small

I fell in love, now I feel nothin' at all

And never felt so low when I was vulnerable

Was I a fool to let you break down my walls?

Bahagya akong sumilip sa loob. Nakita ko siyang nag gigitara. Gumagawa siya ng cover.

Cause if you like the way you look that much

Oh, baby, you should go and love yourself

And if you think that I'm still holdin' on to somethin'

You should go and love yourself

Lumapit ako sakanya. Bihis na siya. Napatingin siya sakin.

"Maganda na ba itong suot ko?"

Tumango naman ako.

"Maganda ka naman kahit anong isuot mo. Kahit nga siguro wala kang suot maganda ka pa din." Ngisi ko sakanya.

Nahampas naman niya ko ng unan. Nag pout pa siya. Natawa ako. Gusto ko lang naman na baguhin ang mood na nararamdaman niya.

"Binibiro lang kita."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now