"Take You Back"

9.9K 19 0
                                    

"Juls, ok lang ba kayo ni Elmo?" tanong sakin ni Maqui. Parang natigilan ako nung tanungin niya ako kasi kahit ako hindi ko alam kung ok lang ba kami ni Elmo. Napapansin ko din kasi na parang wala sa sarili si Elmo.

"Oo naman." Wow Julie Anne! ang galing mo lang mag deny.

Lumapit sakin si Maqui at bahagya akong binatukan. Infairness Masakit yun ah! "Ano ba Maq, bakit ka nambabatok?"

"Wag mo kasi akong ineechoss! alam ko naman na hindi talaga kayo ok. Deny ka pa!" may sayad siguro itong bestfriend ko noh? Tingin niyo? Alam naman pala niya na hindi kami ok tatanong pa.

"Ewan ko ba Maq, hindi ko din alam eh..ang gulo kasi ni Elmo."

Kinuha niya ang cellphone ko sa lamesa at inabot sakin. "Oh?" tiningnan ko siya na para bang nagtatanong kung bakit niya sakin binibigay yun.

"Anong gagawin ko sa Cellphone ko?" tanong ko kay Maqui na seryosong nakatingin sakin.

"Call Him" matipid niyang sagot.

Tatawagan ko si Elmo? Halah! Ano naman ang sasabihin ko sakanya? "Wag nalang Maq. Wala din naman akong sasabihin sakanya."

"Anong wala? Meron! Juls, dapat mag-usap na kayo ni Elmo. Hindi naman pwedeng sa lahat ng oras ay mag-iwasan kayo diba? Ikaw na ang gumawa ng move."pagkumbinsi niya sakin.

"At bakit naman ako ang gagawa ng move?" Turo ko sa sarili ko. Oo nga! bakit ako? Siya kaya yung umiiwas. Pero alam niyo may point din naman si Maqui. Kailangan talaga namin mag-usap ni Elmo. Namimiss ko na din kasi siya. Tumingin ako kay Maqui na seryoso pa din na nakatingin sakin. Alam ko na ibig sabihin nito seryoso nga talaga siya sa pinapagawa niya sakin. Kinuha ko yung cellphone ko sakanya. "Oo na tatawagan ko na." ngumiti naman siya sakin. Eto talagang si Maqui oh! Palibhasa botong boto siya kay Elmo para sakin kahit na minsan naiinis din siya sa ugali nung Mokong.

"Go! Call him na Julie." nakangiting sabi niya sakin.

"Ano bang sasabihin ko sakanya.?" ayun at napaisip din ang loka. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko nga alam kung may kasalanan ba ako sakanya. Naging cold lang siya sakin pagkatapos nung Party List Pilipinas. Ano nga ba ang nangyari dun? Wag mo sabihing yung tungkol kay Alden? No no no….imposible. Hindi naman ganun si Elmo.

"Alam ko na. Sabihin mo magkita kayo tapos sabihin mo din na kailangan niyong mag-usap na dalawa."

"Paano kung magtanong siya kung anong pag-uusapan namin?"

"Edi sabihin mo tungkol sainyong dalawa."

Wala na akong nagawa sa gusto ni Maqui. Ginawa ko na ang inuutos niya. Tinawagan ko si Elmo. Ring lang ng ring yung phone niya. Mukhang ayaw naman ata akong kausap nito eh! ibaba ko na kaya? Shooooot! ayan na sinagot na.

"Hello" yung boses niya ang cold.

"Hello Elmo" cold ko ding sagot sakanya.

"Bakit ka napatawag Julie?"

"We need to talk."

"Talk about what?"

"Us." natahimik siya sa sinabi ko. Pagkatapos ng ilang segundong pananahimik.

"Sige, but not now. Sa friday nalang sa tech.reh. Bye Julie." at binaba na nga ni Elmo.

Tiningnan ko yung cellphone ko. First time ako binabaan ng phone ni Elmo. Dati kasi kapag magkausap kami sa phone halos tumatagal yung pag-uusap namin ng tatlong oras. Pero ngayon wala pang 3 minutes conversation over na. Aaminin ko nasaktan ako dun. Tumingin sakin si Maqui at hinawakan ang kamay ko. At ayan na nga…hindi ko na napigilan yung sarili ko at napaluha na ako.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon